CHAPTER 17

4 2 0
                                    

Nagpaalam na sakin si Yuan dahil may pupuntahan daw siya kaya bumalik na ko sa trabaho ko.

Buong araw akong wala sa sarili dahil sa nangyari.

Kilala si Jackie ng mommy ni Yuan?close ba sila?

Oo naman, first love siya ni Yuan.

Hindi ako natatakot kay Jackie dahil ang kinakatakot ko ay ang banta ni Jackie kay Yuan na isusumbong nya na nakikipagdate si Yuan sa crew lang.

CREW LANG.

Ano kaya ang sasabihin ng mama ni Yuan pag nalaman nya to?matatanggap nya ba ko?

Iniisip ko pa lang pero sumasakit na yung dibdib ko.

Habang tumatagal na nakakasama ko si Yuan lalo akong nahuhulog sa kanya hindi ko alam kung makakaya ko bang mawala sya sakin.

Tapos na ang trabaho ko nagpalit na ko ng damit at inayos ko na ang aking sarili.

"Sha okay ka lang?"tanong ni Bel.

"Ah, oo"sabi ko.

"Di ka okay e maghapon kang wala sa sarili dahil ba to sa nangyari kanina?"tanong nya

Hindi ko pa nasasagot si Sabel pero agad nang tumulo yung luha ko.

"Sha,bakit?"nagaalalang tanong ni Sabel.

"natatakot kasi ako bel pano kung iwanan ako ni Yuan kasi dahil dun sa pamilya nya?kasi baka di nila ako matanggap?paano na lang sabel, paano?"sabi ko habang umiiyak.

"Desisyon yan ni Yuan, Sha. Kung talagang mahal ka ni Yuan paglalaban ka nya sa pamilya nya kung ayaw sayo pero malay mo gusto ka naman ng pamilya nya kaya wag ka muna magdrama dyan, jusko sharina!HAHAH"Sabi ni Bel.

Pinahid ko na ang luha ko at niyaya si Bel na lumabas na.

Nakita ko agad si Yuan na nagaantay sa labas.

"Sha ang gwapo talaga ng boyfriend mo"kinikilig na sabi ni Bel.

"di ko sya boyfriend"tanggi ko

"aysus dun rin patungo yun"sabi nya.

Tuluyan na kaming nakalapit kay Yuan kaya tumigil na din sa pagsasalita si Bel.

"Let's go?"sabi ni Yuan at inilahad sakin ang kamay nya.

Tumango ako at nagpaalam na kay Bel.

"Ingat bel"sabi ko.

"Ingat din sa inyo enjoy your night guys"sabi ni Bel habang tumatawa, loko talaga.

Pinagbuksan na ko ni Yuan ng pinto at agad na kong pumasok, pumunta na si Yuan sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan.

Nabalot kami ng katahimikan at minsan sumusulyap sakin si Yuan.

Inisip ko yung sinabi ni Sabel, tama siya kung talagang mahal ako ni Yuan paglalaban niya ko sa pamilya nya.

Pero paano kung mas pinili nya yung pamilya nya?pano kung di nya ko pinaglaban?di na ba niya ko mahal?

Myghad sharina!wag ka nga magisip ng ganyan hindi mo pa nga nakikilala eh malay mo naman magustuhan ka.

"Sha?"tawag ni Yuan kaya natigil ako sa pagiisip.

"Yes?"sagot ko.

"Bat ang tahimik mo?"nag-aalalang tanong nya.

"may iniisip lang" malamig na sabi ko.

"a-ano?"nauutal na tanong niya.

Hindi ako nagsalita.Nanatili lang akong tahimik.

"yung nangyari ba to kanina?"tanong nya.

"h-hindi"nauutal na sabi ko.

"Pls sharina"sabi niya at huminto ang sasakyan.

"bakit sharina?yung kanina ba Sha?"nag-aalalang tanong niya."Ano yung iniisip mo?"dagdag nya.

"Paano kung magsumbong si Jackie?Paano kung di ako matanggap ng magulang mo?Paano kung-"

Hindi niya na ko pinatapos magsalita at hinalikan niya na agad ako.

Sa halik nya pinadama nya sakin kung gaano nya ko kamahal.

Kung hindi man ako magustuhan ng magulang ni Yuan alam kong paglalaban niya ko.

Mahal na mahal kita Yuan, di ako magsasawang mahalin ka.

Humiwalay na sya at hinawakan nya ang pisngi ko habang nakatingin ng seryoso saking mga mata.

"I love you so much sharina"sabi niya. "Pls wag kang magagalit sakin"sabi niya at nakita ko sa mata nya ang takot.

"Birthday ni Mommy bukas pupunta tayo sa bahay at ipapakilala kita sa kanila"sabi niya at nagpatuloy sa pagdadrive.

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon