Thea.
October 12th, 6:48 AM.Nagising ako sa sunod-sunod na notification sounds mula sa phone ko. Hindi pa ganoon kahaba ang tulog ko at wala naman akong trabaho kasi Sabado ngayon, pero gumising pa rin ako dahil baka meron pala akong importanteng gagawin. I checked my phone to see where the messages came from.
⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰
gc ng mga marurupok
5:59 AM
Nina:
mga baksg ba kayo later? StarMall?
set kayo meeting place, pick up ko kayo there
6:50 AM
Anthea:
aga sis ahbtw try ko pumunta
omg legit??? i almost forgot
Nina:
ganun talagakakaligo ko lang actually. malayo pa panggagalingan ko haha
si joanne?
Anthea:
idkbaka tulog pa
i'll try to contact her. kagigising ko lang din kasi lol
on my way
sabihan ko na lang siya
Nina:
oki'll send u the directions later
kitakits! :)
⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰
Nagmadali akong ayusin ang kwarto ko at dumiretso sa shower. Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas agad ako sa unit ko (nang walang ayos-ayos), at kinandado ang pinto. Pagbaba ko sa lobby ay lumakad agad ako papunta sa terminal ng UV, at saka sumakay papuntang Cubao.
Umupo muna ako sa labas ng isang coffee shop at tinawagan si Jo. Sumagot naman siya after the third ring. "Yes, Thea girl?"
"'Teh, may mall show pala sila mamaya! Nabasa mo yung sinabi ni Nina sa GC?" tanong ko.
"Yeah, I know, pero kagigising ko lang din, eh. Mahihintay mo ba ako?"
"Nakaalis na ako."
"Shit. Sige, hahabol ako. Saan ka?"
"Starbucks. Sa may papasok ng Gateway. Take your time, 'di pa naman ako nagkakape. Ikaw na lang naman hinihintay, eh."
"Okay, sige, sige. See you!"
I was halfway through my venti hot latte when she arrived.
"Ano, gora na?" tanong niya pagkaupo niya sa katapat kong upuan.
"'Di pa ako nakakapag-book ng Grab. Eh, kung sagot mo na kaya, tutal ikaw naman ang nahuli ngayon?"
"Grabe ka talaga sa'kin, eh ngayon lang naman ako na-late. Si Nina pala?"
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...