// ten

47 1 0
                                    

Thea.
October 22nd, 1:09 PM.

"Hindi naman pala masamang tao si Mr. Stalker, eh," sabi ko kay Jo bago kagatan ang bitbit kong shawarma. "Ang totoo nga niyan, nagkita na pala kami last year. Noong mismong araw na hindi sumipot yung ex ko, siya yung unang lumapit at sumama sa akin. Tapos kagabi, hinatid niya pa ako pauwi."

"Oh, tapos? Kayo na? Paano na si Sky?" pang-asar niyang sagot.

"Baliw. Kaibigan lang tingin ko doon. Saka nagmamagandang loob lang si Lui. I know he won't pursue me anyway. Can people stop thinking that being kind and sincere equates to 'flirting' or something? Lalo na ikaw."

"Masyado mo namang sineryoso, girl. Pero based sa kuwento mo, parang bagay kayo. Hindi, bagay talaga kayo."

"Sis, no. Loyal ako sa BF5. Kay Sky Xavier Villegas lang ako magiging marupok, 'no?"

"Ay, gusto ko 'yan!"

"Wow, sis. Hindi pa ba nagseselos kay Isaiah yung hubby mo?"

"Hindi. Kung alam mo lang, mas baliw 'yon sa'kin. Pag nagpa-fangirl ako kay Isaiah, sinasabi niya lagi, 'Kinikilig ka na naman sa'kin.' Muntik ko na nga masapak noong isang araw, eh."

"So fan din siya?"

"Hinatak ko."

"Wow, recruiter ka pala talaga, 'no? Una, ako, tapos si Kuya Poy?"

"Well... wala eh. Oh, speaking of our best boys, hindi pala ako makakapunta sa show nila sa 27. I have to leave with my family kinabukasan kasi sa probinsya kami mag-u-Undas. Nag-file na ako ng leave kanina, babalik ako on the 4th. Ikaw ba?"

"Not really sure, but I'll try. Mami-miss kita, sis."

"Balitaan mo 'ko kung pupunta ka, ah?"

"Sure!"

Bumalik kami sa office at naupo sa mga cubicle namin. Binuksan ko ang phone ko at nag-check ng new messages. Ang isa, galing kay Kuya.

"Kapatid, kailangan mo ng kasama sa Caloocan sa Sunday?"

Kay Nina, "Thea punta ka sa 27? tentative ako, sama pakiramdam ko eh :("

Ang pinakahuli kong nabasa, kay Lui.

"Hi friend :))"

Hindi ko muna iyon pinansin. Hindi ko siya jowa. Hindi ko siya jowa. Hindi ko siya jowa. Hindi ko siya jowa.

Lumipat ako sa Instagram. Hindi pa rin nagrerespond si Sky sa apology ko via DM. Hay, naku, Thea. Hopia pa rin? Do'n ka na kasi sa kaibigan mo? Mas abot-kamay mo pa.

I clicked on his profile. May bago pala siyang post last week. Picture niya mula sa malayo. It was as if he was staring intently at the camera, and into my soul. Like he usually does.

There he goes again. Hanggang picture na lang ba yung pagiging boyfriend goals mo? Hindi ka ba talaga pwedeng maging legit boyfriend?

Nakakalungkot naman. Char.

Hindi ko na napigilan ang fangirl heart ko na idikta ang next step ko. I went back to his DM chatbox and typed away.

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

sky.sxv
active 1hr ago

October 19

ay hala sorry po, wrong account

sige po bye :))

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon