CHAPTER 24

4 2 0
                                    

Gumising ako ng maaga para makapaghanda na sa unang araw ng pasukan, masyado akong excited ngayong araw at di ko alam kung bakit, siguro dahil first day?hmm.

Bumaba na ko at agad ko naaninag si Yuan na topless habang nagluluto sa kusina, damn.

Humarap sya sakin ng nakangisi at agad na bumalandra sakin ang pandesal nya ay este six packs abs nya.

Shit lang talaga!bat ang hot mo Yuan!

"Good morning baby girl"malambing na sabi ni Yuan, napatingin ako sa kanya dahil sa gulat.

Baby girl?wtf?! seriously?

"Kinikilig ka ba baby girl?"nangaasar na sabi niya.

"Hmp!hindi ah!"sabi ko, minsan kasi kailangan mo din ideny char HAHAHAHA.

"Ang ganda mo baby girl, mas maganda ka pa sa umaga"nakangising sabi niya.

"Ang mais mo!di ko maimagine na ganyan ka kacorny"nangaasar na sabi ko.

"fuck!di ko rin naisip na magiging ganto ako kacorny. But,uhm...nevermind"sabi niya at nagpatuloy na sa pagluluto.

Maya maya pa ay natapos na ang kanyang niluluto at sinigang?good, my favorite.

Hinanda ko na ang mga plato at kutsara tinidor at agad kaming nagsimulang kumain.

"Wala ka bang naaalala ngayon baby girl?"tanong niya.

"Wala bakit?at saka pwede ba tigilan mo na nga kakatawag sakin ng baby girl, di na ko baby!"sabi ko.

"Ang cute kaya, diba baby girl?"pangaasar nya.

"Ewan ko sayo!"sabi ko at inirapan sya

"Pero seriously Sha, wala ka talagang naaalala?"pangungulit nya.

"Wala nga!ano ba kasi yun?"di ko na maiwasan na mainis.

"sungit mo"pangaasar nya pa lalo."by the way hahatid kita ah tas susunduin na din"nakangiting sabi niya.

"Okay"

"Wala ka talagang naaalala?"ulit nya.

Myghad!pinapasakit mo ulo ko Yuan.

"Wala nga!Ang kulit mo!"sigaw ko sa irita.

"Ang sungit naman neto, may dalawa ka ba ngayon ha?"

"Wala!kumain na nga lang tayo!"sigaw ko.

"Alright baby!"sabi niya pero nakangisi pa din.

Natapos na kami sa pagkain at nilinis na din ni Yuan ang pinagkainan namin dahil maliligo na ko.

Umakyat na ko at naligo.

Agad sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Yuan, anong hindi ko naaalala?ano bang meron ngayon? birthday nya ba ngayon?o ano?Ewan!bala na nga!

Pagtapos ko maligo ay nagbihis na agad ako at bumaba na.

"Let's go?"tanong ko.

"Yeah"sabi niya.

Lumabas na kami ng bahay at naglakad na palabas ng street.Nang malapit na kami sa labasan ay agad kong naaninag ang kotse nyang nakaparada sa kalsada

Pinagbuksan nya ko ng pinto at agad na kong pumasok sa loob.Pumunta na sya sa driver seat at agad ng nagdrive.

"Sha?"

"Hm?"

"Wala ka ba talagang naaalala?"

"Wala nga!ano ba yun?"

"Nevermind.Mamaya malalaman mo"

"Tss."

Maya maya pa ay nakarating na kami sa school at pinagbuksan na nya ko ng pinto at agad niyang pinagsiklop ang aming mga daliri.

Napatingin ako sa kanya at ngumisi agad sya.

Nakarating kami sa classroom ko para sa unang subject at nagtataka ako kung paano nya nalaman ang schedule ko.

"Pano mo nalaman na dito ang classroom ko?"tanong ko.

"Secret"sabi niya.Aba!may pasecret secret pang nalalaman.

"Tss"

Nagulat ako ng niyakap nya ko at hinalikan sa noo.

"May aasikasuhin lang ako, antayin mo ko sa field,babalik din ako mamayang uwian, be a good girl, alright?"

Tumango at nagpaalam na sa kanya.
Pumasok na ko sa room at inantay na dumating ang professor namin pero mukha yatang wala kaming klase ngayon.

Pumunta na ko sa next subject ko at mabilis lang natapos ang oras sa buong araw ng unang pasukan.

Sa wakas uwian na char HAHAHA

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANK YOU!LOVELOTS!GODBLESS YOU!

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon