// thirty one

36 2 0
                                    

Sky.
December 22nd, 3:25 PM.

"You ready?" tanong ni Eli habang nag-aayos kami sa backstage. Five minutes na lang bago ako tumuntong sa stage, para i-perform yung kanta na sinulat ko para kay Thea.

Well, hindi niya naman alam na para sa kanya talaga 'yon.

"Oo, pero kinakabahan pa ako nang konti," sagot ko. "Unang beses kong kakantahin 'to, eh. Paano kung hindi nila magustuhan?"

"Grabe ka naman. Magugustuhan nila 'yan. Ikaw pa ba?" Tinapik ni Eli ang balikat ko.

Sumingit si Levi. "Oo nga. Isipin mo, nanonood si Ate Th-"

Nag-"Shhh" si Eli.

"I mean, nanonood yung pinag-aalayan mo ng kantang 'yan. Kung meron man," biglang bawi ni Levi sabay kibit ng balikat.

"Sky, stand by na! Be ready!" sabi ng staff. Tumayo na ako at nagpaalam sa boys.

Huminga ako nang malalim. Sumilip ako nang kaunti sa lalabasan ko papunta sa stage. Inisa-isa ko ang bawat tao sa audience. Humakbang ako sa isang baitang, tapos sa susunod, tapos sa susunod, hanggang sa tuluyan na akong nakaakyat sa stage. Muli, tinanaw ko ang audience. Hindi maiwasan ng mga mata ko na maghanap. Naisip ko ang sinabi ni Levi.

"Isipin mo, nandyan yung pinag-aalayan mo ng kanta mo."

At nandoon nga siya.

Nasa bandang gitna, hawak-hawak ang light stick niya, nakaupo at nag-aabang sa mga susunod na mangyayari. Paano ko nalaman? Dahil sa tattoo niya.

Hinding-hindi ko makakalimutan iyon. Iyon ang palatandaan ko sa kanya, sunflower na pinaikutan ng mga baging sa kaliwang braso.

Saglit muna akong umiwas ng tingin sa kanya at nagsalita bilang panimula.

"H-hi guys," bati ko. "So itong kantang ipe-perform ko ngayon, ako mismo ang nagsulat at nag-compose. Noong mga panahong hindi ako makasama sa grupo, nung bakasyon ko..."

Natawa ako sa sinabi kong iyon. Para na rin kasi akong nagbakasyon noong mga nakaraang linggo. Iyon na ata ang pinakamahabang tatlong linggo ng buhay ko.

Nagpatuloy ako. "...sinimulan ko 'to tapos isang gabi ko lang siya natapos. Pero pagbalik ko kahapon, nagpatulong ako kay Eli sa ibang parts saka para mapaganda lalo 'to. Tapos ngayon, ito na. Kakantahin ko 'to para sa inyong lahat. Ang title nito ay, Hindi Na Maaari."

Ibinalik ko ang tingin ko sa dahilan ng lahat ng ito. Oo, siya ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ako. Siya ang dahilan kung bakit ko sinulat ang kantang ito.

Si Thea.

Para sa kanya 'to.

At ngayon, panahon na para ipabatid sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit sa ganitong paraan na lang.

"Hindi man tayo para sa isa't isa
Asahan mo, pag-ibig ko'y hindi mawawala
Hindi mabubura"

Sa kanya lang ako nakatingin habang kinakanta ko ang bahaging iyon ng kanta. Napansin kong tumingin siya sa akin sandali, tapos yumuko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, dahil nga malayo ang agwat namin sa isa't isa.

Itinuloy ko lang ang kanta.

"Mahal mo pa rin ba ako,
Kahit hindi na ako'ng nasa tabi mo?
Mahihintay mo pa ba ako,
At sa pagbalik ko ba'y magsasama pa tayo?

At kung hindi na maaari
Ay 'di na ipipilit pa
Ako na lang ang lalayo
Kung ayaw mo na..."

Pumikit ako. Pagdilat ko, iba na ang nakikita ng mata ko.

May kasama siya.

At kitang-kita ko na sobrang lapit at sobrang lambing nila sa isa't isa.

Grabe naman. Hindi pa nga ako nakakaamin nang diretso, rejected na ako. Ang sakit. Ganito ba yung pakiramdam na alam mong huli na ang lahat at wala ka nang laban pa?

Tinapos ko na ang kanta. Hindi ko na kayang magtagal pa sa ganitong sitwasyon.

"Kahit nasa piling ka na ng iba
Asahan mo, pag-ibig ko'y hindi mawawala
Hindi mabubura"

Pagkatapos ng kanta, umalis na lang ako. Dahan-dahan akong lumakad pabalik sa backstage dahil ayokong magmukhang bastos sa harapan ng mga nakapanood, pero hindi ko na kasi mapigilan yung pag-iyak ko. Halo-halo ang emosyong bumabalot sa akin. Lungkot, sakit, konting galit sa kung sino mang kasama niya dahil ang lakas ng loob niyang landiin yung pinakamamahal ko habang wala ako... Teka, bakit ba ganoon na lang ako maka-react?

Leche.

Aba, hanep, napamura ako.

Hindi ako pumasok sa dressing room. Agad kong hinanap yung CR sa likod at pumasok ako doon. Tinitigan ko nang matagal ang salamin.

Napaisip ako.

Akala ko, tama na ang panahon.

Huli na pala siguro ang lahat.

Hinilamusan ko ang mukha ko para hindi nila mahalata na umiiyak ako ngayon. Ako yung tipo ng tao na hindi marunong magtago ng totoong nararamdaman; kung alam ko sa sarili ko na nasasaktan na ako, sinasabi ko agad sa unang taong nakikita ko. Pero hindi ko kayang magdamdam sa ngayon.

Comeback show ko 'to. Dapat masaya ako. Kailangan kong maging matatag.

Or, at least, magkunwaring strong.

Ewan.

'Di nagtagal, may kumatok sa pinto ng CR.

"Xavier?"

"'Wag ka munang pumasok."

"Si Eli 'to. Kanina ka pa namin hinahanap. Stand by na raw in ten minutes. Ano ba'ng nangyari?"

"Wala."

"Alam kong meron."

Pumasok siya at lumapit sa akin. "Tell me what happened," sabi niya.

"Wala na. Too late na." Iyon lang ang nasabi ko.

"Bakit? Ayusin mo. Ano ba'ng nakita mo?"

"Si Thea. May iba na siya."

"Seriously?" Tinignan niya ako. "Dahil lang do'n, magmumukmok ka na lang? Listen, Xavier. Importante sa'yo 'tong show na 'to. Lahat ng tao, inaantay kang bumalik tapos ngayon, sisirain mo lang lahat dahil nadadala ka ng emosyon mo?"

"Pero hindi ko kasi matanggap na may iba nang mahal yung taong mahal ko!"

"Are you even sure na boyfriend niya 'yon?" tanong niya.

Natigilan ako. "Hindi."

"Eh 'di 'wag kang magdamdam. Ganito. Talk to her. Set things straight. Ako na bahalang lumusot kay Sir Al."

"Seryoso ka? Mamaya madamay ka pa rito."

"Ako nga bahala. If it turns out good, eh 'di good. If she rejects you, i-let go mo na. Move on."

"Pero kailan?"

"Later tonight. Deal?"

"Sige. Deal."

"Tara na." Sinamahan niya ako pabalik sa iba pang members, at sabay-sabay na kaming bumalik sa stage.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon