// eight

47 1 0
                                    

Thea.
October 19th, 1:37 PM.

"He what?" Jo asked over the phone.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Nag-reply siya sa'kin, ano pa ba?"

"Sino nga?"

"Si Sky!"

"Ano sabi?" Tumawa pa ang gaga.

"Tinanong lang kung sino si Sam."

"Eh sino nga ba yung Sam?"

"'Di na 'yon mahalaga. Ugh, puta, nakakahiya... Paano na ako haharap kay Villegas niyan, sirang-sira na ako, paksyet—"

"Thea girl, calm down. You were drunk. He will understand."

"No!"

"Isipin mo na lang, swerte ka pa rin kasi he answered your DM."

"Pero nakakahiya pa rin, eh!"

"Alam ko na. Iinom mo na lang 'yan."

"Buang. Nakita mo naman siguro kung paano ako malasing, 'di ba? Ayoko nang maulit 'yon."

"Boba. Kako, iinom mo 'yan ng kape."

"Don't want to."

"Eh ano'ng balak mo? Magkukulong ka d'yan sa bahay ng nanay mo?"

"Ganoon na nga. Hanggang bukas ako dito, actually."

"Okay. Magpakasaya ka d'yan. See you on Monday, girl."

"'Ge, see you."

Humiga ulit ako sa kama ng luma kong kwarto. Hindi pa rin siya nagbabago mula noong lumipat ako sa condo ko sa Katipunan. Nakasabit pa rin doon ang mga graduation pictures ko noong elementary at high school. Nakadikit pa rin ang mga picture ng mga gusto kong banda noon na ako pa mismo ang nagpa-print. Nakatambak pa rin yung gitara na regalo sa akin ni Kuya Rick sa 18th birthday ko na isang beses ko lang nagamit noong college. Hindi pa rin napapalitan yung foam ng kama. Yung mga pader, hindi pa nare-repaint.

Kung ano ang itsura ng kwarto ko nung umalis ako, ganoon pa rin. Luminis lang.

Na-miss ko 'to.

Kaso, parang may kulang. Wala yung love of my life. Kahit picture man lang niya, para naman kasama ko pa rin siya kahit wala ako sa Katip.

Charot.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

6:21 PM.

"Kuya, kung magkaka-jowa ako ng artista, okay lang ba sa inyo ni Mama?" I asked my brother over dinner.

"Okay ka lang, sis?" tanong niya pabalik. "Karaniwang tao nga, iniwan ka, artista pa kaya?"

"Punyeta ka." Nasutsutan tuloy ako ni Mama.

"Bakit mo naman kasi natanong 'yan?" balik sa akin ni Kuya. 'Yan ba yung boy band na pinagyayabang mo sa social media?"

"How—"

"Nakikita ko posts mo. Maya't maya, 'pag wala kang pasok sa work, nasa mall show ka ng mga 'yon. Ano ba'ng special sa mga 'yon? Naku, Thea, kung alam mo lang, mas gwapo at mas magaling ako sa kanila, kahit pagsama-samahin pa silang lima."

"Baliw ka talaga, Kuya. 'Di ka nga matanggap-tanggap sa trabaho, eh."

"'Wag tayo d'yan, kapatid. Pero bakit nga kasi parang gustong-gusto mong maging jowa yung singer na 'yon?"

"Wala. Iniisip ko lang yung pwedeng mangyari."

"Uunahan ko na, ha, kapatid? Hindi 'yan mangyayari. Kahit pa sabihin nating may mga fan na napapangasawa ang mga idol nila, kung mangyari 'yan sa'yo, ano na lang iisipin ng mga fans? Lalo na yung mga bata at immature. Let's say, napasa'yo nga siya, nagmamahalan kayo, pero 'di mo namamalayan, nahihila mo na 'yung career niya pababa. Pati buhay mo, masisira kasi, paano kung pagtulungan ka ng mga 'yon? Sige nga."

"Ang pessimistic mo naman po, Kuya."

"Nagiging realistic lang ako. Lahat ng couple na showbiz and non-showbiz, dumadaan diyan. Duh, try mo kayang manood ng balita."

"Come on. Just because it doesn't usually work, doesn't mean it's impossible."

"It is almost impossible."

"Kuya?"

"Alam mo, ikain mo na lang 'yan."

"Tse."

Siningitan na tuloy kami ni Mama para tumigil kami. "Nagtatalo na naman kayong dalawa. Kumain na nga lang kayo. Thea, anak. Tama ang kuya mo. Okay lang na maging crush mo 'yang singer na sinasabi mo, pero tandaan mo, malabong maging kayo."

Napabuntong-hininga na lang ako at tahimik na nagpatuloy sa pagkain.

Pagbalik ko sa kwarto, nag-reflect ako sa mga sinabi nina Kuya at Mama.

I told you so, self. Hindi talaga pwede. You're just a fan. You'll never be his girl.

Gosh, ang cliché. Ibahin natin.

Parang ganito. You were named after the goddess of light, but you'll never be enough to light up the Sky. Tanggapin mo na kasi, self. Isa pa, i-enjoy mo muna ang single life mo, kalimutan mo muna ex mo bago ka magpaka-hopia!

Akala mo naman, madali lang. Instant.

Ugh.

Lord, totoo bang hindi mo makukuha lahat ng gusto mo? Lahat ng sign, sa kanya nakaturo, pero sabi ng iba, hindi naman pwedeng maging kami. Dapat ko ba silang paniwalaan, o dapat pa rin akong magpatuloy sa paghihintay? Sa pag-asa? Lord, parang feeling ko kasi, sumosobra na ako. Hindi na lang paghanga 'to, eh. Love na ata talaga 'to. Mali na ba 'to, Lord?  Tulong naman, oh. 

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon