Nakauwi ako kagabi at bagama't kinikilig pero mabilis din ako nakatulog dahil sa pagod.
Kinabukasan, bumaba ako at nagulat ng wala akong nadatnang Yuan na nakaupo sa sofa, medyo may pagtatampong naramdaman saking dibdib ngunit di ko inantala yon.
Umakyat ako sa kwarto para maligo dahil nawalan na ko ng ganang kumain. Nakita kong nagvibrate ang cellphone ko kaya agad kong kinuha.
Mensahe ni Yuan ang agad na bumungad sakin.
Yuan:
Di kita mahahatid ngayon, sorry.
Ako:
Okay Lang:>Bahagya akong nanlumo pero agad kong inalis ang ibat ibang bagay na sumasagi sa isip ko, baka busy lang si Yuan.
Naligo at nagbihis, sumakay na ko ng jeep dahil wala namang Yuan na maghahatid sakin. Jusko Sha, busy yung tao.
Nakita ko si Marian na nakaupo sa isang bench at parang may inaantay, nang masulyapan niya ko ay agad nya kong sinalubong ng ngiti at patakbong pumunta sakin.
"Hi Sha!asan bodyguard mo?charot haha"biro niya na tinutukoy si Yuan.
"Busy."maikling sabi ko.
"Kailan pa yun naging busy kapag ikaw na?"nagtatakang tanong niya.
"Hayaan na natin yon"sabi ko bagama't gusto kong pagusapan.
Kahit ako ay nagtataka kung bakit wala sya ngayon, never syang naging busy kapag ako na ang pinaguusapan kaya ngayon palang ay nagtataka na ko.
Pero ayaw ko magisip ng masama dahil malaki ang tiwala ko kay Yuan, sobrang laki, kaya sana wag nyang sirain.
"Okay ka lang?"nagaalalang tanong niya.
"Of course!"maligayang sabi ko at ngumiti ng peke
"No, you're not"seryosong sabi niya. "Wag mong pilitin na maging masaya kung hindi naman talaga at mas lalong wag kang magpanggap na okay, kung malungkot ka naman na talaga"dagdag niya.
"Kapag pinilit mo ang sarili mong maging masaya kahit hindi naman talaga mas lalo ka pang masasaktan"seryosong sabi niya.
Naiiyak akong lumingon sa kanya at nagulat ako ng bigla na lang nya kong yakapin ng mahigpit. Mas lalo akong naiyak sa pagcocomfort na ginagawa nya sakin, ganto pala pakiramdam kapag may taong nandyan para sayo.
"Marian di ko alam e, alam kong busy lang siguro o may ginagawa pero di ko alam kung bakit umiiyak ako"sabi ko.
"Shh, may inasikaso lang yon, kala ko naman kung ano ng nangyari sa inyo, halika na nga pumasok na tayo!arte arte!"pabirong sabi niya.
Pumasok na kami sa unang subject at ayan na naman ang kadaldalan na taglay ni Marian hanggang sa last subject ay hindi pa din tumitigil ang bunganga niya.
"Shh Marian,tumahimik ka kailangan ko makinig"paalala ko.
"Ganto kasi yon Sha, pag nireto nyo ko sa kapatid ni Yuan, laging double date diba?edi mas masaya diba tas-"naputol ang pagsasalita niya
"Ms. Jiminez and Ms. Agustin, get out of my class kung hindi kayo marunong makinig!get out!"sigaw ng striktang professor namin.
Dali dali kaming nagayos ng gamit ni Marian dahil baka pag binagalan pa namin ay mayari na talaga kami.
Halos takbuhin na namin palabas ng classroom dahil sa takot. Paglabas namin ay agad na tumawa si Marian.
"Nakita mo mukha ni Mrs. Gonzales mukhang asong galit galit haha, potek lt" tawang tawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...