CHAPTER 45

1 1 0
                                    

"Sharina, ano na namang katangahan yun!"sigaw sakin ni Marian ng makapasok na kami sa kotse 

"Ano kase e."sabi ko, kumakapa ng salita.

"Ano?!"

"Nagusap lang kami ni Yuan."tanging sabi ko ayaw ko na sabihin ang muntik na marape dahil baka magwala pa to si Marian.

"Myghad sharina!may iba na yun si Yuan!Hayaan mo na!di mo need mag beg ng love niya, ng atensyon, kase kung mahal ka talaga nyan kusa nyang ibibigay sayo yan at kung talagang mahal ka talaga nyan hindi yan babalik sa ex niya!"sermon niya.

"Mahal na mahal ko sya Marian, kaya okay lang sakin yung maghabol."umiiyak na sabi ko.

"Hindi okay sakin yon!"sabi ni Marian.

"Mahal na mahal ko si Yuan, Marian. Kaya kakayanin ko lahat."sabi ko.

"Talaga?!Sha naman!Ikaw na lang yung umaasa, ikaw na lang yung nagpapakatanga!ikaw na lang yung naghahabol!tapos sya wala ng pake sayo!"sigaw nya sakin.

"Sanay na ko maghabol, Marian"sabi ko at pinunasan ang luha.

"Never put yourself in a situation na ikaw lagi yung naghahabol dahil mauubos ka nyan!makakalimutan mong mahalin sarili mo nyan!Na sa sobrang paghahabol mo sa kanya  makakalimutan mo ng magtira sa sarili mo."mahinahon ng sabi ni Marian.

Natahimik ako sa sinabi niya.

Ako nga lagi yung naghahabol, masyado na kong nagpapakadesperada sa taong hindi naman ako pinaglaban. Nakalimutan ko na bang mahalin yung sarili ko?Oo, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nakalimutan ko ng magtira para sa sarili ko.

Napapagod na ko pero mahal ko pa din siya. Nasasaktan na ko pero di ko pa din magawang kalimuan siya. Masakit pero kakayanin.

"Hayaan mo na sharina!May iba na yung iniingatan kaya hinahayaan ka na lang."sabi ni Marian.

"Isa din ba kami sa 'pinagtagpo pero di tinadhana o itinadhana pero maling pagkakataon?"umiiyak na sabi ko.

"Siguro?Hindi ko alam. Hindi naman ako yung sumusulat ng tadhana niyo, duh!"maarteng sabi niya.

"Gusto kong maging masaya katulad ng dati, maging okay kagaya ng dati, yung hindi ko na kailangan magpanggap na masaya ako at okay ako kasi yun talaga yung totoo, namimiss ko na yung dating ako, yung dating pagkatao ko, yung dating sa libro lang ako umiiyak at kinikilig, gusto kong bumalik sa panahon na yun."sabi ko.

"Pwede naman e."sabi ni Marian.

"Find your self again, and especially love you self!Pag natuto kang mahalin ulit yung sarili mo, ibang saya yung mararamdaman mo , ibang feelings, yung hindi mo kaya hanapin sa iba, yung sa sarili mo lang makikita. And don't say that you don't deserve to be happy because everyone deserve to be happy. Choice lang natin yan, choice natin maging masaya or maging miserable. Choice nating magmahal or hindi, choice nating masaktan o magparaya, and choice natin mag move on at hanapin natin ulit at mahalin ang sarili natin. It's always our choice."sabi niya at nginitian ako.

"Thank you, Marian."sabi ko. "Lagi kang nandyan para sakin, lagi mo kong sinasalo, hindi ka nagsasawang magadvice sakin, salamat."

"Your always welcome, lagi lang akong nandito para sayo, hinding hindi kita papabayaan."sabi niya at nagpatuloy na sa pagdidrive.

Tama si Marian. Choice ko tong lahat, desisyon ko to. Gusto ko ulit maging masaya, yung totoong saya kaya hahanapin ko ulit ang sarili ko at mamahalin.

Pero kahit sa isang pagkakataon, gusto kong makausap si Yuan, last na. Gusto ko lang sabihin ang mga salita na magpapatanggal ng bigat sa dibdib ko. Isang beses na lang at kahit gusto ko pang habulin at kausapin siya, titigil ako, hihinto ako.

Isang beses na lang.

"tutal wala tayong pasok bukas, EK tayo!gusto kitang maging masaya sharina!"sabi ni Marian.

"Sige!"excited na sabi ko.

Dahil sa totoo lang gusto ko na din maging masaya ulit. 

Sarili ko muna bago ang iba.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GODBLESS!


Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon