// epilogue

58 1 0
                                    

January 6th.

Two people watch the sunset together. One of them might say to the other, "Bukas, pagsikat ulit ng araw, ikaw pa rin ang mahal ko." Two possible scenarios follow.

Scenario One: they stay. 

Scenario Two: they leave.

Scenario Three: they leave, but another person comes into the picture.

In my case, it was Sky.

Hindi man siya nag-stay, pero may parte niya na dala-dala ko pa rin hanggang ngayon.

At hindi lang iyon yung photo card niya na naka-tape sa monitor ng PC ko.

It's the tiny hole in my heart that only he can fill in. Charot. No, not charot.

"Girl, gising ka pa?" tanong ni Jo.

"Ah, oo," I replied, laughing nervously. "Nasabaw lang utak ko. Ngayon lang ulit nakapag-work after a long time, eh." Ongoing ang planning and communications ng art department para sa upcoming online cover feature ng Flair. Ah, I missed work.

But I missed him more.

Ano, self, asang-asa ka pa rin sa "see you soon" niya?

"Thea, may naghahanap sa'yo sa baba, sa lobby," pagtawag sa akin ni Emma.

"Bakit kamo?" tanong ko.

"Don't know. Baba ka na lang. Ako bahala sa'yo."

Bumaba ako sa lobby. Nandoon si Lui, nakaupo sa waiting area at may hawak na box.

Lumapit ako sa kanya. "Ano 'yan? Seryoso ka ba? Para sa'kin ba 'yan? Nakakaloka ka!" sabi ko.

"Yeah. Pero hindi galing sa'kin," sagot niya. "Actually, I came here kasi I have two things to say. Una, Lucas talaga pangalan ko."

"Saan galing yung Lui?"

"It's a nickname I use out of work. Anyways, yung pangalawa, I actually work for the recording company where BF5 worked on their next album. Speaking of... they sent me this. Para sa'yo nga daw talaga 'yan."

"Oh my gosh." Iniabot niya sa akin yung box at kinuha ko ito. "Thank you, Lu. Bakit 'di mo sinabi agad?"

"Para ma-surprise ka. Open mo na, dali!"

Binuksan ko yung box. May isang CD doon. Ang nakasulat: Second Album Final Recordings. May letter din na nakalakip sa cover ng CD. Binuksan ko ito at binasa.

Hi, Thea!

Happy new year sa'yo! Sana magustuhan mo 'tong super late Christmas gift namin sa'yo! Dahil isa ka sa mga biggest fans namin, ikaw yung pinili namin na unang makapakinig ng next album namin. ('Wag mong ipagsasabi sa iba, ha?) Sana makita ka pa rin namin in our future events, and continue supporting us!

All the love,
BF5

P.S. May extra pang pinapabigay si Kuya Sky sa'yo. Miss ka na raw niya - Isaiah

Na-shock ako sa pa-P.S. nila. Tinignan ko ulit yung box. May isa pa ngang laman iyon maliban sa CD at sulat.

Isang keychain na strawberry. Hindi ito yung napigtas ko noon na naitago niya; bagong keychain na ito. Mas maganda ang design, at mukhang mas matibay. May kasama pang panibagong note.

Naisip kong bigyan ka ng bagong lucky charm. Don't worry, nasa akin pa rin yung luma.

- haneul_1111

ps. Sana ako pa rin ang piliin mo sa araw-araw, aking mahiwaga.

"Thank you," bulong ko sa sarili ko. Kunwari, maririnig niya, este nila.

all for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon