// one

148 4 0
                                    

Thea.
September 3rd, 10:22 AM.

It's just another day at work. Nagkapatong-patong na ang mga gawain ng buong team namin buong araw: articles na kailangan pang i-edit para sa next few issues, isang recent layout na aayusin pa, at mga aasikasuhin pa for next month's shoot. Nakaka-stress, pero kakayanin.

Sa tuwing naiisip ko nga na sumuko na lang, iniisip ko na lang kung gaano ko katagal ipinaglaban sa mga magulang ko na mas gusto kong lumipat sa dream course ko, na dahilan kung bakit ako napunta sa ganitong trabaho. Hindi naman pera ang habol ko; ang gusto ko lang, maipakita ko na kaya kong ibigay ang lahat para sa passion ko ⁠— ang pagsulat at paglikha ng sining.

Naaalala ko noong matapos ang first year ko as a Computer Engineering student. Iniyakan ko talaga yung nanay ko noon. "Mama, gusto ko nang mag-shift," tandang-tanda ko pang sabi ko noon. "Baka naman po pwede niyo na akong pagbigyan ngayon. Palagi ko naman na kayong sinusunod, eh. Please. Napapagod na rin po kasi ako." Pumayag naman sila ni Papa, pero inabot pa nang ilang araw.

Hay, kakasimula pa lang ng araw, Thea, ang drama mo na naman.

"Okay, one down!" bulong ko sa sarili ko after I saved the revision I was working on. I took a deep breath. "Three more to go."

Nagkukumahog na ako sa editing process nang may narinig akong tumutugtog mula sa katabi kong cubicle. Sumilip ako nang bahagya at nakita ko na may nagpe-play na Youtube video sa PC ng kasamahan ko sa art department, si Joanne.

"Ano 'yang pinapatugtog mo, Jo?" tanong ko habang nakasilip pa rin sa kanya.

"Girl, 'di ka ba updated? Ito yung bagong boy group na sumisikat ngayon!" sagot niya.

"Ah, yung BF5? Hm, parang familiar. Parang dumayo sila sa alma mater ko last February, eh." Napaisip ako. "Oo, sila iyon! Sayang, event ng ibang department yung pinuntahan nila. Nabalitaan ko nga lang sa tropa ko na nag-Marketing, organizer siya noon, eh. Saka 'di pa talaga ako masyadong fan."

"Sayang talaga, girl. They're really great, though, 'di ka magsisisi."

Bumalik ako sa cubicle ko at tinuloy ko yung next revision ko habang nakikipag-usap pa rin kay Jo. "Is that their debut song?"

"Nope. First comeback. Had this on repeat kahapon pa, nakita ko yung sayaw nito sa Twitter tapos, ayun," mahinhin niyang sagot.

"Ang galing nga," I muttered. "Ibang approach sa OPM. Are they gwapo, though?"

"Naman!" she laughed. "But their talent makes them gwapo-er. Stan them na kasi, Thea! Para naman maka-move on ka na dyan kay ano—"

"'Wag mo 'kong simulan diyan, Jo."

Natahimik ako nang marinig ko yung bridge ng kantang pinapatugtog ni Joanne.

"Patungo sa liwanag na tanging ninanais ko; bawat sandali, turing ko ay parang huli, yeah, yeah..."

All I could say was, kung sino man ang kumanta ng part na 'yon, he's so good. I'm a sucker for good vocals, everyone knows that. As a singer myself—kung maituturing ngang singing career ang pagiging choir member—alam ko kung talagang magaling ang kumakanta. I know where to draw inspiration from.

But I didn't bother asking who he was. Ang sa akin lang, the song is great. No wonder people are starting to love that group. Naisip ko tuloy yung sinabi ni Jo. Kailangan ko ng bagong source of happiness, para hindi ko na laging naaalala yung gagong nang-iwan sa akin sa ere noong nakaraang taon.

Bwisit siya.

"Thea, okay ka lang?" tanong ni Jo mula sa kabilang cubicle. Pagkatanong niya sa akin, saka ko lang napagtantong nakatulala lang ako sa screen ng PC ko nang lagpas isang minuto.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon