CHAPTER 54

3 3 0
                                    

Tahimik kami parehas ni Yuan habang nasa sasakyan. Parehas na nakikiramdam sa isa't isa ngunit parehas din na ayaw magsalita.


Puro buntong hininga lang at sulyap ang nagagawa namin dahil kahit ako ayoko rin na magsalita.


Sisirain ng mommy nya ang buhay namin kung hindi niya ko iiwan?Malamang.


Dahil oo, alam ko, ramdam ko na hindi ako gusto ng mommy ni Yuan para kay Yuan, dahil hindi ako nababagay sa mundo nila.


Dahil mayaman sila samantalang kami ganto lang at kahit kailan hinding hindi ako magiging sapat sa buhay ni Yuan dahil kulang na kulang ako.


Kulang pa ko sa kulang.


Nakita ko ang bahagyang pagsulyap ni Yuan at parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi.


Bumuntong hininga siya at muling nagiwas ng tingin.


Maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay. Bumaba na ko dahil ayoko ng hintayin na pagbuksan niya pa ko.


"Salamat."tanging nasabi ko at agad na tinalikuran siya.

"S-sha!"pahabol niya.


"Hmm?"



"I'm sorry."sabi niya. "Sorry kung hindi kita pinaglaban, sorry kung hindi ako nakaisip ng dahilan para ipaglaban ka. Pero sha, please tanggapin mo ulit ako, bigyan mo ulit ako ng chance para patunayan ko ulit yung sarili ko sayo, dahil sa ngayon handa na kong ipaglaban ka sa lahat, wala na kong pake kung sino ang hahadlang satin."dagdag niya.


Bahagya akong napaisip, worth it ba kung bibigyan kita ng chance?hindi.



"Hindi ko alam, Yuan. Kasi sinaktan mo na ko. Sinira mo na ang tiwala ko."sabi ko.


"Sha please, gagawin ko lahat, please, bigyan mo lang ako ng chance."pagmamakaawa ni Yuan


Bibigyan kita ng chance. Pero hindi para mabalik ulit tayo sa dati dahil bibigyan kita ng chance para makaganti ako sa lahat ng sakit na binigay mo.


"Sige."tanging sabi ko.


"A-anong sige?"tanong ni Yuan.



"Bibigyan kita ng chance."sabi ko.



Nakita ko ang pagngiti ni Yuan bagaman lumuluha nagulat ako ng mabilis niya kong niyakap ng mahigpit, gustuhin ko mang umungal ngunit walang lumalabas na salita sa bibig ko.



"Matutulog na ko."sabi ko para bumitaw na sya sa yakap nya.



"Sige, goodnight sharina."sabi niya at hinalikan ako sa noo.



Wow ha!Kung makaasta parang kami na!



Nginitian ko lang siya at agad na tinalikuran para nabuksan ang gate.



Kinuha ko ang susi sa bag ko at agad na binuksan ang gate. Nang mabuksan ko na to hindi ko inaasahan na magsasalita si Yuan.



"I love you so much, sharina."nakangiting sabi niya.



Nginitian ko lang siya at pumasok na at sinarado na ang gate.



Nakahinga ako ng maluwag ng masarado ko ang gate, shit!



Ano ba tong nararamdaman ko?bat ang bilis ng tibok ng puso ko?normal pa ba to?



Umiling na lamang ako at umakyat sa kwarto.



Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon