CHAPTER 7

34 4 1
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso na ko agad sa kwarto ko para makapagisip ng mga nangyari sa araw na to.

Nakahiga ako sa aking kama habang iniisip ang mga sinabi ni Yuan kanina at ang mga pinapakita niya.

NAGUGULUHAN AKO!

Kinabukasan,tanghali na ko nagising dahil napuyat ako kagabi sa kakaisip.

Lunes ngayon kaya wala ako ngayong pasok sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

Bumaba na ko para kumain ng agahan at laking gulat ko ng makita ko si Yuan na nasa sofa at nakaupo.

Wala naman akong pasok ngayon pero bat andito siya?

"Yuan bat andito ka?"tanong ko

"magbihis ka na at may pupuntahan tayo"malamig pa ring sabi niya.

"saan?magpapaalam muna ako kay mama" sabi ko.

"nagpaalam na ko at pumayag naman si tita"malamig na sabi niya

"sige magbibihis lang ako"sabi ko.

Umakyat na ko sa taas at naligo na.

Habang naliligo ako iniisip ko kung saan kami pupunta ni Yuan

Nagbihis na ko ng simpleng oversized shirt at isang high waist short.

Bumaba na ko ako at nakita ko ang pagtingin sakin mula ulo hanggang paa at nakita ko bigla ang galit sa kanyang mga mata.

Bat na naman siya nagagalit, may nagawa na naman ba ko?

"magpalit ka ng damit sharina, magpantalon ka or leggings"mariing sambit niya.

"bakit may mali ba sa suot ko?maganda naman eh"naguguluhang sabi ko.

"magpalit ka na lang!"maawtoridad na utos niya

"ayoko, okay na yan Yuan, tara na!"sabi ko at hinila na siya palabas ng bahay

Habang naglalakad kami sa street palabas ay naramdaman ko ang kamay ni Yuan sa aking bewang.

Nanginig ang tuhod ko sa elektrisidad na bumalot sa aking katawan tinignan ko siya sa mata at nakita ko ang pagngisi niya

"ang daming nakatitig sayo lalo na sa hita mo"pabulong ngunit galit na sabi niya.

Nasa tapat na kami ng sasakyan niya at pinagbuksan niya na ko ng pinto

"San ba tayo pupunta?"tanong ko

"magdadate"simpleng sabi niya.Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at agad na napatingin sa kanya.

"tigil tigilan mo ko Yuan!"sigaw ko sa kanya.

"I'm serious Sha"nangaasar na sabi niya

"YUAN!"naiinis na sabi ko.

"ang swerte mo ngayon Sha, may gwapo kang kasama"nangaasar na sabi niya.

"asan?di ko makita"pangaasar ko din

"look at me sha, makikita mo yung tunay na gwapo"taas noong sabi niya.

"kapal ng mukha,manahimik Yuan!"sabi ko."san ba kasi tayo pupunta?"sabi ko

"kung san mo gusto"nakangising sabi niya.

"ikaw na bahala"sabi ko.

"sige sa mall na lang tayo mag date"sabi niya.

Pinaandar na niya ang sasakyan at dumiretso na kami papuntang mall.

AUTHOR'S NOTE:
NEXT CHAPTER NA PO YUNG DATE NI YUAN AND SHARINA!THANK YOU PO SA PAGSUPORTA!I LOVE YOU ALL!❤️

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon