// twenty two

40 2 0
                                    

Thea.
November 30th, time unknown.

Nagising ako sa ringtone ko. Napasarap ang pagtulog ko sa kwarto ko sa bahay ni Mama kaya hindi na ako aware sa oras. Basta na lang akong nagising at sinagot ang tawag.

"Thea girl, 'asaan ka?" bungad sa akin ni Jo. "Hinanap kita sa unit mo, wala ka raw doon."

"Nasa bahay ni Mama," sagot ko. "Bakit?"

"Pupuntahan kita d'yan. Kasama ko si Nina."

"Bakit nga? Kagigising ko lang—"

"Alas-sais na, ngayon ka pa lang nagising? Hindi ka man lang aware sa mga nangyayari?"

 "Ano nga kasi'ng kailangan niyo sa'kin? Pwede naman tayo mag-usap-usap sa group chat, bakit pupuntahan niyo pa ako dito?"

"Hindi mo pa ba alam? Hina-hunting ka na sa social media, girl!"

"The fuck? Natulog lang ako, laman na ako ng balita? Why, though?"

"I'll tell you later. We're on our way. Give me your address."

I suddenly felt anxious. Binigay ko sa kanya ang address namin. Pagkatapos ay sinabi ko sa kanya, "Hindi nga, seryoso. Bakit kailangan niyo pa ako dalawin? I don't even know what's happening. Nag-break ako from social media for, like, almost a week."

"Ayun nga. Akala kasi namin, may mga umaatake na sa'yo in public dahil nga sa issue. Nag-aalala lang kami sa'yo, girl. Malay ba naming nasa bahay ka lang pala."

"Ano'ng issue? Jo naman, diretsuhin mo na ako, kinakabahan ako sa inyo, eh!"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Ang sabi lang niya, "Malapit na kami. Chill ka lang d'yan. You'll be fine, we got you."

How the hell am I supposed to chill at this moment?

Makalipas ang isang oras, nakarating din sila. Pumasok sila sa kwarto ko at niyakap nila ako nang sabay.

"Thea, I missed you!" bati ni Nina. "Nagdala ako ng chips, para we can eat the stress away!" sabi niya habang itinataas ang hawak niyang mga supot ng chips.

Sumunod si Jo. "Nagdala na rin kami ng maiinom, just in case hindi mo kayanin yung ichi-chika namin." Isa-isa niyang inilabas ang mga lata ng beer na binili niya at inilapag ito sa sahig. "Sabi ko naman sa'yo, we got you, eh."

"Thank you," sambit ko. "Nag-abala pa kayo. Ano bang meron?"

Naging seryoso na ang mga mukha nila. "Okay, Thea girl, didirestuhin na kita. This is about Sky."

Why do I have a feeling na alam ko na ang susunod nilang sasabihin?

Lalo akong kinabahan. "And?"

"Someone saw him walking with a girl. And coincidentally, she looks exactly like you. From the hair, to the clothes, pati yung tattoo sa left arm, kamukhang kamukha ng sa'yo. Ikaw na ikaw, girl," sabi ni Jo.

Dagdag ni Nina, "And now some fans—I'm talking about the younger ones, though—are thinking na baka may jowa na si Sky. And, boy, are they mad as F! They're like, 'Pucha, akala ko ba, ako lang? Ako dapat 'yon, eh!' and all that shit, you know?"

"'Tang ina," I muttered. "Kailan pa 'yan?"

"Last week," sagot ni Jo. "At yung mga selosa at makakalat na kabataan sa Twitter, inii-stalk ka, kasi they appeared nga sa Flair mag, and they know you were one of the staff and alam din nila na you're one of those fans na medyo close sa kanila, so they were thinking na ikaw 'yon! 'Di ka naman nila bina-bash masyado, pero... alam mo 'yon, parang they keep on assuming things? Again?"

"Totoo, sis," dugtong ni Nina. "Ako, in my opinion, it's okay for me if one of the boys is in a relationship, pero sana naman i-respect ng fans ang privacy nila as a couple. Pero upon getting the news, D'yos ko, 'day, ang lala! 'Kala ko, sa Korea lang may Dispatch, meron din palang Filipino version! Nakakaloka ang kinikilos ng fandom these days! Iba!"

I took a can of beer, opened it and took a little sip. "Guys... May aaminin ako sa inyo."

Lumapit sila sa akin. "Spill it, honey," sambit ni Jo."

I cleared my throat. "Ako talaga yung kasama niya."

"Ha?" sabay nilang reaksyon. Napadukot si Nina sa bulsa niya. Nag-scroll siya saglit at ipinakita niya sa akin ang phone niya na may naka-flash na picture sa screen. "This is you?" tanong niya sabay turo sa babae sa picture na may hawak-hawak na baso. Kitang kita ang sunflower-and-vines na tattoo sa left arm niya.

"Oo." Napainom ulit ako.

"So inaya ka talaga ni Sky na makipag-date?" tanong ni Jo.

"Hindi 'yon date! Dinala lang niya ako somewhere na kaming dalawa lang tapos nag-usap kami, we caught up on each other, uminom ng kape, 'yon lang!"

"So it is a date."

"Hindi nga!"

"Then why is he holding your hand?"

Hindi ako nakasagot. I opened another can and drank away. "Uy, pangalawa mo na 'yan. Okay ka lang?" tanong ni Jo.

"Hindi," sagot ko.

"Girl, don't you realize how lucky you are? Si Sky na yung nagpresenta na i-date ka, oh!" Sige, Joanne, pagaanin mo loob ko. Makakatulong 'yan.

"But knowing how the other fans reacted, I don't think I'm really lucky," I replied. "Baka malagay pa sa alanganin yung career niya because of me. I don't want that. And why would anyone think na ako ang 'girlfriend' niya? I know he only sees me as a fan, or at least as a friend. 'Yon lang. Sila-sila na rin ang nagsabi na they don't have time for relationships. Another thing, ano na lang iisipin ng management ng BF5? Ng ibang members? I'm sure they can't afford losing one of their ace vocalists just because of a shitty dating rumor. Sky wouldn't risk it, either. Pretty sure he's denying it in front of the media."

"Ano na'ng plano, sis?" tanong ni Nina habang dumudukot ng chips. "Maghahanap na ba kami ng fake boyfriend mo? Sure ako, kahit anong gawing pag-deny ni Villegas, meron at meron na hindi maniniwala. So, kailangan mo na ring gumawa ng paraan. Gagawa rin tayo ng paraan."

"Nina's right," pagsang-ayon ni Jo. "Ah, I have an idea. Mako-contact mo ba si Lui right now? Sabihin mo, urgent kamo. Gising pa naman siguro 'yon."

"Si Lui? Sige, I'll try."

Kinuha ko ang phone ko at nag-dial. Lui picked up on the third ring.

"'Sup, Thea?"

"Lui, I need your help. Urgent 'to."

"For what?"

"I'll tell you tomorrow. Kita-kita sa Starbs."

⊱ ────── {.⋅ ♫ ⋅.} ───── ⊰

a/n: r u ready?


all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon