// thirty

36 1 0
                                    

Thea.
December 22nd, 12:02 PM.

Huminto ang sasakyan sa parking space ng concert venue. Bumaba kaming lahat sa sasakyan. This is the first major concert I've been to in years; the last time was when Sam and I were still together. I've already seen BF5 more than once, pero ito yung first time na sila yung main act. Also, this is Sky's comeback show, so double the excitement.

Doble rin yung kaba.

I tried to shrug it off as the four of us walked all the way to the ticketing station, but I can't. Nanginginig ako. Bumiblis ang tibok ng puso ko. Hindi pa ako handang makita siya ulit. Hindi ko alam kung kaya ko na siyang makita ulit. Natatakot ako.

Pero heto ako, nagpapatuloy sa dati kong buhay bilang fan niya.

At bilang fan niya, ayoko namang biguin siya 'pag wala ako para suportahan ang pagbabalik niya sa stage.

I sighed heavily, hoping to ease the tension in my system. It didn't work. I tried again. Wala pa rin.

"You okay?" tanong ni Lui.

"Y-yeah," sagot ko. "M-medyo tensed lang."

"Ba't ka naman nate-tense?"

Hindi ko rin alam.

Umiling-iling ako. "Wala. Must be the coffee."

"Hindi naman tayo nagkape," sagot ni Jo."

"Hindi ba?" tanong ko. Ay, oo nga pala. What a lame excuse, Thea.

Pagkakuha namin ng tickets, dumiretso na kami sa entrance kung saan marami nang nakapila. 2 PM ang start ng pre-show, and ilang minuto na lang bago magbukas ang gates. Unlike my very first live experience last September, mas maraming fans ang dumalo, kasi nga solo concert nila. Mas diverse na rin ang fanbase: may mga bata, mga nanay na kasama ang mga anak nila, mga fanboys, and many others. Mas maingay at masaya rin ang crowd.

Maraming nagbago, but I guess history repeats itself.

Napadaan na naman sila sa harap namin. Palakas nang palakas ang sigaw ng mga tao habang palapit nang palapit ang limang bituing naging dahilan ng pagtitipon-tipon naming lahat dito. Kung tutuusin, dapat heavily guarded na sila at sa ibang entrance na talaga dumaan kasi umaangat na sila, pero they never did. They're still the same humble, down-to-earth young men I know and love.

Today doesn't exactly seem like the first time it happened, but it definitely feels the same.

Lalo na noong naglakad sa harapan namin ang isa sa kanila.

He was wearing different, much flashier-looking clothes. His face glowed so much more than the last time I saw him. Pero kung hindi ako nagkakamali, siya pa rin 'yon.

That jaw line. Those eyes. That smile. Those hands. Those arms. Everything about him that screams "absolute dream boy." Damn.

Grabe, Sky. 'Di ka pa rin nagbabago.

Isa lang ang nagbago.

Kumaway siya sa direksyon ng daan-daang nakapila. Pinigilan ko ang sarili kong kumaway pabalik dahil: Una, ayokong isipin ng mga kasama ko na may koneksyon ako sa kanila o sa staff kaya ako nakapunta rito; pangalawa, ayokong isipin nilang may namamagitan pa rin sa amin (while in fact, wala naman talaga in the first place, I guess); at pangatlo, sigurado akong nakalimutan na niya ako. Tagal niya ring walang paramdam, 'no? Baka na-rewire na yung memory niya.

Pero laking gulat ko nang tignan niya ako nang mata sa mata at kumaway siya sa akin.

He remembered? How?

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon