// three

67 2 0
                                    

Thea.
September 28th, 4:11 AM.

Google search: What to wear on a first date?

Charot.

Paulit-ulit at paikot-ikot ako sa kwarto ko. Ilang damit na rin ang inilabas at ibinalik ko sa closet dahil lang hindi ako makapili. Chill, Thea. It's just a music festival. Hindi pa 'yan solo concert. Lalong hindi 'yan date, kasi sino naman ang ide-date mo, aber? 

Charot ulit.

I faced the mirror, holding what would probably be the sixteenth blouse I snagged from my closet against my body. Huminga ako nang malalim at inilapag iyon sa kama.

"Nope. Hindi bagay."

Ilang subok pa ang ginawa ko hanggang sa narinig kong may tumawag sa phone ko. Si Joanne.

"Girl, ano na? 8 AM meeting time natin, paalis ka na ba?" tanong niya.

"Ganito kasi 'yan," bungad ko sa kanya. "Ano ba'ng magandang suotin? Yung mukha akong matinong babae, ha?"

"Gosh, Thea. Pwede na kahit ano! Kahit nga mag-t-shirt at pants ka lang, eh. Kung gusto mong mag-effort, sige, pero saka mo na 'yan pag-isipan, mag-shower ka muna!"

"Fine. Give me twenty minutes."

"Sure ka diyan, ah?"

"Oo. Bye."

I hung up and looked through my closet again. Then I thought, ano kaya'ng favorite color ni Sky? Baka kasi meron akong damit in that color. Malay natin, mapansin niya. You know, I have to leave a good impression.

Ang OA lang, Thea. Jowa mo? Date niyo? Hindi, 'di ba? I therefore conclude, 'wag kang OA.

Ay, 'sus. Libre lang namang mangarap, 'di ba?

Ayun nga, eh. Nangangarap ka lang, self.

Ugh, whatever.

Inisa-isa ko ulit. Red kaya, or pink? Tutal, mahilig siya sa strawberries. Or blue? Kulay ng langit. Close to his name. Black na lang kaya, kasi fan din siya ng all-black outfits? Yellow? Lagi siyang naka-yellow sa SNS posts, eh. White? Green? Pink? Purple? Orange? Rainbow?

Eh 'di hindi rin na-cure yung pagiging indecisive ko. Bahala na. I'll go with yellow.

I took out a yellow button-up blouse and a pair of black shorts from the closet. Iniwan ko iyon nang maayos sa ibabaw ng kama at naghanda na para maligo.

After fifteen minutes, nagbihis na ako at isinuot ang boots na last month ko pa binili. Ngayon ko pa lang siya isinuot dahil hindi ko alam kung pwedeng ipampasok sa opisina. 

Pero hindi pa rin ako satisfied. Napapaisip pa rin ako. Mag-make up kaya ako? Light lang, para hindi agad mahulas. Hassle pa naman mag-commute. Ano'ng ayos ng buhok ko? Bakit ba ang dami kong iniisip, eh show lang iyon? Part lang sila ng pagkahaba-habang line-up, sandali lang ang appearance nila. What are the chances na mapansin ako ng kahit isa sa kanila? Oh, well. No harm in trying.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

5:48 AM.

"Thea—nakakaloka ka—bakit naman mukha kang makikipag-blind date? May pa-make up ka pang nalalaman, grabe! Pero in fairness, ang pretty mo today. Ang fresh." Iyan lang naman ang sinalubong sa akin ni Jo nang magkita kami sa loob ng Gateway. Hindi naman ako masyadong nag-effort—konting pressed powder, cheek tint at MLBB lipstick lang—pero ewan ko kung ano'ng nakita sa akin na nagpagulat sa kanya. Pero may point siya. May date naman talaga ako. Si Sky yung date ko. Joke, one-half.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon