Sky.
November 11th, 9:20 PM."Xavier? Hello? Okay ka lang? Ano na nangyayari sa'yo d'yan? 'Di pa tapos birthday mo, uy! Gising!" Kanina pa ako kinukulit ni Seth. Nakaupo lang ako sa sulok ng practice room, hawak-hawak ang phone ko. Hindi ako mapakali.
"Ah, nakatitig na naman sa phone. May hinihintay na mag-message?" tanong niya ulit. Doon na ako naalimpungatan. Ibinaba ko ang phone sa sahig.
"Hindi ba pwedeng chine-check lang yung oras, Julian?" sagot ko.
"Five minutes mo nang chine-check yung oras, Xavier. Tingin mo, normal 'yon?" Tumawa siya.
Wala akong masagot. Tinignan ko lang siya nang may blangkong ekspresyon.
"Aminin mo na lang kasi na hinihintay mong batiin ka ni Thea," sabi niya.
"Bakit naman?"
"Obvious ba? You like her. You'd wait for her any day. The same way she goes anywhere just to see us. Especially you."
Huling huli na nila ako. Paktay.
'Wag mo na kasing hintayin si Thea. Ikaw na ang mag-first move.
Joke lang. Lalabas kang may balak. Baka iwasan ka na no'n.
So ano'ng gagawin ko? Hay, makakain na nga lang ng lumpia.
Bumalik ako sa table kung saan nagtipon-tipon ang ibang mga members at staff. Sinundan ako ni Seth at sabay kaming umupo at kumuha ng makakain.
"Oh, gising na ulit ang birthday boy. Ano'ng nangyari sa'yo kanina?" tanong ni Eli.
Magsasalita pa lang ako pero inunahan na ako ni Seth, "May hinihintay na bumati sa kanya—" Hinampas ko ang balikat niya. "Aray naman, Xavier!"
"Naiwan mo ata phone mo do'n sa kinauupuan mo kanina, Kuya," sabi ni Levi sabay turo sa sulok na pinanggalingan ko. "Umiilaw-ilaw pa nga, eh. Baka po may mga greetings na." Ngumiti siya nang malawak.
Napatakbo ako pabalik doon at kinuha ko ang phone sa sahig. Pagbukas ko ay may notification agad. Si Thea.
Sabi niya, "happy birthday!" May iba pa siyang kasunod na messages pero hindi ko na iyon pinansin. Ang mahalaga, alam niya kung gaano kahalaga ang araw na ito para sa akin, at andiyan siya para batiin ako kahit hindi kami magkasama.
"Uy, may kinikilig do'n sa sulok, oh!" sigaw ni Isaiah. Pinanlakihan ko siya ng mata.
Bumalik ako sa conversation box namin. Nag-type ako, "happy birthday din! :)", kahit hindi naman ako sigurado kung birthday niya rin talaga. Baka nasasabaw lang ako kakaisip sa kanya. Composure, Sky, composure. Isipin mo career mo. 'Wag mo masyadong isapuso 'yan. Kalma. Hinga.
Hindi na siya nakasagot. Baka nagulat. Baka nga magka-birthday kami. Ewan ko lang.
Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at bumalik sa table. Nandoon pa rin sila. "'Sup, lover boy?" bungad ulit sa akin ni Eli. "Ganda ng ngiti mo, ah. Nag-message ba?"
Tumango lang ako.
"Yown!" sabay-sabay nilang sigaw. "Sumagot ka naman ba?" tanong naman ni Isaiah. Tumango ulit ako.
Ano, Villegas? Sabi mo, ayaw mo mag-risk. EH, ANO'NG GINAGAWA MO NGAYON?
"Ano sabi mo?" tanong niya ulit.
"Ah, eh... happy birthday din?" Nagkibit-balikat ako.
"Ano ba 'yan, p're, 'di ka man lang nag-thank you?"
"Nakalimutan ko, okay? Hindi ko alam kung ano ire-reply ko, eh!"
"Naku po, iba na 'yan, p're." Inakbayan niya ako. "Hindi na lang basta crush 'yan, sinasabi ko sa'yo. Ah, ganito. Kung sabihin mo na kaya sa kanya nang diretso? Malay mo, magkita ulit kayo somewhere na kayo lang ang nandoon—"
"Uy, Sai. Ano 'yang tinuturo mo kay Kuya, ha?" tanong ni Levi na may kasamang pagngiti nang malawak.
"'Wag ka dito, Dee, bata ka pa. Charot." Itinaboy ni Isaiah ang kawawang bata. Bumalik siya sa akin. "Syempre, 'wag mong susundin yung sinabi ko. Kung ano ang nilalaman ng puso mo, kung ano yung iniisip mong gusto mong mangyari, 'yon ang gawin mo. It's up to you."
"It's up to me?" Itinuro ko ang sarili ko. "So paano nga?"
"'Wag nga ako ang tanungin mo. Ikaw nga magdedesisyon, 'di ba?"
"Wala nga akong idea!"
"Oh, sige, eh 'di simulan mo sa pagsabi ng thank you. I-type mo na, bilis!"
Inilabas ko ulit ang phone ko. "Thank... you... pala... haha," bulong ko sa sarili ko habang pumipindot sa screen. "Send."
"Ayan, tapos sabihin mo, love you—" Tinignan ko siya nang masama. "Ay, sige, 'wag. Masyadong straightforward. Ano na lang, ah... good night? sweet dreams? dream of me?"
"Buang."
"Ah, alam ko na! 'Di, joke, sige, okay na yung thank you—" Sumilip siya sa screen. "Op, op, op! Aba, 'di lang pala thank you! May pa-heart din?"
Nagulat ako. Pinindot ko ba talaga yung heart na emoji? Naku, lagot. Abort mission na ba?
"Hala, paano 'to?" tanong ko. "Namali ata ako ng pindot, eh. Smiley dapat 'yon, eh."
"Sus, sinadya mo, eh." Kiniliti niya ang tagiliran ko. "Naku, naku, naku, 'kala ko ba, career muna, ha? Mukhang mauunahan mo pa kami, ah!"
Itinulak ko siya. "Bastos ka. Pag-isipan muna natin kung paano ko ipapaliwanag sa kanya 'to."
"Okay na 'yan, no need," sagot ni Isaiah. "Isipin mo na lang, napakilig mo siya sa mismong birthday niya. Kung talagang birthday niya rin. Malay mo."
Napangiti na lang ako nang bahagya. Tama. Okay na siguro 'to. Lowkey lang. Saka na ako aamin nang deretsahan 'pag tama na yung oras.
Sana lang talaga, birthday niya rin ngayon. Ang cool siguro kapag nagkataon, 'no?
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...