CHAPTER 43

1 2 0
                                    

Matamlay akong bumangon at naligo, hindi ko na naisipan pang kumain at lumabas na ko sa bahay para makapasok na. Nagantay ako ng jeep at sumakay.

Nagvibrate ang cellphone ko, kaya dali ko itong kinuha sa pagaakalang si Yuan ang nagtext sakin  pero nanlumo agad ako ng makitang hindi siya.

Marian:

Asa field ako, wala tayong first class pero second class meron na:>

Bumaba ako sa jeep ng malapit na sa field. Malayo pa lang nakikita ko na si Marian na nakangiting nagaantay sakin. Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako.

"Okay ka lang?"tanong niya.

"Of course!"sabi ko at nilabas ang pekeng ngti.

"Sure ka?"

"Oo nga!kulit!"

"Liar!"sigaw nya sakin.

"Okay fine."sabi ko.

"Ano nga kasi?okay ka lang?"pangungulit niya.

"No, I'm not okay. I'm lost and broken. Because I need to let go the boy I loved the most so that he could find happiness. But I can't do that because I love him so much and I can't lose him."malungkot na sabi ko. "Kaya kahit masakit, kahit mahirap, kahit ayaw na nya, hahabulin ko sya.

"Ikaw lang mapapagod."sabi niya.

"Okay lang basta si Yuan ang dahilan."sabi ko.

Nang malapit na magsecond subject ay pumunta na kami sa room at maya maya pa ay dumating ang tc namin.

Mugto ang mata ng tc namin at humihibi hikbi pa.

"anyare?"tanong ng mga classmate namin.

"anyare kay ma'am?"tanong ni Marian.

"Baka close ko yan."sabi ko.

"Ma'am ano pong nangyari?"lakas loob na tanong ng isang classmate ko.

"Wag na natin pagusapan, ayoko lang ulit umiyak."sabi ni ma'am.

"kwento mo samin ma'am!"sabi ng classmate ko.

"Okay fine."sabi ni ma'am Santiago.

Maganda si ma'am Santiago, at maganda ang hugis ng katawan, sa tingin ko nasa 20+ pa lang sya.

"I have a boyfriend. Nagkakilala kami nung highschool kami. 8 years na kami dapat kahapon kaso..." pabitin na sabi ni ma'am.

"Nakita ko sya may kasamang babae kahapon at hinalikan nya. Sobra akong nasaktan dahil anong pagkukulang at bakit naghanap pa sya ng iba?Binigay ko lahat sa kanya so bakit kailangan nya pa maghanap?"umiiyak na sabi ni ma'am.

"Pero may isang bagay lang akong hindi nabigay sa kanya, ayun siguro yung hinanap nya sa iba."sabi ni ma'am.

"Ano po yun?"curious na tanong ng mga classmate ko.

"Virginity ko. Hindi ko binigay sa kanya, kaya siguro sa iba nya hinanap."sabi ni ma'am.

"Di mo sya deserve maam!hayaan mo na lang."sabi ni mga classmate ko.

"Kahit pala sobrang tagal nyo na, kung may makita lang sya na mas better sayo iiwan ka pa din niya."sabi ni ma'am. "Wala na ngang matinong lalaki ngayon."sabi ni ma'am

Nagkatinginan kami ni Marian at nagkibit balikat.

Mabilis na natapos ang oras at di ko namalayan na uwian na pala.

"Gusto kong kausapin si Yuan."sabi ko kay Marian.

"Para saan pa?"tanong niya.

"To apologize."

"Bakit?Ikaw ba ang may kasalanan?"sarkatiskong sabi niya.

"Nabigla lang ako kahapon."sabi ko at nilabas ang cellphone ko.

To Yuan:

Can we talk?

"Ang rupok, rupok mo!"sigaw niya sakin, nagkibit balikat na lang ako at tinignan ang cellphone ko, maya maya pa ay nagvibrate ito.

Yuan:

About what?

To Yuan:

About us.

Yuan:

May tayo ba?

To Yuan:

Yuan, pls.

Yuan:

Fine. Sa park.

"Marian una na ko!"sabi ko at tumakbo na.

"San ka pupunta?"habol niya.

"Basta."sabi ko at tatawa tawang sumakay sa jeep.

Ayaw ko malaman nya dahil alam kong di ako papayagan ni Marian.

Nakarating ako sa tapat ng park at bumaba na sa jeep. Pumasok na ko at umupo sa bench habang inaantay si Yuan.

3pm pa lang pala, maaga pa.

4 pm.

To Yuan:

Asan ka na?Andito na ko sa park kanina pa.

5 pm.

To Yuan:

Dadating ka pa ba?

Medyo dumidilim na at natatakot na din ako. Pero aantayin ko pa din sya.

6 pm.

To Yuan:

Yuan, natatakot na ko dito.

6:30 pm.

Maya maya pa ay nakita ko si Yuan na papalapit sakin.

"Anong sasabihin mo?"tanong niya.

"I'm sorry nabigla lang ako kahapon, mahal na mahal kita Yuan, di ko kaya yung hinihiling mo."sabi ko habang umiiyak,

"Tumigil ka na sha. Kalimutan mo na lang ako."nahihirapang sabi niya.

"Pero paano?Hindi ko kaya."sabi ko "Tinuruan mo kong mahalin ka sana turuan mo din akong kalimutan ka."umiiyak na sabi ko.

"Sha naman!wag ka ngang tanga!tumigil ka na!sinasaktan mo lang sarili mo!."sigaw niya sakin, napapikit ako sa sigaw niya.

"Yea. It's actually hurt. You've broke me. But why I couldn't stop loving you?"tanong ko.

"Kaya mong pigilan sharina!ayaw mo lang!Isang buwan pa lang tayo nagkakilala!Madali mo lang ako makakalimutan!"sigaw niya.

"Yun nga eh!Mabilis lang, pero bakit ang hirap hirap?bakit ang sakit sakit mong mahalin?"tanong ko.

"Sha..."

"Yuan, hirap na hirap na ko."tulalang sabi ko.

"Ayaw mo na ba mahirapan?"tanong niya.

"Simple lang. Kalimutan mo na ko."sabi niya at tinalikuran ako.

Habang naglalakad sya papalayo ay hinabol ko siya at niyakap galing sa likod.

"I miss you... Please come back."umiiyak na sabi ko.

"Sorry, but I can't."sabi niya at kinalas ang mga kamay kong nakayakap sa kanya.

Naglakad na siya palayo sakin at nakita ko syang sinalubong ni Jackie at sabay na sumakay sa sasakyan.

Napakahirap at sobrang sakit din na panoorin mo yung taong mahal mo na may kasamang iba, habang ako tahimik lang na nasasaktan.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER! THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GODBLESS YOU!

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon