// four

54 1 0
                                    

Thea.
September 30th, 8:39 AM.

"Now, for our next project," bungad ni Ma'am Gail sa board room. Ipinatawag niya ang buong team namin for a meeting para sa susunod naming project. "This October, which marks the second year of the Flair Magazine  online portal, we will be working on our biggest project yet."

Natahimik ang mga editors at iba pang staff na nasa loob. Si Jo, tahimik pero bakas sa ngiti niya ang excitement. Ako naman, medyo nate-tense. Sa mahigit isang taon ng pagiging associate art director ko dito, ngayon lang ako na-pressure. "Biggest project" daw itong gagawin namin, so supposedly, we will feature people who have a big influence on the youth of today. 

I've got a good feeling about this. Sort of.

"For this project, we are inviting one of the most trending, most influential groups in the country today for a photo shoot and exclusive interview. Any guesses kung sino ang ipe-feature natin for this month?" 

Pagkasabi ni Ma'am ng mga katagang iyon, napansin kong nagkaka-idea na ang lahat, kasama na ako. Nagkatinginan kami ni Jo, pero nahuli ko ang sarili ko at ibinalik ang atensyon ko sa editor-in-chief namin. Pagkabukas niya ng kanyang presentation, napanganga ang lahat sa loob. "Yes, you saw it right, we are planning to invite BF5 over for this feature, along with other influencers. Over all, these boys are the highlight of this month's issue."

Ma'am Gail then moved to the next slide. "Prior to this, I had a meeting with the design team, and so far, we have only finalized two things: first, the venue has already been booked; and second, nakapag-hire na rin tayo ng photographer. We have a slight inconvenience underway, though. We have been contacting the artists' management, and as of 5 o'clock PM yesterday, they still have to check their schedule, kung may araw na available sila. I'll update you further about that. While we're at it, any questions and suggestions?" 

I raised my hand. "Ma'am, once the artists confirm their availability, what if we collaborate with the social media team? We can post teasers on our sites to maximize audience engagement, since BF5 has a growing fan base in and out of the Internet," I said, trying not to sound biased.

"That's a great idea! We'll take that into consideration. Thank you, Thea," sagot niya na may ngiti.

Pagkatapos ng meeting, kinausap ako ni Ma'am sa office.

"Thea, I really admire your dedication at work, and I can see how much you've learned and improved in the past eleven months. Because of that, I am assigning you as the head art director for this project," sabi niya.

"Po?" Hindi ko alam kung paano ako magre-react.

"Kasama ka na sa magha-handle ng shoot. You're going with the entire production team on the field in the next few days. I'm counting on you because I believe in you. I know you can be of big help to the team with your creativity and enthusiasm. Congratulations in advance, Miss Lansangan."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ako lang ba o simula nang makilala ko ang BF5, ang dami nang nangyaring maganda sa buhay ko? Tapos makakatrabaho ko pa sila sa mga susunod pang araw? Thank You, Lord. 

"Thank you po, Ma'am!" I moved closer to hug her, pero pinigilan ko ang sarili ko and so I just bowed, out of respect.

Pag-alis ni Ma'am, nanahimik pa rin ako. Na-realize kong hindi pa ako ready na makita sila nang harapan. As a new fan, parang sobrang bilis ng mga pangyayari. Isang show pa nga lang ang napupuntahan ko, eh. Pero may oras pa naman ako para ihanda ang sarili ko. Sa ngayon, focus muna sa work at fangirling. Saka ko na iisipin yung maaari pang mangyari.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

October 11th, 2:07 PM.

So far, the shoot was a success. 

Napanatili kong kalmado ang sarili ko kahit may mga gwapong nilalang na nagpo-pose sa harapan ko. Nakatulong din siguro na hindi ko kasama si Jo kasi walang nangungulit sa akin at mas nagagawa kong tumulong sa producers at set designers. May bonus pa, dahil nagpa-games ang teammates ko with the boys. Natatawa na lang kami habang pinapanood sila na nagtatalo kung kanino nga ba mapupunta yung points, o kung bakit may ganitong habit si ganyan. Para lang din akong nanonood ng mga vlogs and interviews nila, pero sa harap ko mismo, hindi sa screen.

After the session, sinamahan namin sila para mag-tour sa art gallery kung saan ginanap yung shoot. Itinuro ko sa kanila ang bawat piyesa na naka-display at ine-explain ang interpretation ko sa bawat isa. Nakapunta na ako sa gallery na ito last year before graduating, at sobrang nagandahan ako sa lugar, kaya ko na-suggest sa team na dito ganapin ang shoot. Pumayag naman sila.

Sa lahat ng members, si Eli ang pinakaseryoso at pinaka-appreciative pagdating sa art. Naging komportable akong kausap siya dahil may sarili din siyang insights sa mga artworks. Sina Seth, Isaiah at Levi naman, masyadong literal ang pag-interpret. Tawang-tawa kaming buong team kapag may isa sa kanila na nagsabing "Hindi, kasi 'yang figure na 'yan, tao 'yan na lumulutang sa space," o kaya "Hindi, mali! Manok 'yan na lumulutang sa space." Si Sky, ayon, tinititigan lang yung mga painting, minsan nagtatanong siya kapag may hindi siya naintindihan sa interpretations ko. Parang, "Teka, ano'ng ibig sabihin ng kulay ng bulaklak?" Or, "Bakit nakahiga yung babae, ano'ng meaning no'n?" Mga pambatang tanong, kumbaga. Minsan, kapag wala na akong masagot o natatameme na ako sa kilig (na pilit kong tinatago), si Eli na lang ang nagpapaliwanag.

Ang pinaka-unforgettable na tinanong niya sa akin ay tungkol sa isang litrato na kabilang sa photography exhibit ng gallery. Nakapaloob sa litratong iyon ang isang babae at isang lalaki na nakaupo sa seawall ng Manila Bay habang pinapanood ang sunset.

"Miss Thea, ano kaya yung nangyari pagkatapos lumubog ang araw diyan?" tanong niya. Natahimik ako sa tanong niya. Hindi ako makaharap sa kanya nang ganito't bigla na lang nagbago ang mood ko. As much as fans don't want to see their idols feeling sad, siguro naman ayaw din ng mga idol na nalulungkot ang fan nila, 'di ba? Ay, 'di pala nila alam na fan nila ako. Hindi pala alam ni Sky na pinagpapantasyahan ko siya. Char.

"Okay lang po kayo?" was his follow-up question.

I turned to him and smiled, or at least pretended to. "Wala, may naalala lang ako."

Naalala ko yung ex ko. Yung una't huling beses na inabangan namin yung sunset sa Manila Bay. Yung pangako niya sa'kin that day. Teka, bakit ko ba 'to sinasabi? It's not like you'd be willing to listen. After all, fan mo lang ako. I'm just a stranger to you.

Umiling na lang ako at bumalik sa pinag-uusapan. 

"For me, may dalawang possible scenarios diyan, based on a single premise. One of them might say to the other, 'bukas, pagsikat ulit ng araw, ikaw pa rin ang mahal ko.' Scenario One: they stay. Scenario Two: they leave. Pero, mas malaki ang chance na mangyari si Scenario Two. That person leaves, the relationship ends. Ang significance ng paglubog ng araw sa picture na 'to is that, the photographer wants to prove that sunsets are a perfect example of the concept of endings being beautiful and sad at the same time."

I smiled afterwards. Nakita ko sa mukha niya na parang nadala siya sa nasabi ko. Kaso...

"Ang lalim naman ng English mo, Miss Thea."

Natawa na lang kaming lahat sa sinabi niya. In fairness, napasaya niya ako kahit muntik-muntikan na naman akong mag-break down dahil sa mga bad memories na bumalik sa akin. Hulog talaga ng langit 'tong taong 'to. Hay, Sky Villegas, pwede bang tayo na lang? Joke.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon