// thirty two

39 1 0
                                    

Thea.
December 22nd, 7:58 PM.

"Guys, una na ako, ah," paalam ko sa mga kaibigan ko. Kakatapos lang namin mag-dinner sa resto bar na malapit sa venue ng concert. Paglabas ko, lumakad ako papunta sa abangan ng taxi. Habang naglalakad ako, may tumawag sa pangalan ko.

"Thea!"

Hindi ko siya pinansin, pero tinawag niya ulit ako.

"Thea, sandali!"

Kilala ko ang boses na iyon.

Napahinto ako. Marahan siyang naglakad palapit sa akin. Naramdaman kong tumatayo ang mga balahibo ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko.

Hinarap ko siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita.

Ano'ng ginagawa ni Sky dito? Paano niya ako nahanap?

Ano'ng sasabihin ko sa kanya?

"M-mag... mag-usap? Tungkol s-saan?" Iyon lang ang nasabi ko.

"Tungkol sa'tin."

"Ha? 'Di ba wala naman talagang 'tayo'?"

Lumapit siya sa akin nang isang hakbang. "Gano'n ba? Kasi, kung ako'ng tatanungin, sana naging tayo na lang talaga."

Hindi ko maintindihan.

Nagpatuloy siya. "Sana naging totoo na lang yung mga sinabi nila tungkol sa'ting dalawa. Sana totoo na lang na girlfriend kita. Kung nagkataon, noon ko pa sana sinabi sa'yo kung gaano kita kagusto. Na noong unang kita ko pa lang sa'yo, naging laman ka na ng isip ko. Na yung kinanta ko sa concert namin kanina, para sa'yo 'yon. Ikaw ang iniisip ko habang sinusulat ko 'yon. Sinulat ko 'yon para sa'yo. Kasi mahal kita. Mahal na mahal."

I've already convinced myself enough that this ain't gonna happen. Pero bakit naririnig ko mismo sa kanya yung mga salitang 'yon? Na mahal niya raw ako?

"Oo, Thea. Naaalala mo pa ba nung nagkita tayo sa park? Hinanap kita noon. Noong una, gusto ko lang mapag-isa, pero hinanap kita. Hindi kasi ako sanay na wala ka sa mga events namin. Doon pa lang, hindi na maipagkakaila na gusto na kita, eh.

Pero mukhang huli na ang lahat. May iba nang nagmamay-ari ng puso mo. May iba ka na palang mahal. Masakit, pero dahil mahal kita, tatanggapin ko nang buong-buo. Panahon na siguro para ipaubaya ka sa kanya."

Paalis na sana siya nang...

"Sandali. May nakalimutan ako."

"Ha? Ano?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Bumalik lang siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.

Nabigla ako. Hindi ko akalaing gagawin niya iyon.

'Di nagtagal, ipinikit ko na lang mga mata ko at hinalikan siya pabalik.

He wasn't my first kiss, but surely, he was the best I ever had. To me, it was more than just a kiss.

Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ng anghel.

Masarap sa una, pero masakit din bandang huli, kasi malay mo, una't huling beses na pala 'yon.

"Paalam." That was the last thing he said before walking away.

Hindi pa siya nakakalayo nang tawagin ko ang pangalan niya.

"Sky, sandali!"

Huminto siya.

"Hindi 'yon totoo."

Nilingon niya lang ako, saka siya sumagot. "Alin ang hindi totoo?"

Ako na ang lumapit sa kanya. "Yung relasyon namin. Hindi totoong kami ni Lui. Set-up lang 'yon."

"Set-up? Paano? Ipaliwanag mo sa'kin."

"Noong lumabas sa social media yung mga picture natin na magkasama at kumalat yung bali-balita that we're 'dating' daw, kinailangan kong mag-isip ng paraan para mapatunayang mali yung iniisip nila. I asked my best friend na magpanggap bilang boyfriend ko hanggang matigil na yung pagkalat ng tsismis.

Ginawa ko 'yon kasi akala ko, 'yon lang yung way para tigilan na ako ng ibang fans mo, at higit sa lahat, para malinis ang pangalan mo sa kanila. Akala ko, sa paraang 'yon, mase-save kita. Hindi ko akalaing nasaktan pala kita."

"Ginawa mo 'yon... para sa'kin? Para ipagtanggol ako?" He placed his hands on my shoulders. "Alam mo, hindi mo naman kailangang gawin 'yon, eh."

"Ganoon talaga. Lahat naman siguro ng fan, gagawin ang lahat para sa idol niya, 'di ba? Saka tapos na yung set-up namin. Inamin ko na rin sa kanya na hindi naman siya yung mahal ko in the first place."

"Eh, sino?"

"Ikaw."

Kinapalan ko na ang mukha ko. Nice.

His eyes widened.

"Oo, Sky. Mahal kita, dati pa. At sa totoo lang, higit pa sa paghanga 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Ang kaso..."

"Kaso ano?"

"Hindi porke't mahal natin ang isa't isa, eh pwede na tayong magsama. Idol ka, eh. 'Yang lecheng industriya na kinabibilangan mo, pinagbabawalan kayong magmahal, kahit sa tulad kong fan ninyo." Pinilit kong kumalma habang nagsasalita. "Kaya gustuhin man natin pareho na maging tayo, for real, hindi talaga pwede. Hindi pa sa ngayon... siguro. I'm sorry, Sky."

Paalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at sinabing, "Kung hindi pa pwede ngayon, maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang dumating na ang panahon na malaya na akong magmahal. And when that time comes, hinding hindi na kita pakakawalan pa. Pero sa ngayon, sige. Bibitawan muna kita nang panandalian. Ingat ka, Thea. I love you."

After he said those words, for the last time, we kissed each other goodbye.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

a/n: hahahahaha nasasaktan ako habang sinusulat 'to sana ikaw rin na nagbabasa hahahahahahaha

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon