Thea.
November 22nd, 12:21 PM.Kakatapos lang ng meeting namin para sa release ng latest feature ng Flair. Ngayong lunch break namin, hindi ako lumabas dahil nakapagluto naman ako ng ulam kagabi at iyon na lang ang binaon ko ngayon. Habang kumakain ako, lumapit sa akin si Jo.
"Girl, may chika ako," sabi niya. Kitang-kita ang enthusiasm sa pagsasalita niya. Hindi talaga siya nagpapahuli sa mga nangyayari sa paligid.
Ibinaba ko sa lamesa ang food container ko at tumingin nang diretso sa kanya. "Ano 'yon? Is this work-related?"
"Nah. 'Eto, basahin mo. 'Wag kang mago-overreact, ha?" Ipinakita niya sa akin ang phone niya. Naka-flash sa screen ang Twitter timeline ni Jo. "Alin d'yan?" tanong ko sa kanya.
"Ay, mali," bawi niya. Nagpindot siya sa phone at ibinalik ito sa akin. Lumabas sa screen ang most recent tweet ni Sky. Kalakip nito ang isang picture niya na nakatayo, looking away from the camera, at may hawak na bulaklak. Sunflower.
"I love you, but I don't really show you. I'd call you, but only if you want me too," I read. "Ah, kanta lang pala ng IV of Spades. Nakita ko na 'to kagabi bago ako matulog," sabi ko kay Jo. "Ano yung chika?"
"Check the replies," matipid niyang sagot.
And the replies were:
"para kanino po yan?"
"whom r u dedicating this song to omgggg"
"OMG"
"who is this omfg selos ako ah"
"may jowa ka na??? nililigawan? aaaaa whyyy"
"sinooo"
"yie in love si senpai sksks"
"para sakin ba yan? :("
"wat"
"ano to AAAAA"Nanlaki ang mata ko. "Hala, ang OA ng mga 'to, ah. Nag-tweet lang ng nakakakilig na lyrics, in love agad? Weird."
Sumang-ayon si Jo. "Yeah, sobrang weird. And I presume, the ones saying these things are the younger fans. Ang bilis nilang mag-jump into conclusion. Like, it's just some random lines from a song and him holding a flower. What makes people think he's seeing somebody, though? Sarap sanang patulan ng mga batang 'to, but I know better than that."
"Well," sagot ko, "if he were really dating someone, I'd be happy as long as he is happy. Pero I'd be much happier if it were me, though. Charot. Asa pa 'ko." Ibinalik ko kay Joanne ang phone niya. Itinuloy ko ang pagkain.
Sinagot ako ni Jo, "Pero sure ka bang magiging masaya ka, knowing na maraming maiinggit sa'yo? Girl. Everything you've worked hard for is at stake. Even your life. 'Pag ikaw, kinuyog ng mga kabataan dahil 'inagawan' mo sila kuno, ay, ewan na lang."
"'Wag mo naman akong takutin nang ganyan," sabi ko habang ngumunguya. "I was just kidding. Saka libre lang naman mangarap, right?"
"Be careful what you wish for, Thea," sagot niya. "Char. Pahingi nga ng ulam mo. Masarap eh." Lumapit ulit siya sa akin at kumuha ng kaunting adobo sa container ko gamit ang kutsara niya. Tumuloy na rin siya sa pagkain pero hindi siya umalis sa cubicle ko hanggang matapos kami.
⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰
2:29 PM.
Tila normal na araw ulit sa opisina pagkatapos ng lunch break. Sunod-sunod ulit ang revisions, conceptualizations, at layout designs na pinapatrabaho sa amin sa art department. Busy pa rin ako gaya ng dati. Mas magulo nga lang ang isip ko dahil nadi-distract ako sa mga nababasa ko lately sa social media.
Pinilit kong huwag intindihin ang mga iyon at itinuloy ko na lang ang pag-edit sa mga photos ni Alexa Luna, ang isa sa mga influencers na na-interview namin for a feature article. Matapos kong kunin ang sa tingin kong magandang shots niya, binuksan ko agad ang Photoshop sa PC ko. Ang problema, hindi ako makapagsimula ng editing. Nabablangko ang utak ko.
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...