// twenty four

42 1 0
                                    

Sky.
December 1st, time unknown.

"Sky, I'm afraid you need to sit out of the group's upcoming events for a while," sabi sa akin ni Sir Albert, ang manager namin.

"B-bakit po?" tanong ko.

"As you know, you are one of the group's ace members and also one of the agency's most prized possessions. But with all the issues surrounding you and Flair Magazine's art director right now, the image and reputation of BF5 is being put at risk," sagot niya. "As your manager and your 'second father', I just want to protect you. We wouldn't want to kick you out of the group because the rumors aren't proven to be true yet, so the least we could do is to give you a break. Indefinitely."

Indefinitely?  Ibig sabihin, hindi pa sigurado kung makakabalik ako sa grupo? Tsk. Ito na ba yung kabayaran sa mga kalokohan ko? Masyado ba akong naging pushy kay Thea? Kasalanan ko bang may gusto ako sa kanya? Pinaparusahan na ba ako?

Pero mabuti na 'to kaysa tuluyan akong matanggal. Sigurado ako, hindi rin matatanggap ng apat kung mawala ako. Napamahal na kami sa isa't isa. Para na kaming magkakapatid. Tapos dahil lang sa pakikipagkaibigan ko sa taong mahal kokay Theana na-misinterpret ng iba, baka masira pa. Naiisip ko pa lang, hindi ko na mapigilang umiyak.

Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ito at nagtanong ulit kay Sir Albert, "Indefinitely, sir? When can I come back po?"

Sagot niya, "When the issue has been resolved. Don't worry, Sky. We will help you release an official statement in order to make the fans understand your side." Tinapik niya ang balikat ko. "You'll be fine. We will help you. I'll just inform the other members about this."

Umalis na siya at ako na lang ang naiwan sa opisina niya. Nanatili muna akong nakaupo doon nang ilang minuto. Pagbalik ni Sir Albert, nagpaalam na ako. "I have to go, sir. Thank you, and I'm sorry."

Alam kong sasabihin niya na hindi ko kailangang mag-sorry, pero ano'ng magagawa ko? Kasalanan ko 'to. Siguro, pati si Thea, hindi rin masaya sa nagawa ko.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

"Tanggal ka na raw?" tanong ni Isaiah over the phone. Nasa bus na ako pauwi nang tumawag siya.

"Baliw," sagot ko. "Hindi sa gano'n. Sandali muna akong hindi magpa-participate sa mga ganap natin. Alam kong hindi madali para sa ating lahat, pero kailangan kasi, eh. Utos ni Sir Albert."

"Naku, mahirap nga." Nagtanong ulit siya. "By the way, tama ba yung pagkakaintindi ko sa mga nangyayari? Is this about Ate Thea?"

Napabuntong-hininga ako. "Oo. At kasalanan ko lahat. Ako yung nakiusap na makipagkita siya sa akin. Naipit siya sa gulo na 'to dahil sa'kin. Okay lang sana kung ako lang yung maaagrabyado, eh. Pero paano naman siya? Alam ko, hindi niya ginusto 'to, kasi she only sees me as her idol, as her friend. Hanggang doon lang. Siguro, nahihirapan din siya sa ngayon."

"Mahal mo na nga talaga," sabi ni Isaiah. "Mas nag-alala ka pa sa kanya kaysa sa sarili mo, eh. 'Yaan mo, lilipas din 'yan. Lalabas din ang totoo. Malay mo, i-defend ka pa niya."

"Sana nga."

Ibinaba ko ang phone ko at tumanaw sa bintana. Habang nakatingin sa view ng mga sasakyang kasabay namin sa daan at iba pang sceneries, hindi ko maiwasang mag-isip. Okay pa kaya si Thea ngayon? Nag-aalala kaya siya sa akin ngayon?  Sana iniisip niya rin yung sarili niya, sana makayanan niyang ibangon ang sarili niya. Kahit iyon lang. Malaking tulong na rin sa'kin iyon.

At dahil nga hindi ko siya maalis sa isip ko kahit hanggang sa first day ng hiatus ko from the group, sinubukan ko siyang i-message. Pero, pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa ako handa. At, sigurado ako, hindi pa rin siyang handang makipag-usap sa akin. Hahayaan ko na lang muna siya.

Paghinto ng bus sa stopover, may tumawag ulit sa akin. 

Si Eli. "Xavier? You good out there?"

Bumaba ako sa bus para masagot ko siya nang maayos. "Oo, ayos lang naman. Malapit na rin ako makauwi."

"Sir Al told us everything. You're gonna be on an indefinite hiatus daw. And apparently, this is because of Thea."

"Oo. Nagkita lang kami last week. Alam mo na, usapang magkaibigan. Sinubukan kong isauli yung keychain, pero tinanggihan niya. Ako na lang daw ang magtago. Pagkatapos noon, sinamahan ko lang siya hanggang sa kinailangan niyang umuwi. Hindi ko naman alam na may nakakakita sa amin, na-misinterpret pa tuloy ng media at ng publiko. Ayun, habang hindi nabibigyang linaw ang lahat, hindi muna ako pinapasama sa inyo."

"Nasabi mo naman sa kanya yung side mo?"

"Oo, sinabi ko lahat. Inamin ko na nagkaroon ako ng crush kay Thea at nagkikita kami, pero sinabi ko rin na kaibigan lang ang tingin niya sa akin at walang katotohanan ang mga tsismis. Pero hindi raw siya convinced hangga't hindi nire-reveal ni Thea yung side niya.

"Nakausap mo na ba si Thea about this? Has she talked to you?"

"Hindi pa. Baka hindi pa siya handang pag-usapan iyon. Ayoko namang istorbohin siya sa ngayon kasi nga damay din siya rito. As much as possible, lalayuan niya muna ako kasi naipit siya sa sitwasyong 'to dahil sa akin."

"Tsk. Xavier. Listen. Ang sabi ko sa'yo, maghintay ka ng tamang timing. Ang kaso, sabak ka nang sabak, eh. Pinapunta mo. Ikaw ang gumawa ng way para magkita kayo. Ayan tuloy."

"Wala na akong choice. Hindi na ako makapaghintay. Muntik na nga akong umamin kay Thea, eh. Hindi ko lang tinuloy kasi nararamdaman ko na mali na."

"Ayun naman pala, eh. Sige. Sorry kung nasermonan kita. 'Yaan mo, gagawan namin ng paraan para matulungan namin kayong ayusin 'yan. Kung kaya naming makiusap kay Sir Al to call off the tour, we will. Surely, the fans wouldn't like it if we're missing a member."

"'Wag. Kayanin niyo habang wala ako. Hindi naman ako mawawala nang matagal, eh. Palilipasin ko muna 'to."

"Sige, bahala na. Ingat ka d'yan, bro. See you around."

Bumalik na ako sa loob ng bus dahil kailangan na naming umalis sa stopover at bumiyahe na ulit. Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay, naiisip ko pa rin siya. Idagdag mo pa ang background music na galing sa mga Wish Bus videos na pine-play sa TV ng bus.

"Kasalanan ba'ng magdahan-dahan? Nag-iingat lang dahil ayaw kitang saktan. Kung pwede munang huminga ng malalim... Ipagtagpo ang mundo, pabalik sa 'yo, pagdating ng panahon, sa 'yo pa rin patungo..."

Thea, I'm sorry. Hindi ko naman ginustong lumayo, pero kailangan muna kasi, eh. Para sa'yo rin naman 'to, para hindi ka gaanong mag-alala sa akin. Magtiwala ka lang, maaayos din ang lahat. Magiging okay rin ako. Magkikita pa naman tayo. Sana.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon