CHAPTER 58

6 3 1
                                    

Maya maya pa ay nakarating na kami sa Emirates, wow sosyal, ang yaman talaga ng kumag na to.

Tinapik tapik ko sya sa balikat pero ayaw nya gumising sa sobrang inis ko nasampal ko mukha nya.

"Aray!"sabi niya at hinimas himas yung pisngi nyang sinampal ko at natulog ulit.

"Hoy!"sigaw ko sa kanya at kinurot sya sa tagiliran.

"Ang ingay."sabi niya at binuksan na ang pinto ng sasakyan.

Bumaba na rin ako para alalayan siya. Habang papasok kami sa lobby ng condo niya pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Anong number ng room mo?"tanong ko.

"235"sabi niya at sumandal na naman sa balikat ko.

Inom kasi ng inom hindi naman pala kaya.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng condo nya.

"Susi mo?"tanong ko.

Kinuha nya yun sa bulsa nya at binigay sakin.

Binuksan ko na ang condo nya at namangha ako sa ganda ng pagkakadisenyo. Ang ganda ng living room, sobrang laki din.

Napatingin ako sa isang banda at may nakita akong dalawang kwarto.

"San kwarto mo?"tanong ko.

"Kanan"lasing na sabi niya.

Pinasok ko sya sa kwarto nya at nagulat ako ng bigla nya kong sinandal sa pinto at hinalikan.

Halik na sa una ay mabagal pero habang tumatagal ay lumalalim, naramdaman kong gumagapang ang kamay ni Yuan sa kung saan saang parte ng katawan ko.

Binuhat nya ko at hiniga sa kama habang patuloy pa din akong hinahalikan.

Hindi tama to. Mali to.

Bumaba ang halik nya sa leeg ko, at alam kong hindi pa pwede mangyari to.

"Y-yuan."nauutal man pero nagawa ko pa ring matawag sya.

Napatingin sya sakin at nakita ko ang bigla sa mga mata nya at agad syang tumayo at lumayo sakin.

"Sha, I'm sorry, I don't want to, uh fuck!"sabi niya at lumayo ulit sakin.

"It's okay."sabi ko at lumapit sa kanya.

"Sha, I'm sorry. Hindi ko sinasadya."paliwanag nya

"It's okay, let's sleep?"sabi ko.

Tumango sya pero pinagpalit ko muna sya ng damit, pagtapos nya magpalit ay pumasok na ko sa cr para magpalit na din. Nanghiram muna ako ng t-shirt ni Yuan, may cycling naman ako pero natatakpan dahil mahaba ang t-shirt na pinahiram ni Yuan.

Tinabihan ko sya at tulog na nga ang mokong, inom pa more. Pinagmasdan ko ang features ng mukha ni Yuan, mabait naman to si Yuan eh, pag tulog nga lang.

Napatalon ako sa gulat ng biglang dumilat ang mga mata nya, agad akong nagiwas tingin, shems pahamak ka self! Ngumisi sya at pinagmasdan ako kahit pumipikit pikit na ang mga mata nya.

"Gwapo ko?inlove ka na naman?"pangaasar nya kaya agad kong hinampas ang dibdib niya.

"Ouch."sabi niya at hinimas nya ang dibdib nya na pinalo ko, masyado kasing maharot amp.

"Matulog ka na nga lang dyan!"inis na sabi ko.

Ngumisi lang sya at agad akong napasigaw ng hatakin nya ko at napahiga ako sa tabi niya, agad nya kong niyakap ng mahigpit at para ako maiihi sa kilig, share ko lang, malandi ako e char HAHAHA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon