// thirty three

42 2 0
                                    

Thea.
December 31st, 11:49 PM.

"Paano mo malalaman kung crush ka rin ng crush mo?"

"Dalawa lang 'yan. Yung una, kapag inamin na niya sa'yo nang diretso. Pangalawa, kapag huli na ang lahat at may iba ka nang nagustuhan."

Nag-flashback sa akin ang usapan naming iyon ni Kuya habang nakahiga ako sa kama ng luma kong kwarto. Ilang oras na akong nagko-contemplate sa lahat ng nangyari sa akin mula pa noong mga nakaraang buwan.

Umamin siya. Check na yung una.

Huli na ang lahat? Kinda. Pero 'di ko naman nagustuhan si Lui.

The thing is, kahit anong gawin ko, kung hindi talaga, hindi talaga.

Siguro kailangan ko na talagang harapin ang kapalaran ko. I guess I'll remain this way for God knows how long.

I'm still his fan, but I can never be his girl. Even if I want to be. Even if he wants me to be.

Pakingsyet.

Paulit-ulit na tumutugtog sa speakers ko ang kanta niya habang nakatingala pa rin ako sa kisame ng kwarto. Parang ayoko pang lumabas. Parang nalulunod pa ako sa sarili kong pag-iisip. Ang hirap.

Biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Kapatid, ten minutes na lang," bungad ni Kuya. "Labas ka na d'yan."

Hindi ako sumagot.

"Anthea. Magbabagong-taon na. Cheer up. Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon, pero tapusin mo naman 'tong taon na 'to nang masaya, oh. Nga pala, tinirahan ka na namin ng macaroni salad."

Nahihirapan pa rin akong bumangon. Hindi ko pa rin kaya.

"Andito si Sky. Ay, mali, silang lima pala, andito."

Anak ng. Ano 'to, bait? Trap? Pang-uto? In fairness, effective.

Nagmadali akong buksan ang pinto. Pagbukas ko, si Kuya lang ang nakaabang sa doorway. Hinampas ko siya.

"Bwisit ka. 'Kala ko, totoo," sabi ko sa kanya. "Kahit kailan talaga, pang-asar ka."

"Ayaw mo pa kasing lumabas, eh. Malapit na kaya mag-alas dose. I-enjoy mo naman 'tong huling araw ng taon, oh."

Mas mag-e-enjoy ako kung nandito talaga siya. Char.

Kinuha ko ang tasa ng macaroni salad na iniwan nila para sa akin at kumain. Nagbukas na rin ako ng isang bote ng soju.

"Akala ko ba 'di ka na iinom?" tanong ni Kuya.

"'Yaan mo, malungkot lang 'yan. 'Wag mo nang piliting magkwento. Magsasabi naman 'yan 'pag ready na siya," sagot ni Papa sa kanya.

Nagsimula na ang countdown.

Ten, nine, eight...

"Tayo na, kapatid!" Hinila ako ni Kuya patayo.

Three, two, one.

Ito na.

Nagbago na ang taon, pero hindi pa rin nagbabago ang damdamin.

Miss ko pa rin siya.

I can still see his face among the stars in the night sky. I can still hear his voice among the fireworks in the air.

Gosh, Thea, stop being poetic.

Tumunog ang phone ko. Hindi ko na iyon pinansin kasi baka umasa lang ako. Mamaya niyan, work-related message lang pala.

"Thea. May text ka, oh. Baka importante," sabi ni Mama. Hindi na ako nakatanggi. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinignan ang notification.

Instagram DM pala.

At hindi ko inasahan kung kanino galing iyon.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

sky.sxv
12:02 AM

happy new year, thea :)

see u soon? hehe

<3 <3 <3

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon