// twenty five

42 1 0
                                    

Sky.
December 2nd, 3:01 AM.

Hindi ko na nasabayang kumain ang pamilya ko dahil tulog na silang lahat pagdating ko. Hindi rin naman ako nagugutom. Parang wala akong gana. Nami-miss ko nang mag-perform. Nami-miss ko na ang ingay ng Maynila. Nami-miss ko nang makasama ang mga kagrupo ko. Nami-miss ko na ang mga fans namin. Nami-miss ko na si Thea.

Lalong-lalo na si Thea.

Sana, masaya pa rin siya ngayon. Sana, kapag nagkita kami ulit, magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya yung totoo. Sana, wala pang ibang nagmamahal sa kanya. Sana, siya pa rin yung Thea na nakilala ko noon. Yung hindi natatakot magpakatotoo, yung tipong "anything for love" ang mentality, yung alam kung kailan magiging masaya at kailan okay lang maging hindi okay.

Sana, maalala niya pa rin ako. Kahit hindi na sa paraang gusto ko.

Alas-tres na pala ng umaga. Hindi ko namalayang gising pa ako nang ganitong oras. Hindi ko alam ang gagawin ko para makatulog. Hindi na ako sanay na nakatunganga lang. Nakasanayan ko nang matulog nang hatinggabi tapos gigising ng alas-tres, magpapraktis, aalis sa studio, kakanta, sasayaw, uuwi, tapos ulit. Parang nakalimutan ko nang magpahinga.

Bumangon ako at lumipat sa kabilang sulok ng kwarto. Naghanap ako ng mga scratch paper at panulat sa mga luma kong gamit. Dito ko na ibinuhos ang lahat ng damdaming matagal ko nang itinago. Nagsulat ako, nang nagsulat, nang nagsulat, nang nagsulat, hanggang sa tuluyan na akong napagod at nakatulog.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

11:56 AM.

Nagising ako sa parehong puwesto kung saan ako nakatulog. Laking gulat ko nang makita kong napuno ko ang isang pirasong papel sa dami ng sinulat ko kaninang madaling araw.

At wala akong kamalay-malay na nakagawa ako ng isang buong kanta.

Kung sa pelikula, may gumawa ng isang daang tula para kay Stella, mukhang may pantapat na yata ako.

Isang buong kanta para kay Thea.

Wow.

Naputol ang train of thought ko nang may kumatok sa pinto.

"Kuya? Kakain na raw," bungad ng kapatid kong si Sofia.

"Sige, mamaya, ililigpit ko muna 'to," sagot ko. Nagmamadali akong itago lahat ng papel na nakakalat sa sahig nang buksan niya ang pinto.

"Ano 'yan, Kuya?" tanong niya.

Talaga naman 'tong batang 'to, oo.

Ipinasok ko ang mga papel sa drawer na pinaglalagyan ko ng mga damit na pambahay. "Ah, wala. May ginagawa lang ako. Project."

"Eh 'di ba, graduate na po kayo? Bakit pa po kayo may project?"

Boom, bistado. 'Di umepekto ang Art of Denial.

Sinubukan kong baguhin ang usapan. "Oo nga, 'no? Sige, tara, kain na tayo. Si Mama ba nagluto?"

Hindi siya nagpatinag. "Love letter 'yon, 'no? Naku, Kuya, 'kala ko ba, bawal ka magkajowa sa Manila? Tamang crush-crush lang, ganern?"

"Pasaway ka talaga." Ginulo-gulo ko ang buhok niya at saka ko siya sinamahan papunta sa kusina. "Hindi 'yon love letter!"

"Eh ano naman 'yon, love song?"

"Itigil mo nga 'yan, Sof. 'Di ka p-pa nga nakakatapos ng h-high school, g-ganyan na mga salitaan mo."

"Yie, nagba-blush si Kuya! Mautal-utal pa. Kilig much?"

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon