// nineteen

38 2 0
                                    

Sky.
November 16th, 8:09 PM.

"Kanina ka pa nakatingin d'yan sa hawak mo, Kuya. Ano 'yan?" tanong sa akin ni Levi. Hindi pa umaandar ang van na service namin pabalik sa studio, at nakaupo ako sa may bintana, hawak-hawak ang napigtas na keychain na napulot ko kanina sa fansign.

Lumapit siya sa akin para makakita nang mabuti. "Ah, strawberry," sabi niya. "Ang cute naman n'yan. Sayang, nasira. Hinahanap kaya 'yan ng may-ari?"

"Ewan," matipid kong sagot.

"Itago mo na lang kaya? Or itapon? Makakabili rin naman ng bagong ganyan yung nakawala niyan."

"Bakit ko naman 'to itatapon? Sayang." Hinarap ko siya. "Alam mo, Lev, may mga bagay na kahit gaano kaliit para sa'yo, maaaring malaki naman yung value sa iba."

"Enough with the hugot, Kuya. Do you even know kung kanino 'yan?"

"'Yon lang. Hindi ako sure."

"Hindi ba kay Ate Thea 'yan?"

"Ewan ko nga!" Pero posible nga kaya na sa kanya 'to? Hindi sa naga-assume ako pero kung ako ang bias niya, alam niyang paborito ko ang strawberry. Therefore, kung meron nga talaga siyang strawberry na keychain sa bag niya, siguro nga, ako ang bias niya. At siguro...

D'yos ko, ang dami kong iniisip.

Binasag ni Levi ang katahimikan. "So what are you gonna do with that strawberry thing now?"

"Itatago ko muna," sagot ko.

"Ayos 'yan. Mukhang magaling ka namang magtago, eh." Humina ang boses niya. "Magtago ng feelings."

Tinaasan ko ng kilay ang batang itlog sa tabi ko. "Ano'ng sabi mo?"

Umiling-iling siya. "Wala, Kuya. What I meant was, okay nang itago mo muna para ikaw lang ang nakakaalam kung saan nakatago, hindi namin magagalaw."

Nakiki-Art of Denial ka na rin, ah. 'Ge, push mo lang 'yan.

"Hindi mo 'ko madadaan d'yan, Levi." Iyon na lang ang nasabi ko nang huminto ang van sa may stoplight. Bumalik ako sa pagtanaw sa bintana. Nag-iba ang tugtog sa radyo ng sasakyan. Hindi pamilyar sa akin ang kanta pero parang natamaan ako sa lyrics. Ewan ko ba.

"Pwede ba, huwag muna. Teka lang, ayoko pa..."

Itatago ko na muna. Ayoko pa na ipaalam sa kanya. Ayaw kong magmadali. Ayaw kong umasa siya. Ayaw kong masaktan ko lang siya. Lalong ayaw kong masaktan ang sarili ko. Ayaw, ayaw, puro ka na lang ayaw, Sky. Ano ba'ng gusto mo?

"Pwede bang magkunyari na lang tayo? Huwag ngayon at 'di ko yata kakayanin, huwag ngayon. At alam ko na ang iyong sasabihin, huwag ngayon..."

"Huwag ngayon," sinasabayan ko ang paulit-ulit na bahagi na iyon ng kanta. Oo, hindi nga ngayon, pero kailan naman?

"Xavier, you okay?" tanong ni Elijah mula sa front seat. "Nag-e-MTV ka na naman d'yan. Kanina ka pa no'ng papunta pa lang tayo sa event natin."

Hindi ako sumagot.

Nagsalita siya ulit. "Alam ko 'yang iniisip mo."

Napatingin ako sa reflection niya sa rear view mirror. "Alam na ninyong lahat, kamo."

He snapped his fingers. "Exactly. Tanong lang, on behalf of everyone here. Kailan ka aamin sa kanya? As soon as possible ba?"

"Saka na."

"Saka na, 'pag may iba na siyang gusto?"

"I won't let that happen." Wow, napapa-English na rin ako? Ayos.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon