// five

53 1 0
                                    

Thea.
October 12th, 1:30 AM.

Two people watch the sunset together. One of them might say to the other, "Bukas, pagsikat ulit ng araw, ikaw pa rin ang mahal ko." Two possible scenarios follow.

Scenario One: they stay. 

Scenario Two: they leave.

In my case, was it Scenario One or Two? Or, what if meron pang pangatlo?

Scenario Three: they leave, but another person comes into the picture. 

Iniwan ka niya, pero may bagong dumating para i-comfort ka, para pasayahin ka, para iparamdam sa'yo na hindi dapat umiikot ang mundo mo doon sa nang-iwan. Dumating siya para tulungan kang makalimot, at turuan kang magmahal ulit.

Now, another what if: What if si Sky yung "another person"? It's not impossible naman for an idol to date his fan, right? Well, anything could happen...

Nope, don't assume things, Thea. You're just his fan. The probability of him liking you (in a romantic sense) is just 0.000001 percent.

Pero chance pa rin 'yon, 'di ba?

Ah, fuck.

Ang gulo ng utak ko. Bumabalik sa akin lahat ng sinabi ko kanina. Hindi pa nga ako tuluyang nakaka-move on kay Sam, tapos biglang papasok si Sky sa eksena para lalo pang guluhin ang feelings ko. Nag-replay sa utak ko ang lahat ng pangyayari noong mga nakaraang araw: Yung pagdaan niya sa harap ng pilahan at yung eye contact namin sa cultural festival, yung pag-reply niya sa tweet ko (gamit ang official group account) noong October 3, yung buong photo shoot, yung art gallery tour, yung pag-interpret ko sa couple-watching-the-sunset photo, yung pabirong pag-compliment niya sa English skills ko, maski yung paglapit niya sa akin para mag-thank you bago sila umalis... Bakit gano'n, the more I see or hear him, the more I fall for him? Shuta.

Again, Thea. 'Pag fangirling, fangirling lang. 'Wag paabutin sa romantic attraction kay bias. Masakit din 'yon, sige.

Naupo lang ako sa gilid ng kama ko habang patuloy na nag-iisip. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog dahil nahihirapan akong i-process ang lahat ng mga nangyari mula pa noong mga nakaraang araw. It's as if everything went by so fast. I wasn't expecting all this to actually happen, except maybe in my dreams. At first, all I ever wanted was to just love and support my favorite famous people as much as I can. I just wanted to be proud of how far they've come, and watch them from afar, like all other fangirls do. Hindi na mahalaga sa akin kung mapanood ko sila nang live, o kung makita ko man sila nang malapitan, o kung makatrabaho ko sila. Oo, pangarap ko iyon, pero pinaniwala ko ang sarili ko na hanggang doon lang. Pero nangyari lahat. Ilang ulit ko mang kumbinsihin ang sarili ko na baka panaginip lang 'to, o sadyang nagkataon lang ang lahat, but half of my heart wants to believe that anything could happen. That something more could actually happen.

Kahit pa sabihin nila na matanda na ako para maniwala sa fairy tale at mga kwentong telenovela, kumakapit pa rin ako sa posibilidad na pwede pang bumalik yung dating saya, yung walang halong pagpapanggap; na may bagong darating para pagdikit-dikitin ang mga pira-piraso ng puso at kaluluwa ko; na baka yung tao na akala ko'y hanggang sa malayuan ko lang matatanaw ay yung taong lalapit at sasalo sa akin ngayong nahuhulog na naman ako.

Kaya kahit papaano, buo pa rin ang pag-asa ko na maaaring maging totoo yung Scenario Three.

"Sky, sabihin mo nga sa akin, may pag-asa ba ako sa'yo? Ikaw na ba yung tutupad ng Scenario Three? Ikaw ba yung second chance na hinahanap ko? Please, sabihin mong hindi lang ako umaasa. Please, sabihin mong totoo lahat. Sabihin mong sincere ka sa'kin. Please.

"Gulong-gulo na ako. Ang gusto ko lang naman, eh maipakita ko sa'yo ang paghanga ko, kahit nasa itaas ka at nasa bandang likuran lang ako. Pero hindi ko na maintindihan ang sarili ko ngayon, eh. Lumalalim na ang feelings ko para sa'yo. Alam kong medyo immature 'tong iniisip ko, pero mahal na ata kita. Will you give me a chance? Sagutin mo 'ko, please!"

Punyeta, hindi ka nga pala pwedeng sumagot, kasi poster ka lang. As if naman masasagot din ng totoong ikaw yung mga kagagahan ko, 'di ba? Itutulog ko na nga lang 'to.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon