CHAPTER 8:THE DATE PART I

17 3 1
                                    

Nakarating na kami sa mall at agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok kami sa mall at habang naglalakad kami, sinulyapan ko si Yuan at laking pagtataka ko ng makita ang galit sa mukha niya.

Binalewala ko yun, naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa aking tenga, naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi at panigurado akong pulang pula na ito.

"Andaming nakatingin sa legs mo sharina, sinabi ko sayo kanina na magpalit ka pero di ka nakinig"pabulong ngunit galit ang pagkakasabi niya.

Pinagmasdan mo ang paligid at meron ngang mga iilang nakatingin sin pero nang pagmasdan ko ang iilang babae halos himatayin sila sa kilig habang nakatingin sa kasama ko

"bibili muna tayo ng jeans sharina, magpalit ka"maawtoridad na sabi niya.

"You're so paranoid Yuan!"inis na sabi ko sa kanya.

"ayokong may ibang nakakakita ng dapat ako lang nakakakita"mariing sambit niya.

huh?hindi ko siya maintindihan!anong ibig nyang sabihin?

"anong ibig mong sabihin Yuan ha?"iritadong tanong ko sa kanya

"slow"pabulong ngunit rinig ko na sabi niya.

"sinong slow ha?!"tanong ko at hinampas hampas siya sa balikat niya.

"aray Sha, sinasaktan mo na naman future husband mo" nangaasar na sabi niya.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at agad ko siyang kinurot sa tagiliran, tatawa tawa lang siya na parang nangaasar pa.

damn, Yuan Roi Gutierrez!di ko siya maintindihan ambilis niya magbago ng mood, kanina ang seryoso niya at parang kahit anong oras ready na sumuntok tas ngayon tumatawa at nangaasar pa!napakagulo mo Yuan Roi Gutierrez!

"let's go Sha, bibili muna tayo ng jeans mo nang makapagpalit ka na"sabi niya.

"okay na to Yuan, beside andyan ka naman sa tabi ko"sabi ko

Agad kong narealize kung anong sinabi ko,uminit ang pisngi ko at agad akong nilamon ng hiya!shet,lupa kainin mo ko!damn!

Binalingan ko siya ng tingin at nakita ko ang mga ngiting naglalaro sa mukha niya!

"I mean-"sabi ko na agad na pinutol niya.

"fine sharina, wag ka nang magpalit"sabi niya nangaasar na tono

"H-hindi yu-yuan,m-magpapalit ako s-sabi mo, diba?"nauutal na sabi ko shet!

"no sharina,like what you said,andito naman ako sa tabi mo, don't worry di ko hahayaan na mapahamak ka"seryosong sabi niya.

Tututol pa sana ako sa sinabi niya ngunit naramdaman ko ang kanyang kamay sa bewang ko,agad akong pinamulahan ng mukha at naramdaman ko na naman ang elektrisidad na bumalot sa katawan ko, at parang mga kabayo na naguunahan sa pagtakbo ang bilis ng pintig ng puso ko.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mga mata niyang seryosong nakatingin sakin at mabilis niya kong hinalikan sa noo.

mas dumoble ang bilis ng pintig ng puso ko sa ginawa ni Yuan

Yuan, di kita maintindihan...

"anong gusto mo munang gawin, kumain o manood ng sine?"tanong niya.

Agad kong naalala na wala pala akong dalang pera

"y-yuan, uuwi na lang ako, di ko pala dala yung pera ko"nahihiyang sabi ko.

"huh?di mo naman kailangan magbayad, ako na bahala sa lahat basta sasama ka sakin, don't worry Sha, ako nang bahala sa date natin"nakangiti at kalmadong sabi niya.

"p-pero nakakahiya yuan"maagap na sabi ko.

"bat ka mahihiya sa future husband mo?"nangaasar na tanong niya.

"manahimik Yuan!"sigaw ko sa kanya.

Napatingin ang ilang tao sa gawi namin at agad akong nahiya, damn,yuan!

"ingay mo kasi HAHA"sabi niya pa

magsasalita pa sana ako pero di ko na natuloy nang maramdaman ko na naman ang kanyang kamay sa aking bewang, at ayan na naman ang lagi kong nararamdaman na elektrisidad kapag hinahawakan ako ni Yuan.

"eto lang pala ang tanging paraan para tumahik ka"pangaasar niya.

"Ano bang gusto mo munang unahin natin?kumain o manood ng sine?"tanong niya.

"Nood muna tayo Yuan, para isang kainan na lang"sabi ko

Hihilahin ko na sana siya papunta sa may sinehan nang pigilan niya ko.

"sandali, may pupuntahan muna tayo"sabi niya.

Hinila niya ko at di ko alam kung san kami pupunta.

Nagulat na lang ako nang nasa harap na kami nang bookstore wtf?!

Hinila na niya ko papasok dun at tumigil kami sa lugar kung saan kami una nagkita.

"Dito yung lugar kung saan tayo una nagkita."sabi niya habang pinagmamasdan ang paligid.

Agad na naginit ang pisngi ko sa sinabi niya, tinignan ko siya at bakas sa mukha niya ang kasiyahan.

"ito yung lugar kung san kita unang nakita"sabi niya pa."dito din yung lugar kung saan ko nakuha ang first kiss mo"sabi niya at sabay ngumisi ng nakakaloko.

Agad ko siyang hinampas sa balikat niya at tawa lang ang ginanti niya sakin.

"kunin mo lahat nang gusto mong libro sharina"sabi niya.

Napabaling agad ako sa kanya. "Ayoko, Yuan"Sabi ko.

"kunin mo na or else ako ang kukuha"sabi niya.

kumuha ako ng dalawang pirasong libro, okay na siguro to.

Ngunit laking gulat ko nang makita si Yuan na may hawak na dalawang basket at dun nilagay lahat ng wattpad books na gusto ko!

"YUAN!"sigaw ko sa kanya at agad na napabaling siya sakin

"what?"inosenteng sabi niya.

"O-okay na tong dalawa"sabi ko

Pero agad siyang umiling at nagpatuloy sa pagkuha nang mga libro.

Pinigilan ko na siya dahil nahihiya na ko nang sobra, nakita ko agad ang mga ngiting naglalaro sa kanyang labi!

"Let's go Sha, babayaran na natin to"sabi niya na agad kong pinigilan

"no, Yuan!nakakahiya!wag na"sabi ko.

"anong nakakahiya dun?beside this is my gift for you"nakangiting sabi niya.

"gift?"naguguluhang sabi ko.

"August 11"sabi niya.

August 11?anong meron?myghad yuan...
Potek?birthday ko yun ah?

"advance happy birthday Sha"sabi niya

Pano niya nalaman birthday ko?hmmpp!

"tara na bayaran na natin to"sabi niya at agad akong sumunod sa kanya

Binayaran nya na lahat at agad akong nilamon ng hiya.

"Y-yuan pano pa tayo m-makakadate ay este m-mamamasyal n-nyan?" utal utal na sabi ko sa kanya.

"Don't worry Sha,pina deliver ko na yan sa bahay nyo"nakangising sabi niya at agad akong hinila palabas ng bookstore.

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon