// twenty seven

33 1 0
                                    

Thea.
December 13th, 12:01 PM.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang maka-receive ako ng text message. Binuksan ko yung phone ko at binasa ang nilalaman ng message. Unregistered yung sender, pero familiar yung number na naka-display sa screen.

Hindi pa pala nagpapalit ng number yung gagong 'yon.

At ang text niya: "Sorry kung hindi ako nagpaalam noon. BTW, I'm coming back this weekend. Pwede ba tayong magkita?"

Naisip kong huwag mag-reply. Ipinatong ko ang phone ko sa table at tinuloy ang inaayos kong layouts.

Ang kapal ng mukha niya. More than a year nang overdue yung apology niya. Tapos kung kailan naman naka-move on na ako, saka siya babalik? 'Tang ina.

"He's back," I murmured.

Tumayo si Jo at tumabi sa akin. "Who?"

Huminga ako nang malalim. "Sam."

"Sam?"

"My ex."

Nagulat si Jo sa sinabi ko. "What?! Nakikipagbalikan siya? In fairness, ang pangit ng timing niya, ha. Right in the middle of the controversy surrounding you and... you know?"

"Yeah, true. Kung kailan naman sunod-sunod na yung problema ko, dadagdag pa 'to. Pakshet. Ikaw, sa tingin mo, ano'ng gagawin ko?"

"Ikaw ba, Thea girl? Gusto mo na ba ng closure?"

Speaking of closure, naalala ko yung sinabi ko kay Sky noon.

"Umaasa pa rin ako na babalik siya. Kahit hindi na maging kami ulit, basta bumalik lang siya, malaman ko man lang yung rason kaya siya nawala. Para matapos na yung sakit."

Talk about closure.

But then, naisip ko, this "closure" thing doesn't make sense. At all. Kalokohan lang siya na inimbento para sa mga taong gusto pang dugtungan yung failed relationships and broken connections nila. Closure is stupid.

And here I am, wanting that stupid shit. Again. Sort of.

Tumingin ako sa kanya at sumagot. "Yes, and no."

"Ha? Bakit?"

"Yes, kasi gusto kong malaman kung bakit siya nawala. No, kasi ayoko nang madugtungan yung kung ano'ng meron kami na naudlot."

"Ito na lang advice ko sa'yo, Thea girl. Sundin mo yung puso mo. It's up to you. Walang ibang makakalutas niyan kundi ikaw lang."

Napaisip ako sa sinabi niya. She's right. Nasa akin pa rin ang desisyon. Pero am I ready to take a risk?

Fuck it. I'll do it.

Nag-type agad ako sa phone ko. "Sige." Sumagot siya agad.

"Bukas, 7pm, Starbucks, MOA?"

"K."

Inilapag ko ulit ang phone ko sa lamesa at tinuloy ang ginagawa ko kanina. Tumigil din ako after five minutes. Huminga ako nang malalim at inalala ang huling araw na dapat, magkikita kami. Sana lang, pumunta na siya. For real.

Even just for the last time.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

11:51 PM.

"Kapatid?" bati ni Kuya sa telepono. "'Musta? Nasa condo ka?"

"Yeah," sagot ko. "Bakit?"

"Meron akong good news and bad news. Ano'ng gusto mong unahin ko?"

"'Yung bad news muna."

"Ang bad news, hindi pa rin makaka-perform ulit yung crush mo. Ang sabi sa statement ng management nila, nasa bakasyon daw, nagmumunimuni. Pero, hula ko, dahil 'to sa tsismis, eh."

"Yep. I know. I've seen it all over the 'net. It's about us."

"Pero ang good news, lumabas na rin sa balita na hindi totoo ang tsismis. Nalaman na siguro nila yung tungkol sa jowa mong laging naka-motor. Congrats, kapatid! Cleared ka na sa issue."

"Pero hindi pa rin ako masaya, eh."

"Bakit naman, kapatid?"

"May mas malala akong problema."

"Break na kayo ni Lui?"

"Hindi. Bumalik yung dati ko. Gustong makipagkita ulit bukas."

"Ano? Si Samuel? Yung walang hiya? Pumayag ka naman?"

"Oo. Para magka-closure na kami."

"Akala ko ba ayaw mo na siyang makita?"

"Oo, ayoko na. Pero kailangan kong ipakita sa kanya na masaya na ako nang wala siya, eh."

"Sige, bahala ka. Pero isama mo si Lui para mabakuran ka niya. Alam ko, 'pag ganyang nawawala tapos biglang makikipagkita ulit, dalawa lang 'yan, eh. Either makikipagbalikan o mag-aaya ng networking. Either way, 'di mo deserve yung kagaya niya."

"Loko ka talaga, Kuya. Sige na, matutulog na ako."

"Sige. Update mo 'ko tungkol d'yan, ah."

Ibinaba ko na ang telepono at naghanda na para matulog. May importante pa akong gagawin bukas.



all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon