SHARINA POVS
Tok!Tok!Tok!
Napabalikwas ako ng gising ng may kumatok sa pinto.Lumabs ako ng kwarto at pinagbuksan ko ito.
'Nasan ang mama mo Sharina ha!?'bungad sakin ni Aling Martha.
'Bakit po?'Ani ko.
'Nasan yung pambayad nyo ng upa dito sa bahay!?tatlong buwan na kayong di nakakabayad!'galit na sigaw ni Aling Martha.
'Pasensya na po kasi-'ani ko na agad nyang pinutol.
'Puro na lang kayo pasensya!wag puro pasensya magbayad kayo!'putol nya sa sasabihin ko.
'Eh Aling Martha ,pwede po bang huminahon muna po kayo?nakakahiya po sa mga kapit bahay.'mahinahong sabi ko.
'Ano!?Nakakahiya!?May hiya pa pala kayo?Hanggang linggo na lang ang palugit nyo kapag hindi pa kayo nakabayad,magbalot na kayo ng mga gamit nyo.'sigaw nya sakin sabay talikod
Bagsak ang balikat ko ng umakyat ako sa kwarto halos manlumo ako dahil hindi ko alam kung saan kami hahanap ng pera ni mama pambayad
'Anak?' narinig kong sambit ni mama sa baba
'Po?' ani ko.
'Halika na't, bumaba ka na dyan at maghahapunan na tayo.' ani ni mama.
'Opo.' sabi ko.
Bumaba na ko at hinanda ang plato para samin ni mama .
Habang kumakain ay sinabi ko kay mama ang nangyari kanina.
'mama.' panimula ko.
'hmmm?' sabi ni mama.
'kanina po pumunta dito si Aling Martha, tapos kailangan na daw po natin makabayad ng upa sa linggo kung hindi daw po tayo makakabayad,umalis na daw po tayo dito.' sabi ko.
'Hayss!di ko alam kung saan ako kukuha ng pera anak.' pagod na sabi ni mama habang hinihilot ang kanyang sintido.
'Ma, may tabi pa po akong pera pwede naman po siguro na idagdag yun na pambayad' sabi ko.
'Hindi anak ako na ang bahala, pakikiusapan ko na lang muna yung amo ko, itabi mo na lang yang pera mo para sa pasukan.' sabi ni mama
'sige po ma, pero incase na kulang po pwede naman po na idagdag yung ipon ko.' sabi ko
'sige anak.' sabi ni mama.
Nagpatuloy na kami sa pagkain ni mama at halata sa mukha ni mama ang mga problema na dinadala.
'ma, akyat na po ako.' sabi ko pagkatapos ko kumain.
'sige anak magpahinga ka na.' sabi ni mama
Lumapit ako kay mama at hinalikan sya sa noo.
'Love you ma' sabi ko at umakyat na sa taas
Dalawa na lang kami ni mama sa buhay. Katulong si mama sa isang mayamang pamilya. Isa akong waitress sa isang restaurant, nagtatrabaho ako para sa darating na pasukan at para na rin makatulong ako sa iilang gastusin dito sa bahay. College na ko sa pasukan. At nagsisikap ako para samin ni mama at para masuklian ko lahat ng paghihirap at sakripisyo ni mama ng hindi humihingi ng tulong sa tatay ko.
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...