// fifteen

45 1 0
                                    

Thea.
One week later.
November 11th, 8:57 PM.

"Happy birthday, kapatid!" bati sa akin ni Kuya Rick. Pumunta ulit siya sa unit ko dala-dala ang beer at chicken wings na binili niya. "Pasensya na, 'yan lang nakayanan, ah. Nakalimutan ko pa tuloy yung cake. Bigay lang kasi ni Mama pinambili ko niyan. Wala pa rin talagang tumatawag sa mga inaplayan ko, eh."

"Grabe," sagot ko. "Okay na 'to kaysa wala, 'no? Ako nga dapat ang magso-sorry, eh, kasi 'di ko na kayo inuuwian lately. Super duper busy kasi sa magazine."

"Sa magazine, o sa love life?"

"'Wag ka nga, Kuya!"

"Ikaw naman, 'di na mabiro. Tara, kain."

Inilapag ni Kuya ang mga pinamili niya sa dining table at umupo na kami.

"'Musta work? Ikaw ulit nakatoka sa art direction sa November feature niyo?" tanong niya habang ngumunguya.

"Oo. Kaya nga sobrang hectic na naman schedule ko, eh," sagot ko. "Si Mama pala?"

"Nagtatampo. Pinagluto ka pa naman no'n kahapon ng handa, tapos nag-bake pa ng cake. Eh 'di ka umuwi. Hinahanap ka tuloy."

I frowned upon hearing those words. Na-miss ko tuloy si Mama.

"Joke lang. Naiintindihan ka naman ni Mother Dear," banat niya. "Isipin mo, ikaw yung bunso pero mas independent ka pa sa'kin? Bilib nga kami sa'yo, eh."

"Sus, maliit na bagay," sagot ko.

Inilapag ko sa mesa ang isang pakpak ng manok na kakatapos ko lang simutin, saka ako nagsalita ulit. "May tanong pala ako, Kuya."

"Ano 'yon?" balik niya.

"Paano ko malalaman kung crush din ako ng crush ko?"

"Ano ba 'yang tanong mo, kapatid, masyadong pang-high school!"

"Sagutin mo na lang kasi!" Inambahan ko siya habang nagpipigil ng tawa. "Ano ba? Dali na, Kuya!"

Kumuha siya ng panibagong piraso ng manok. "Ganito 'yan, kapatid. Hindi mo basta-basta mase-sense 'yan, eh. Hindi mo naman kasi hawak ang feelings ng tao. Pero ang paniniwala ko noon, malalaman mong crush ka ng crush mo 'pag nahihiya siyang makipag-interact sa'yo in any way, pero pinipilit niya pa rin. Noon iyon."

"Ano na ngayon?"

"Dalawa lang 'yan. Yung una, kapag inamin na niya sa'yo nang diretso. Pangalawa, kapag huli na ang lahat at may iba ka nang nagustuhan."

"'Pag nawala na yung feelings ko sa kanya, saka ko lang nalaman na gusto niya ako, hindi ba masakit 'yon?"

"Masakit sa part niya kasi huli na siya. Sa'yo naman, more on pagsisisi kasi mali yung timing mo. Pero, kako, 'di mo nga hawak ang puso't damdamin ng taong 'yon and vice versa. Teka nga muna, kapatid." Tinaasan ako ng kilay ni Kuya Rick. "Bakit mo nga pala tinanong 'yan? May kinalaman ba to kay-"

"Ah, hindi! Just asking. Malay mo may magustuhan ako. In the future. Yung kapwa ko ordinaryong tao, ah! Pwede naman 'yon, 'di ba?"

"'Di mo 'ko malilinlang, Anthea." Natawa siya sa sinabi niya. "Bakit mo naman iniisip na crush ka rin nung Sky Villegas na 'yon?"

"Gosh, Kuya!" Hindi na rin ako nakapagpigil ng tawa. "You got me there. Hindi naman masamang umasa, right?"

"Hay naku, kumain ka na nga lang."

"Masyado kang seryoso, Kuya."

"'Di nga. Kumain ka pa nang maigi. Birthday mo, eh."

At gaya nga ng sinabi ni Kuya, itinuloy lang namin ang pagkain at pag-inom. Kaya lang, naudlot ulit ang pagkain ko dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng phone ko.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon