Thea.
October 18th, 9:01 AM."Guys, good news," sabi ng managing editor namin na si Kuya Bryan. "Flair's anniversary feature is out now! Congrats, team!"
"Congrats to us!" sabi naman ni Emma, head ng social media team. "Party-party na ba?"
"Oo nga!" dagdag pa ng ibang staff.
"Habang wala pang party plans, i-congratulate din naman natin yung creative team and yung mga writers! Sila yung pinakagrabe yung effort to make this a success, eh!" Emma added.
"Thank you!" I said to them, holding up a finger heart. Nakaupo pa rin ako sa cubicle ko while reading the entire article. I even highlighted certain parts of the interview that struck me, and admired those photos of them that made the cut.
Perks of working with media: you get to work with celebrities. Or if you're lucky enough, your celebrity crushes.
"Also, shout-out to our art director and layout artist, A.K.A. two of BF5's biggest fans, Thea and Joanne! You both have great taste, eh? Kayo ba nag-suggest nito kay Ms. Gail?" singit ni Bryan.
"Uy, hindi ah!" I replied.
"By the way, ang galing ng concept niyo! Congrats, dudes!"
"Salamat talaga, Kuya Bry!"
"So, wala munang legit na trabaho until the end of the month?" tanong niya.
"We'll see. Wala bang pa-inom diyan, Kuya? Treat naman diyan!" singit ni Jo.
"Hm. How about later? Okay lang ba, team?"
Sumang-ayon ang lahat ng staff sa suggestion ni Kuya Bry. Meanwhile, nakaupo pa rin ako sa harap ng PC ko. Tinawag na tuloy ni Jo ang atensyon ko.
"Uy, girl, kanina mo pa tinitignan 'yang article natin, ah. Dahil ba proud ka sa gawa ng buong team, o dahil sa mga bebe natin?" tanong niya.
"Baliw, syempre both," pabiro kong sagot.
"G ka mamaya? Let's celebrate!" aniya.
"I don't drink..." Kasi 'pag nakakainom ako, siya ang bukambibig ko. "Pero sige, I'll go."
I just hope I don't get drunk enough to remember that guy again.
⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰
8:59 PM.
"To a fruitful second year!" sambit ni Ma'am Gail.
"To more years of success!" dugtong ni Kuya Bryan.
"To a better and stronger Flair team! Cheers?" Pagkasabi ni Emma ng mga salitang iyon, we all raised our glasses and cheered.
Hindi naman talaga ako yung tipo ng tao na lumalagi sa mga ganitong lugar. Kahit noong college ako, hindi talaga ako puma-party, except kapag may importanteng event sa university, o kung may nag-invite sa akin sa gig. Hindi rin ako umiinom. Mali, umiinom naman kahit papaano, pero hindi naglalasing. Baka kasi hindi ko kayanin. But here I am, with my team, celebrating the little victories we have. No regrets.
Nakaupo kaming lahat nang paikot sa isang lamesa sa sulok ng bar. Tanaw ko mula sa malayo ang maliit na stage kung saan may banda na naghahanda para sa set nila. Bigla kong naalala ang huling taon ko sa college.
Ang huli at pinakamasakit na taon.
Dahil ang pinakamasayang gabi ng buhay ko ay nangyari noong taong iyon. At hindi ko namalayang may kapalit pala ang saya na dala niya.
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...