CHAPTER 49

4 2 0
                                    

"Ronaldo Gamboa is guilty!"sabi ng judge, at nagpalakpakan kami. "Dahil sa ginawa mong panggagahasa ay ikaw ay mahahantulan ng habang buhay na pagkakulong o kamatayan."sabi ni judge.

"Case Dismissed."sabi ng judge at nagpalakpakan ulit kami.

"Maraming Salamat po Atty. Jimenez!Sa wakas po nabigyan rin po ng hustisya ang nangyari sakin." mangiyak ngiyak na sabi sakin ni Anna.

"Your always welcome."sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Mauna na ko ha."Sabi ko at nakipag shake hands sa kanya.

Nilagpasan ko na sya at dumiretso kay Marian na naghihintay sakin sa labas.

"Iba ka talaga Atty. Sharina Jimenez!Panalo na naman!"bati ni Marian.

"Deserve naman kasi nila mabigyan ng Justice yung mga nangyayari sa kanila."nakangiting sabi ko.

"Dahil siguro wala ka namang case bukas, punta tayo sa birthday ni Ken ah?"sabi niya at nginitian ako.

"saang bar ba daw gaganapin?"tanong ko

"Romantic Island!"excited na sabi niya.

"sige!"sabi ko.

"Susunduin kita o dadalhin mo na lang kotse mo?"tanong niya.

"Dalhin ko na lang."sabi ko. 

"Osige!Mauuna na ko ha!Magaayos na ko, kita na lang tayo dun ah!"sabi niya at nauna ng sumakay sa kotse niya.

Binuksan ko na ang driver seat ng kotse ko at sumakay na. Nagumpisa na kong magdrive at binuksan ang music player.

Take a little time baby
See the butterflies color's
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me
This is such a wonderful place to be
Even if there is pain now
Everything would be all right
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me
There's a rainbow always after the rain

It's almost 8 years na rin pala.

8 years ko na rin pala syang di nakikita. Pero hindi ko na din sya nais pang makita dahil punong puno ang puso ko ng galit sa kanya.

Nakauwi na ko sa bahay at pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot.

Nakita ko si mama sa sala na nanonood ng tv.

"Kumain ka na ba anak?"tanong niya.

"Hindi pa po."sagot ko.

"Kumain ka muna."nakangiting sabi ni mama.

"Ah, hindi na po ma, pupunta din po kami sa birthday ni ken."sabi ko.

"Osige, magingat ka ha."paalala niya.

"Opo."sabi ko at umakyat na sa taas

Naligo na ko at nagbihis ng tube top sexy dress.

Nagmake up na rin ako at kinulot ko ang buhok ko.

Kinuha ko ang isang itim na sling bag ko at nilagay dun ang blush on, brush, mirror and liptint na gagamitin ko mamaya pang retouch.

Bumaba na ko at nagpaalam kay mama at nagumpisa na magdrive.

Maya maya pa ay nakarating na ko sa bar at nakita ko si Marian sa labas.

"Antagal mo naman!kanina pa naguumpisa sa loob!"Sabo niya at hinatak na ko papasok sa bar.

"Sharina!"tawag skain ni Ken.

"Happy Birthday!"bati ko.

"Thank you!"sabi niya at inakbayan ako. "Gift ko?"nagaasar na tanong niya.

"Mukha mo!"sigaw ko sa kanya.

"Attorney ka na lahat lahat wala ka pa ding gift sakin?"nangaasar na tanong niya.

"Bukas na lang, di ako nakabili e."sabi ko at humarap sa mga invited.

Halos kilala ko naman lahat kaso may isa akong hindi kilala.

"ah, btw sha, this is Yukio Gutierrez."pagpapakilala ni Ken sa lalaking di ko kilala kanina, Gutierrez?hmm.Medyo may kahawig sya 

"Yukio, this is Sharina Jimenez, bestfriend ko."sabi ni Ken

"Bestfriend lang ba talaga?Diba nililigawan mo sya dati Ken?"biglang singit ni Bel.

"Past is past."sabi ni Ken.

"By the way, asan na pala kapatid mo Yukio?"tanong no Keila, isa sa mga kaibigan namin, pero to be honest, malandi siya.

"Malapit na daw siya."sabi ni Yukio "Ow, ayan na pala siya."biglang sabi ni Yukio.

Halos lahat kami ay napatingin sa entrance at ganun na lang ang gulat ko sa taong paparating. Seryoso ang kanyang mukha at nag matured ang kanyang mukha lalo na ang mga kilos. 

Di ko namalayan na napatagal na pala ang titig ko sa kanya at ganon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng nag angat sya ng tingin at diretsong tumingin sakin.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GODBLESS!

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon