Umalis yung lalaking yun pagkatapos makipagyabangan at magpakilala at sa hindi malamang dahilan ay naiwan akong tulala...
Pano nya nalaman ang pangalan ko?at yung pangalan ng nanay ko, eh kailan ko lang naman sya nakita.
"Sha!" sigaw ni sabel.
Gulat akong napatingin sa kanya. "Oh?
"Pansin ko lang pagkaalis ni pogi natulala ka na ah HAHAHH,lakas ata ng epekto ni pogi sayo."ngiting aso na sabi ni Sabel.
"Huh?"maang maangang sabi ko.Kahit alam ko naman kung anong ibig nyang sabihin.
"aysuss!best actress ka na girl!"tatawa tawang sabi niya.
"Hu?ano?"sabi ko. Potek?ano ba tong pinagsasabi ko?
"Oh tignan mo."sabay turo niya sa mukha ko. "Ikaw talaga,HAHHAHA." sabi niya at tumawa nang napakalakas."hoy!gising girl kanina pa nakaalis si pogi!"sabi niya at tumawa na naman.
"pwede bang tumigil ka sabel?wala lang yun."kalmadong sabi ko.
"aysus!wala lang daw,hoy sha kanina pa nakaalis si pogi tas kanina ka pa tulala tas sasabihin mo wala lang yun?nako sharina wag ako!"sabi niya.
Tinalikuran ko na siya dahil yan na naman yung bibig niya na walang tigil at paniguradong papaulanan na naman ako nyan ng pangaasar at ng mga tanong.
"Huy sha!anong name ni pogi ha?"sabi niya.
Odiba?yan na!nagsisimula na yang mga tanong nya hanggat sa hindi na niya ko tatantanan
"bakit?"tanong ko.
"syempre isesearch natin sa fb,malay mo HAHHAHA! so ano nga?"pangungulit nya.
Pumasok na ko sa kusina at patuloy pa rin na sumusunod sakin si sabel.Mukang di ata ako neto titigilan nako!
"oy sha?ano ngaaa!?"pangungulit na naman nya.
Pero nanatili pa rin akong tahimik...Ano bang nangyayari sakin?Eh ano naman kung malaman niya yung pangalan?wala namang mawawala!potek!pacheck up ka na self nababaliw ka na ata!
"Uy sha-"sabi niya na agad ko namang pinutol.
"Yuan Roi Gutierrez"simpleng sabi ko.
"Wow, grabe ang ganda ng pangalan nya"sabi niya na parang manghang mangha.
"Di bagay sa kanya."mapaklang sabi ko.
"Hu?anong hindi?ang ganda ganda kaya ng pangalan niya bagay na bagay sa mukha niyang sobrang gwapo!"kinikilig na sabi ni sabel.
"Gwapo nga, gaspang naman ng ugali wala din."mapaklang sabi ko.
"tse!tigilan mo nga ko sha!natulala ka nga psh!"tatawa tawang sabi niya at tinalikuran na ko.
Bakit nga ba kasi ako natulala?papacheck up na ko nababaliw na ata ako baka magulat ako sa mental hospital na ko.HAHAHA
Uwian na namin kaya nagpalit na ko ng damit.Pagkatapos ko magpalit ng damit ay niligpit ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na sa mga katrabaho ko.
Habang nagaantay ako ng masasakyang jeep,ngayong araw ko lang naramdaman na sobrang napagod talaga ako.
May tumigil na magandang itim na sasakyan sa harap ko.Pinagmasdan ko ang salamin ng sasakyan na unti unting bumaba at halos mapatalon ako sa gulat ng makilala kung sino yung nasa loob.
"ikaw na naman!?"inis na sigaw ko."anong ginagawa mo dito ha!?"dagdag ko pa.
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakangisi lang.
"ano ngang ginagawa mo dito ha!?"sa sobrang inis ko napataas na ang boses ko.
"sinusundo ka."simpleng sabi niya.
"At bakit ha!?FYI may paa ako at maraming jeep dyan!di ko kailangan ng tulong mo!che!"masungit na sabi ko sa kanya.
Tinalikuran ko siya sa inis.
"Sharina!"sigaw niya.
Bala ka dyan mamaos che!
"Sharina pls!"sigaw na naman niya.
Ngunit di ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.Nagulat ako ng itigil niya ang sasakyan sa gilid ko at bumaba siya don.
Pero mas nagulat ako sa ginawa niya dahil BINUHAT NYA KOO!
"wahh!"sigaw ko."bitawan mo ko!shet!ibaba mo ko dito!"sigaw ko pa.
"Shut up!ang ingay mo!"sabi niya at agad akong pinasok sa sasakyan niya, nilock niya yun at pumunta siya sa driver seat
Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan ay agad ko siyang pinaghahampas at pinagkukurot
"Aray Sharina!"sabi niya na tumatawa tawa pa.
"Masasaktan ka talaga sakin!"sigaw ko sa kanya.
"Easy Sharina!ansakit mo mangurot ah!"nakangising sabi niya.
"Oh talaga!?ibaba mo nga ko dito Yuan Roi Gutierrez!"sigaw ko sa kanya.
"Pakiulat nga yung pagkakasabi mo sa pangalan ko Sharina, ang ganda kasi pag galing sayo eh"nakangiting sambit niya.
"Hu!?ano!?"inis na sabi ko sa kanya.
"Alam mo siya ang cute mo pag naiinis ka, pero mas magiging cute ka kapag naging akin ka"sabi niya at tumawa ng sobrang lakas!
"Alam mo din Yuan, magdrive ka na lang,gusto ko nang umuwi pagod na ko"sabi ko.
"Sabihin mo munang gwapo ako."nakangising sambit niya
"Mukha mo-"sabi ko na agad niyang pinutol.
"Gwapo..."nakangiting sabi niya.
"Kapal mo!pwede bang magdrive ka na lang!"sabi ko.
"sabihin mo munang gwapo ako, dali na sharina!"nakangiting sabi niya.
"Ano ba!?Pag di ka pa nagdrive bababa talaga ako!"inis na sabi ko sa kanya.
"Edi bumaba ka!bala ka di mo makakasama yung pinakagwapong nilalang."nakangising sabi niya.
"Yuan Roi Gutierrez!"sigaw ko.
"Okay fine!sabi ko nga magdidrive na ko,init agad ng ulo eh"sbi niya at agad na pinatakbo ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...