"Anong ginagawa mo dito?!"sigaw ko kay Yuan ng makita ko siyang nakaupo sa sala.
"Sino nagpapasok sayo dito?!"sigaw ko pa at bakas sa mukha ni Yuan ang takot.
"Anak, ako nagpapasok sa kanya dito."naguguluhang sagot ni mama.
"Ma naman!Parang hindi mo alam yung nangyyari."inis na sabi ko.
"Eh anak, wala namang masama kung papapasukin ko sya. Saka mukhang malinis naman intensyon nya."sabi ni mama.
Umalis si mama at bumalik sa kusina.
"Anong ginagawa mo dito?"mataray na tanong ko kay Yuan.
"Ihahatid kita sa trabaho mo."simpleng sabi niya.
"Bakit mo naman ako ihahatid?"tanong ko.
"Kasi gusto ko."sabi niya.
"Ah ganon?Umalis ka ngayon dito!"sigaw ko sa kanya.
"Manliligaw ulit ako, Sharina."nakangiting sabi niya.
"Tas sasaktan mo ulit ako?Saka busted ka na agad."simpleng sabi ko.
"Edi manliligaw ulit ako, kahit paulit ulit mo pa ko bustedin."nakangiting sabi niya.
"Wala na kong pake sayo Yuan, layuan mo na lang ako."sabi ko.
"sha..." tawag nya.
"Umalis ka na."sabi ko at dumiretso na sa kusina.
Kumain ako at aakyat na sana sa kwarto ng makita ko pa rin si Yuan na nakaupo pa din sa sala.
"Diba, sabi ko umalis ka na!"
"Manliligaw nga ko ulit sharina, wala akong pake kahit itaboy mo ko ng paulit ulit, kahit saktan mo ko, kahit itulak palayo sayo, okay lang kasi babalik at babalik pa din ako sayo. Handa akong tiisin lahat ng sakit, wag ka lang ulit mawala sakin."sabi niya.
Speechless ako dun. Titiisin mo lahat ng sakit, Yuan Gutierrez?kaya mo?edi tignan natin kung hanggang saan yung kaya mo.
"Matagal na tayong wala."sabi ko at umakyat sa kwarto.
Napakatigas mo naman!Anong kala mo babalik agad ako sayo?At saka hindi na ko babalik sayo!Papahirapan at sasaktan lang kita para makaganti ako sa mga sakit na binigay mo sakin.
Naligo na ko at nagbihis.
Bumaba na ko at nakita ko pa rin si Yuan sa sala na nakaupo.
Napako ang tingin nya sa bag na nakalagay sa balikat ko na may lamang laptop at mga papel.
Lumapit sakin si Yuan at akmang kukunin nya na ang bag ko pero iniwas ko at nagumpisa ng maglakad.
"Sha, sakay ka na sakin."yaya ni Yuan.
"May kotse ako." sabi ko.
"Alam ko. Pero hahatid na lang kita para hindi na sayang yung gas mo."pagdadahilan niya.
"May pambili ako ng gas."sabi ko at nakapawemang na humarap sa kanya.
"Alam ko din pero-"naputol ang sinasabi niya ng sumakay na ko sa sasakyan ko at pagsarhan siya ng pinto.
Binuksan ko na ang makina at nagdrive na palabas ng bahay.
Binuksan ko ang music player at nagumpisa ng magdrive.
What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
TonightGreat!Napakagandang timing talaga!
Nakita ko sa rear mirror ang kotse ni Yuan na nakasunod sakin.
Sunod ng sunod amp. Ano ka aso?
Nagpark na ko sa parking lot at nakita ko rin sya na nagpark, ano susunod ka talaga?
Inis akong bumaba sa sasakyan ko at agad na pinindot ang elevator.
Kainis!ang tagal pa, baka mamaya bumaba na si Yuan sa sasakyan niya, e ayoko pa naman makasama tong Yuan na to sa elevator.
Bumukas na ang elevator at laking pasasalamat ko ng nakasarado na ito ng hindi sumsunod si Yuan, parang nakahinga ako ng maluwag.
Nakarating na ko sa opisina ko at laking pasasalamat ko na lang na hindi na sya sumunod dahil baka mapatay ko lang sya sa sobrang bad trip.
Bandang mga 12:30 ay naramdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko kaya inayos ko na ang mga papel na sinulatan ko kanina at ang mga libro.
Nagretouch na ko at akmang kukunin na ang bag ko para maalis ngunit biglang bumukas ang opisina ko.
Nakita ko si Yuan na may dalang plastic bag at may mga laman na tupperware.
"San ka pupunta?"nagtatakang tanong niya.
"Kakain." simpleng sabi ko.
"Pinagluto kita."nakangiting sabi niya at pinakita ang mga dala niya.
"Di ko yan kailangan." inis na sabi ko.
"Eto naman, pinagluto lang naman kita, para di ka na gumastos saka para di ka na mapagod bumaba."nakangusong sabi niya.
"May pambili naman ako."sabi ko.
"I know pero gusto lang kita lutuan."sabi niya.
"At umasa ka namang kakainin ko yan?"mataray na sabi ko.
Kinuha ko ang sling bag at sinabit ko iyon sa balikat ko.
Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para maabot ng labi ko ang tenga niya.
"Wag mo ng pagurin yung sarili mo, hinding hindi na ko babalik sayo."seryosong sabi ko at tinalikuran sya.
Wala akong pake kahit masaktan sya dahil yun naman ang totoo.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GODBLESS!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...