// twelve

53 2 0
                                    

Sky.
October 28th, 12:00 PM.

"Okay, break time!" sabi ni Elijah. Ilang oras na kaming nagpa-practice. Simula nang sumikat kami, ganito na ang buhay namin six times a week. Practice, gigs, shows, TV guestings, at iba pang ganap. Swerte pa nga kami kung ganitong may breaks kami in between.

"Yes!" sabat ni Isaiah. "May pagkain ba d'yan?"

"Oo nga, mga kuys! Baka naman," dagdag ni Levi.

"Porke't break, may kainan agad? 'Wag puro kain, inom din ng tubig 'pag may time, p're!" sagot ni Seth.

Nagkanya-kanya muna kami. Si Seth, naglalaro sa phone niya. Yung dalawang bunso naman, daig pa ang kinder kung maghabulan at magharutan. Ako naman, lumapit kay Elijah para makipag-usap.

"Yes, Xavier?" bungad niya habang nagsusulat ng lyrics sa table sa sulok ng practice room. Hindi ko pa tinatawag ang atensyon niya, nag-respond agad siya.

"Uh, pwede ka bang maistorbo saglit?" mahinahon kong tanong. "May gusto lang akong i-open sa'yo."

Hindi siya lumingon. "Shoot. Go ahead."

"So I met this girl last night—"

"And?" Lumingon siya at nag-smirk na parang proud na proud siya sa'kin. "Tell me everything, Xavier. I could use that for a song or... something."

"User," biro ko.

"Charot lang. Sige, ikwento mo."

"Ayun nga. I met this girl last night sa park malapit sa Sangandaan, fan siya ng group natin. Sinamahan ko siya kasi mag-isa lang siya doon, tapos nagkwentuhan lang kami saglit. Sayang nga, 'di siya nakapunta ng show, eh."

Hindi ko muna sinabi nang diretso kay Elijah na si Thea ang nakita ko kagabi. Ayokong malaman ang magiging reaksyon niya.

"How'd you know she's one of our fans, though?"

"Nakikita ko siya lagi noong mga nakaraang events natin. Palagi siyang nasa bandang unahan, tapos may mga kasama siya. Minsan isa, minsan dalawa. May palatandaan nga ako sa kanya, eh. Sunflower na tattoo sa bandang left na wrist niya."

"Grabe yung attention to detail, Xavier, ah. What's the deal ba? Do you like her na, do you find yourself attracted to her or—"

"Hindi naman sa gano'n, Elijah."

"Then what?"

"'Di ko lang talaga siya makalimutan. Ang gaan ng loob niya sa'kin, base sa kilos niya, tapos sobrang friendly niya. Parang I felt like my normal self noong nag-usap kami. No boundaries, whatsoever."

"Diretsuhin mo na kasi. Ano ba'ng meron sa babaeng 'yon?"

Pinagpawisan ako nang malamig. Para naman akong pine-pressure ng leader namin na 'to.

"'Di kaya... ako yung bias niya?" Nice one, Sky. Nakalusot ka ro'n.

"Tanga," natatawa niyang sagot sabay palo nang mahina sa kamay ko. "Kung ikaw ang bias no'n, baka hindi na 'yon nakapagpigil ng kilig kung nalaman niyang ikaw yung kasama niya that night! Char. Pwede rin naman, magaling lang siguro siyang mag-maintain ng composure."

"Loko."

Bumalik siya sa sinusulat niya, pero hindi siya nagsusulat. Tinataktak niya lang ang ballpen niya sa lamesa at nag-iisip. Narinig ko ang pagbagutbot niya, "Malaman mo kaya, ang tunay na damdamin; Maramdaman kaya, kahit 'di ko sabihin... No, this doesn't work, masyadong generic yung rhyming. Hmm. Sige na nga."

"Elijah." I tried to get his attention again. "Sorry, ah, ang kulit ko. Pero seryosong tanong."

Hindi na naman siya lumingon, pero nagsalita ulit ako.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon