Nakarating kami sa restaurant na parehas tahimik di ko alam yung nararamdaman ko, parang nakokonsensya na ko na ewan, basta.
May part kasi sakin na parang gusto ko na siyang patawarin pero may isang part din sakin na wag muna, na tignan ko kung hanggang kailan at saan yung kayang gawin ni Yuan na pagsuyo sakin.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako madaling magpatawad pero si Yuan to.
Gusto ko na agad siyang patawarin pero gusto ko din pagbayaran nya yun.
Siguro nga sobrang babaw ko, di ko din alam e kahit nag explain na siya parang ayoko muna maniwala.
Pinagbuksan na nya ko ng pintuan, pagbaba ko sa sasakyan naramdaman ko agad ang kamay nya na pinagsiklop ang mga daliri namin.
Shet!my heart!Ayan na naman yung napakabilis na tibok ng puso ko.
Nakapasok kami sa restaurant at agad naming naagaw yung atensyon ng mga tao.
Nahagip ng mata ko si Bel na nakangiti habang nakatitig sa mga kamay namin at si Ken na laglag panga na pinagmamasdan din kami.
Tinignan ko si Yuan at nakita ko ang seryoso nyang mga mata habang nakatingin sa isang mesa.
Sinundan ko ang mga tingin niya at nagulat ako ng makita ko si Jackie dun.
Pinagmasdan ko si Jackie.
Maganda siya, may pagka singkit yung mga mata, pointed nose, manipis na labi, at mapuputing kutis.Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Jackie habang tinitignan kami. Tumayo siya at alam ko na sa direksyon namin siya pupunta.
Dahan dahan kong inaalis yung kamay ko sa kamay ni Yuan pero nagulat ako ng mas lalo niyang higpitan yung pagkapit sa mga kamay ko.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko na mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha at parang sa mga tingin niya nagsasabing wag akong umalis.
Nakalapit na si Jackie samin at nakita ko ang mga naglalarong ngisi sa kanyang mukha pero bakas sa mga mata niya ang galit.
"wow Yuan? who's that girl?"sarkatiskong sabi niya."siya ba yung ginagamit mo para pagselosin ako or rebound?haha"dagdag niya pa.
Nanatili akong tahimik pero iniisip ko yung mga sinasabi ni Jackie.
Ginagamit ako ni Yuan para magselos siya?
Rebound ako?totoo ba yun?No, no, no, di ganung klaseng tao si Yuan.
Trust him sharina, trust."Maganda siya, may katawan naman, pero mayaman ba yan?uh, nevermind"sarkatiskong sabi ni Jackie."and really Yuan ha?pagseselosin mo ko sa isang crew lang?nagpapatawa ka~"sabi pa ni Jackie na agad na pinutol ni Yuan.
"Shut up Jackie!"galit na sigaw ni Yuan. "Wala kang karapatang sabihin sa kanya yan!"mas lalong galit na sigaw ni Yuan.
"Really Yuan?pagtatanggol mo yang crew na yan ha?pipiliin mo siya kesa sakin?how dare you!"galit na sigaw ni Jackie.
"Alam ko naman Yuan na ako pa din ang mahal mo at rebound lang siya!"sigaw pa ni Jackie.
"No Jackie, I love Sharina so much, higit pa sa pagmamahal ko sayo noon"seryosong sabi ni Yuan.
"No Yuan!gumaganti ka lang sakin!Hindi to totoo!"sigaw ni Jackie.
"Totoo to Jackie!Kaya please tigilan mo na kami!"galit na sigaw ni Yuan.
Napansin ko na nakakaagaw na kami ng atensyon ng tao pero parang wala pa ding pake si Yuan.
"No!this is not true!You!"sigaw ni Jackie at tinuro ako. "You don't deserve Yuan!ako lang ang may deserve sa kanya!and crew ka lang wala kang laban sakin, you're just nothing!Kaya bitch, back off!"galit na sigaw ni Jackie sabay sampal sakin.
Damn, ang hapdi, ang sakit.
"What the fuck, Jackie?!"galit na galit na sigaw ni Yuan."You have no right to do that to her"galit na galit na sigaw ni Yuan.
"Leave Jackie!bago ko pa makalimutang babae ka!"sigaw ni Yuan.
"fine!sa ngayon papalagpasin ko to Yuan!"sigaw ni Jackie.
Tumalikod na siya samin at bago siya makarating sa pinto ng restaurant humarap siya samin.
"sisiguraduhin kong makakarating lahat to kay tita at isusumbong ko na nakikipagdate ka sa isang crew!"sigaw ni Jackie at lumabas na ng restaurant.
Hinarap ako ni Yuan at agad na pinunasan yung mga luha ko na di ko alam na tumulo na pala.
"I'm sorry baby, I'm so sorry"sabi niya at agad akong niyakap."stop crying baby, it's okay"sabi niya at hinalikan ang noo ko.
THANK YOU PO SA PAGSUPORTA NYO SAKIN!DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!GOD BLESS YOU ALL! LOVELOTS!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...