Thea.
December 14th, 7:40 PM.I arrived forty minutes late.
On purpose.
Sinadya kong magpa-late kasi ayokong mabigo na naman.
Minsan na kasi niyang sinabi na magkita kami sa Starbucks, MOA, alas-siyete ng gabi. Pero pagdating ko roon, at exactly 7 PM, hindi ko siya nakita.
So, naghintay ako. Ten minutes passed, the fifteen, then twenty, thirty, sixty... Hanggang sa dalawa't kalahating oras na pala akong naghihintay sa wala.
Isang araw matapos ang graduation namin, na-ghost ako ng taong minahal ko. Imbes na nagdiriwang ako dahil tapos na ako sa college, umiiyak ako sa pintuan ng lecheng kapihang iyon.
Kaya ipinangako ko sa sarili ko na kung sakaling babalik siya, hindi na ako darating on time, kasi ayoko nang maghintay. Ayokong umasa ulit sa wala.
At ngayon, heto na.
Pumasok ako at nakita ko siyang nakaupo. Nginitian niya ako na parang wala lang sa kanya yung ginawa niya noon.
"You're late," bungad niya sa akin pagkaupo ko sa harap niya.
"Better late than never, Sam," sagot ko. "So, what brings you here?"
He didn't respond.
"Bakit ka pa bumalik?" tanong ko ulit.
"Na-miss kita," sagot niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Seryoso ka? Almost two years na ang nakalipas mula nang iwan mo ako, almost two years kang walang paramdam. Sa magdadalawang taon na 'yon, I'm fully convinced na tapos na tayo, wala ka na, tapos babalik ka ngayon at sasabihin mong miss mo 'ko? Gago ka ba?"
Hindi pa rin siya nagsalita.
I spoke again. "Wala na tayo, Sam. Nawala na yung dating tayo mula nung nawala ka. Hindi na 'yon mababalik. Naka-move on na ako, may iba na akong mahal. Wala nang silbi lahat ng 'to."
Tinignan niya ako sa mata. "Ang dali mo naman akong ipagpalit."
"Ah, gano'n. So, feeling mo, tayo pa rin? Ang kulit mo rin, ano? Iniwan mo na ako noon. Hindi mo na ako pag-aari. Palayain mo na ako, Sam." Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko dapat iniiyakan 'to, eh. Punyeta.
"Thea, let me explain," sagot niya. "I didn't show up that day because I had to leave for the UK kinabukasan. In-offer-an kasi ako ng tito ko ng internship doon, hindi ko naman matanggihan kasi, London na 'yon, eh. Hindi ko man lang naisip na maiiwan ko yung mahal ko sa buhay, maiiwan kita. I wasn't ready to let you go yet, but I had to. Hindi ko nasabi sa'yo noon kasi..."
"Kasi ano?"
"Kasi ayokong masaktan ka pag-alis ko."
"Pero 'di ba nangako ka naman na babalikan mo 'ko?"
"Oo. Kaya nag-decide akong umuwi rito sa Manila after my internship, and now I'm staying here for good. 'Di ko naman akalain na pagbalik ko, may bago na palang nagmamay-ari ng puso mo."
Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. Nakaramdam ako ng pagsisisi.
Napaiyak na akong tuluyan.
"Sam, I'm sorry," sambit ko. "Hindi kita nahintay. Akala ko kasi, walang mangyayari kung maghintay pa ako. Oo, umasa pa akong babalik ka noon, pero nagsawa rin ako. Ang tagal ko na kasing naghihintay sa wala. Ngayon, na-realize ko, hindi pala natin talaga hawak ang oras. You came back, but I guess it's too late for the both of us. Oras na para palayain natin ang isa't isa. For real."
"Siguro nga," he answered, trying to keep a straight face. "Thank you for being honest with me, Thea."
"And thank you for setting me free with the truth, Sam."
I left the coffee house without a single tear in my eye. Bakit pa ba ako iiyak? Pinalaya na namin ang isa't isa. Akala ko noon, naka-move on na ako sa kanya. Minsan ko na ring naisip na hindi magandang ideya ang closure. Pero ang totoo, iyon pala ang susi para simulan na ang totoong pagmo-move on.
Okay na kami ngayon. Okay na ako ngayon.
Isa na lang ang kailangan kong ayusin.
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...