Halos buong maghapon akong nagtrabaho at hindi ko maipagkakaila na masaya ako.
Masaya ako dahil si Yuan ang dahilan.
Natapos na ang trabaho ko at naglinis na kami para makauwi na.
"bel,una na ko"sabi ko
"sige Sha, goodluck sa lovelife"nang aasar na sabi niya.
"Tss"sabi ko pero alam ko sa sarili ko na kinikilig ako
Nauna na kong lumabas at nanlumo ako nang wala pang naghihintay sa akin na Yuan.
Umupo muna ako sa bench para antayin si Yuan. Andaming gumugulo sa isip ko.
Bakit kaya wala pa si Yuan?Ano kayang ginagawa niya?Nakalimutan nya ba kong sunduin?Or baka mapahamak na si Yuan?!no, no, no erase!relax self baka natraffic lang.
Halos kalahating oras na kong nagaantay pero wala pa ring Yuan Roi Gutierrez na dumadating.
Okay relax sharina, baka may ginawa lang or natraffic lang.
Hanggang sa umabot ng isang oras, dalawang oras.
Mukhang hindi na dadating yun kaya nagpasya na lang ako na umuwi na lang.
Tinignan ko ang relo ko at 7pm pa lang ng gabi kaya naisipan ko muna na pumunta sa paboritong lugar ni Yuan
Sumakay na ko ng jeep papunta dun. Magrerelax na muna ako dun dahil nakakapagrelax yung place at yung ganda ng mga bituin
Nang makita ko na malapit na ko ay nagpara na ko.
Bumaba na ko at agad dumiretso sa lugar. Nakita ko na may isang sasakyan na nakaparada sa tapat ng entrance ng lugar.
Hindi ako nagkakamali, kotse to ni Yuan!
Bakit siya andito?sa kanya nga ba tong kotse?or kaparehas lang?Sumiklab ang kaba sa puso ko habang naglalakad ako papalapit sa damuhan.
Parang mga kabayo na nagsisi unahan sa pagtakbo ang bawat pintig ng puso ko.
Sa damuhan may nakita akong dalawang tao. Nakatalikod man paniguradong kilalang kilala ko siya.
Si Yuan at may kasamang babae na nakahawak sa braso niya habang nakatanaw sila sa paligid.
Parang may punyal na tumusok sa dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Alam kong walang tayo Yuan, pero bat kailangan ko masaktan ng ganito?
Ganto pala yung pakiramdam ng magmahal at sobrang sakit pala kapag nasaktan ka.
Ang hirap tignan na yung taong mahal ko, oo mahal ko na.
Mahirap tignan si Yuan na may kasamang ibang babae sa lugar na to.
Sobrang sakit na ng nararamdaman ko ngayon gusto ko nang umalis pero parang may nagpipigil sakin.
Tumingin yung babae kay Yuan at sinabing
"I want you back, Yuan" malambing na sabi ng babae at bakas sa mukha ni Yuan ang gulat pero hindi siya nakapagsalita.
Dahan dahang nilapit ng babae ang mukha niya kay Yuan para mahalikan to at mas lalo akong nasaktan ng nagpaubaya si Yuan na halikan lang siya ng babaeng to.
Ganto pala masaktan?sobrang sakit.
Sino tong babaeng to?siguro, ex girlfriend ni Yuan.
Di malabo. Sa sinabi pa lang ng babae halata na.
So ano ako?panakip butas lang ata ni Yuan haha, sa bagay nakakapagtaka naman kasi na ang isang Yuan Roi Gutierrez magkakagusto sa isang Sharina Jimenez lang.
Siguro nga pampalipas oras lang ako ni Yuan or trip lang kasi inaantay nya lang bumalik yung una.
At ngayong bumalik na, siguro tabla na ko, tabi na muna ako.
Ang daya mo kupido!bat ako lang ang nagmahal ng totoo?
Bago pa tumulo ang mga luhang nagbabadya sa mata ko agad akong tumayo at tinakbo ang mga distansya para malisan agad ang lugar na yon.
Bago tuluyang makalabas tinignan ko ulit yung dalawa at nakita ko na agad na pagtayo ni Yuan.
Sana maging masaya ka sa kanya Yuan.
Bago ako sumakay ng jeep pinunasan ko ulit ang mata ko para masiguradong wala na talaga akong luha.
Habang nakasakay ako sa Jeep hindi ko maiwasan na isipin ang mga nangyari kanina at parang paulit ulit na may punyal na tumutusok sa dibdib ko.
Bat ba kasi ako nageexpect na totoo talaga yung mga pinapakita ni Yuan.
Eh wala namang right reason para magustuhan niya talaga ako.
Masyado sigurong tumaas yung pag eexpect ko kaya ako nasaktan ng ganito.
Malapit na ko samin kaya isinantabi ko muna yung mga nasa isip ko.
Bumaba ako sa may kalsada na malapit sa street namin.
Habang naglalakad ako papalapit sa aming street nakita ko si Yuan na nakasandal sa sasakyan niya at diretsong nakatingin sakin.
Oh shit!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...