CHAPTER 29

4 1 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon, Ewan ko ba kung bakit pero parang kinikilig ako haha.
Tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi kinikilig padin ako, iba talaga epekto sakin ni Yuan.

Bumaba na ko para makakain at hindi na ko nagulat ng makita ko si Yuan sa sofa na nakaupo, expected ko naman na yun charot haha.

"Good morning"paunang bati niya

"hindi na good yung morning ko"pangaasar ko.

"Kasi nakita mo na ko"nakangising sabi niya."Alam na alam ko na yung mga ganyan Sha"pangaasar nya.

"nadale mo haha"natawa ako banda dun.

Nilagpasan ko sya at pumunta na ko sa kusina at agad ko siyang binalingan ng masamang tingin.

"why?"inosenteng tanong niya.

"kala ko naman nagluto ka"pagtatampo ko.

"I'm sorry"

"Okay lang, anong gusto mong kainin?ako na magluluto"tanong ko.

"Di mo na kailangan magluto"

"Why?"

Nginuso nya ang pagkain na dala nya sa kanyang tabi.Napabuntong hininga ako ng makita yon.

"sa tingin mo ba ay hahayaan kong magutom ang prinsesa ko?"nakangising sabi nya.

"Kain ka mais"pangaasar ko.

"Tss, kinilig ka nga"

"San?"

"sa banat ko haha"

"sandok"

"ang hilig mo sa mga ganyan Sha"

"mana sayo"

"tss"

Kinuha ko na ang pagkain sa tabi niya at hinanda na sa mesa upang maumpisaham na namin kainin ang agahan.

"Kain na tayo"anyaya ko.

Nagsimula na kami kumain pero di ko pa rin makalimutan yung kagabi haha, ewan ko ba.

"bat ka nakangiti?"nagtatakang tanong niya

"Huh?w-wala"

"seriously?"pangungutya niya.

"Yea"hamon ko.

"bat mukha kang kinikilig?hmm?"

"k-kinikilig?a-ako?n-never!"

"Okay, I see haha, pero mukhang alam ko na kung anong dahilan"sambit nya sabay sumilay ang ngisi sa labi.

Nakakainis talaga tong lalaking to!napakaano, napaka kapal ng mukha, taas din ng kompyensa sa sarili.

Inis ko syang binalingan ng tingin kaya nahinto sya kakatawa nya.

"tumigil ka Yuan!"

"fine baby"

Nagpatuloy na kami sa pagkain at pagtapos namin kumain ay umakyat na ko sa taas para makaligo.

Pagtapos ko makaligo ay nagbihis na ako, bumaba ako at nakita ko si Yuan na nakaupo sa sofa at nakangiting nagaantay sakin

"sorry medyo natagalan"nahihiyang sabi ko.

"Okay lang, let's go?"

Tumango ako at hinawakan nya ang kamay ko palabas ng bahay hanggat makarating kami sa kotse nya.

Pinagbuksan nya ko ng pinto at pumasok na din ako kaya binitawan nya ang kamay ko.

Pagpasok sya umupo na sya sa driver seat at hinawakan muli ang aking kamay.
Kala ko bibitawan na nya ang kamay ko ngunit nagkamali ako dahil kahit nagmamaneho na sya hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko.

Napakasweet talaga ng lalaking to, abnormal lang talaga haha.

Bahagya akong napangiti sa mga kasweetan na ginagawa sakin ni Yuan.
Napakaswerte ko talaga dahil akin sya.

"Nakangiti ka na naman habang pinagmamasdan mo yung mukha ko, ano ba Sha, alam kong gwapo na talaga ako kaya shh ka na lang"pagmamayabang niya

Lakas ng apog!

"FYI hindi kaya!"

"Sige magsinungaling ka sa sarili mo haha"

"Tumahimik ka nga"

"as you wish" sabi niya at tumigil na siya ngunit nakangisi pa din ang loko!

Nakarating na kami sa school at pinagbuksan na nya ko ng pinto at hinawakan ang aking kamay papasok sa school.

Napakaswerte ko talaga sayo....

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER! THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GOD BLESS YOU!

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon