Thea.
December 1st, 2:45 PM."What? Magpapanggap akong boyfriend mo? Bakit? Para saan?"
Sunod-sunod ang tanong ni Lui sa akin matapos kong sabihin kung ano ang pakay ko sa kanya. "Listen, Thea. Hindi naman sa ayaw kong gawin, or hindi ako pumapayag pero I just want to know why you want me to do it. And, bakit biglaan?"
I sighed. "Here's the thing. You know Sky Villegas, right?"
"Yeah, the singer. The one you've been gushing about every time. What about him now?"
"Last week kasi, he invited me over for coffee, then we kinda caught up on each other, small talk, ganyan. Ang akala namin pareho, we were the only ones in the area, hanggang sa kumalat na pala sa internet yung mga picture namin na magkasama. And now, people start to think na jowa niya ako. At alam mo naman ang stigma when it comes to celebrities dating normal people, right? People are quick to judge. Okay lang sana kung ako lang yung bina-bash ng ibang mga fans ng grupo niya. Ang kaso, siya yung pinaka-apektado rito. Strict ang management ng group niya; they can interact with commoners, but they cannot date them. Not even their fans. And now, there is a high chance of his career going downhill because of all this shit that's happening."
"That's... really scary. And shitty."
"I know. All I wanted was to fangirl in peace. Gusto ko lang namang makita sila nang malapitan. Now that I'm getting more than what I asked for, saka naman aabot sa ganito. Ito na lang yung naiisip kong paraan para malinis yung pangalan naming dalawa. And I know you're the only one who can pull this scheme off."
"Why me?"
"Kasi magaan ang loob ko sa'yo. Napapatawa mo ako 'pag malungkot ako. Gentleman ka. You already know a few things about me that I everyone else doesn't. Most of all, you're one of my closest friends."
Matagal na nag-isip si Lui. "Sige, sige. Deal. So when do we start?"
I looked him straight in the eyes. "How about now?"
"Wait, what? Why now?" tanong niya.
I dismissed the question. Nakita kong may isang grupo na nakaantabay malapit sa kinapupuwestuhan namin. Base sa nakikita ko, para silang nag-uusap. Pero tungkol saan?
Bakit sila nandito, at ano ang pakay nila? Am I being hunted down? Damn it.
"I think we have to go," bulong ko kay Lui. Hinila ko siya patayo at lumakad na kami paalis. Hindi pa rin siya mapalagay kahit habang naglalakad kami.
"Thea, pwede ba, sagutin mo muna yung tanong ko?" Lui asked, obviously trying to keep his cool. "Ngayon na talaga?"
Hindi ko na napigilan pang magsalita. "Can't you trust me kahit ngayon lang? Please?"
"Okay, okay," pagsang-ayon niya. "Saan na tayo pupunta?"
"Just follow me." Lumingon ako at nakita kong sinusundan kami ng mga taong nakita namin kanina. Doon ko lang napansin ang mga hawak nilang cameras at cellphones na naka-turn on ang voice recorder.
Paparazzi? Reporters? Pucha, may ganito pala sa 'Pinas? At bakit pati ako, hinahabol na rin nila? D'yos ko naman...
Tumakbo na kami. Nagpaikot-ikot na kami sa kabuuan ng Araneta, hanggang sa magtago kami sa isang closed area malapit sa Expo. Nang mapansin namin na hindi na kami sinusundan ng mga taga-media, tumakbo na ulit kami, this time, papunta na sa parking lot kung saan ipinarada ni Lui ang motor niya.
"Alright, Thea," Lui sighed while putting on his helmet. "Mukhang ngayon na talaga tayo magsisimulang mag-pretend date." Iniabot niya sa akin ang spare helmet niya. "Aren't you gonna ask me why I bring a spare helmet with me?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
all for you
Fanfiction"Handa ka bang magpanggap at gawin ang hindi mo nakasanayan sa ngalan ng pag-ibig at paghanga?" "Sa industriyang hinahadlangan ang kalayaang magmahal, handa ka bang kumawala at ipagsigawan ang tunay na nadarama?" A die-hard fan who'd give her all to...