// fourteen

40 2 0
                                    

Thea.
November 3rd, 8:36 PM.

Hindi ko alam kung namamalikmata ako o nakita ko talaga sina Sky at Isaiah na palabas ng 7-11.

Kung sila nga iyon, hindi ko sila napansin kaagad kasi sobrang busy kami ni Nina sa pagkain ng siopao at pag-inom ng kape. Hindi pa rin nakakabalik si Jo sa Manila kaya kaming dalawa lang ang magkasama sa mall show kanina.

Isa pa, I couldn't trust my own eyes. Are my contact lenses failing now, o baka nagha-hallucinate lang ako?

Habang hinihigop ko ang kape, napapaisip na ako ng pwedeng mangyari o pwede kong gawin.

Sundan ko kaya yung sasakyan nila? 'Di, 'wag. Stalking 'yon, labag 'yon sa batas. Isa pa, baka nakaalis na sila.

DM him? Ask him to meet him somewhere? Nah, he wouldn't notice anyway. Saka ang creepy.

Tumunganga na lang at magsisi? Most likely.

"Thea, anyare?" Ginising ako ni Nina. "Tulala again? Bakit?"

"Wala, wala," I dismissed. "Masarap kasi yung kape, nakakatulala."

"Sus, kunwari ka pa. Pumasok sina Sky at Isaiah dito, 'di mo nakita? Bumili pa nga ng kape, eh.

So, legit pala? Bakit hindi ako aware? 'Pakamalas naman.

"Hala, sayang! Umalis na sila?"

"Kanina pa, mga 10 minutes ago. Wala na nga yung van, eh."

"Anak ng patis."

"Oks lang 'yan, 'day. Mukhang sulit naman yung mall show nila, eh. Kinawayan ka pa nga ni Sky bago sila mag-backstage. Kebs na 'yon."

I pursed my lips and stared sadly at her. "Ah, sandali. D'yan ka lang," sabi niya bago tumayo at umalis. Pagbalik niya, iniabot niya sa akin ang isang pack ng Potchi na strawberry flavored.

"Oh, 'yan, pampalubag-loob. Sana naman, makuntento ka na, 'no?"

Napangiti ako at kinuha ang Potchi. "Thanks, Nina. Uwi na tayo?"

"Tara. Ay, wait, book muna ako ng Grab."

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

November 4th, 1:00 AM.

Ang laking sayang.

After everything that happened since last week, parang bumabalik lang ang lahat sa dati.

Ako, art director pa rin ng Flair na umiikot lang sa trabaho at fangirling ang pang-araw-araw na buhay. Si Sky Xavier Villegas ng BF5, well, siya pa rin. Sikat pa rin. At unreachable na ulit.

After that unexpected conversation last week at pagkaway niya sa akin sa mall show sa Taguig kanina, akala ko, may pag-asa na ako. Akala ko, may papalit na kay Sam sa puso ko. Akala ko, pwede na. Akala. Puro na lang akala. Putang ina.

Hoy, self, 'wag kang mag-drama d'yan. Matulog ka na, may trabaho ka pa mamaya.

Hindi ko kaya.

Sige, bahala ka d'yan.

Nag-ring ang phone ko, pero hindi ko pinansin. Iniisip ko pa rin yung almost-encounter namin sa 7-11. Kung nagkataon na naabutan ko sila ni Isaiah bago sila lumabas, makakausap ko pa rin ba siya? Malamang, hindi pa rin. Syempre, iiwas 'yan sa tao, kasi nasa public place sila. Madali silang madudumog ng mga fans, lalo na yung mga 'di marunong magpigil ng hormones. Kapag nasama pa ako sa eksena, baka ako ang pagtulungan nila. D'yos ko po. Ayoko pa pong mamatay.

"Ano ba, ba't ba tunog nang tunog?" Bumangon ako para kunin yung phone ko sa bedside table. Tadtad pala ng notifications ng DMs ko sa IG.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

sky.sxv

Yesterday, 11:17 PM

hi Thea

saw you kanina

sorry kung di kita nalapitan

btw thank you kasi tinupad mo promise mo na pumunta sa show namin

sorry talaga :(( nagmamadali kami pauwi eh

bawi ako nxt tym

sige goodnight

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

Kahit 'wag ka nang bumawi. Okay na 'to. Masaya na ako sa ganito.


all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon