Maaga akong gumising para pumasok sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko..
Sumakay na ko sa jeep at kung minalas nga naman napakasikip at punuan pa. At sa sobrang swerte ko nga naman talaga sobrang traffic pa.!
Nang makarating na ko sa restaurant pawis na pawis na ko kaya nagmadali akong pumuntang cr para makapagpalit na ng uniform namin sa restaurant na to. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ko.
"Sha, ikaw kumuha ng order dun sa lalaki na yun." sabi ni Sabel, sabay turo sa lalaking nakaupo malapit sa bintana.
Si Sabel ang kaibigan ko sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko dahil parehas lang kami ng sitwasyon sa buhay. Parehas lang kami na mahirap at ang hangad ay makapagtapos ng pagaaral.
"Huh?Bakit ako Sabel?ikaw na, kakagaling ko lang kaya."iritableng sabi ko.
"Ikaw na Sha!Kasi kanina kinukuha namin yung order nun pero sabi nya gusto daw nya si Sharina Jimenez yung kukuha at magseserve ng order nya. Go na sha, alam mo ba ang gwapo nya yiee!"kinikilig na sabi nya.
"Hu?Pero-" sabi ko.
"Go Sha!Sayang opportunity yiee!"putol nya sa sasabihin ko at tinulak pa ko papalapit sa lalaking yun.
"Oo na!kaya ko maglakad sabel!" inis na sambit ko.
Pinuntahan ko yung lalaking tinuro ni Sabel, di ko maintindihan kung bakit ako yung kailangan kumuha ng order nya... Baliw lang?
Lumapit na ko paa makuha ko na yung order nya.
"Hi!Good morning sir!Ano pong order nyo?"masayang sabi ko sa kanya.Dahan dahan nyang tinanggal ang salamin na suot niya at halos mapatalon ako sa gulat nang makilala kung sino yon.!Grrr!
"Ikaw!?"inis kong sambit sa kanya.
"Ohh!Gulat ka babe?Relax,Sharina Jiminez" sabi nya at sabay tumawa ng malakas. "Naaalala mo pa ba ko Miss Sharina Jimenez?" nakangising tanong nya.
"Oo naman ikaw lang naman yung feeling pogi na kinuha yung libro na paborito ko at ang nagnakaw ng first kiss ko hmpp!" inis na sabi ko sa kanya.
"Easy HAHAHA!ganyan ka ba makitungo sa mga customer nyo?O sakin lang?kasi sa lahat ng customer nyo dito ako lang pinakagwapo?Pasalamat ka nga may gwapo kang kausap ngayo eh!"Mayabang na sabi nya.
"Wow!taas ng kompyansa sa sarili san libro ka ba pinaglihi?Dictionary o Encyclopedia?"sabi ko.
"Wala sa choices e!kasi kahit wala namang paglihian gwapo talaga ako."nakangiting sambit nya.
Lakas ng apog ng lokong to ah!
"Oorder ka ba o makikipagyabangan ha!?"inis kong sabi sa kanya.
"Easy okay!Ikaw ang magserve sakin pagkatapos sabayan mo ko kumain" sabi niya.
"Ano?sabayan?Hoy!may trabaho ako." sabi ko.
"Don't worry, kinausap ko na yung manager nyo sinabi ko na gusto kitan gmakasabay kumain."nakangititng sabi niya.
"eh ako pumayag ba ko?"sabi ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo sasabayan mo kong kumain Sharina Jimenez." maawtoridad na sabi niya.
"okay...so anong order mo?"mahinahong sabi ko
"Lahat ng nasa Menu nyo."Mayabang na sabi niya.
Ang yabang talaga neto tsk!
"okay."at tinalikuran sya.
Pagdating ko sa kitchen halos gusto kong sumigaw sa inis at galit.Napakayabang niya, as in!Gwapo nga sobrang yabang naman!Damn you!
Sinerve ko sa kanya lahat ng order nya at kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag ngisi niya!Grr!Buset talaga!
"Tawagin mo na lang ako kapag kulang pa yang lahat ng inorder mo."at akmang tatalikuran ko na siya ng hinawakan niya ang braso ko kaya napaharap na anman ako sa kanya.
"Ano?oorder ka pa?kulang pa ha?"mapaklang sabi ko.
"Sit down." simpleng sabi nya.
"Ano ka boss?manager ko lang pumayag hindi ako duh!"sabi ko.
"Pwede bang umupo ka na lang?sabayan mo ko kumain,dont worry di ako masamang tao, gwapo lang" nakangising sambit niya.
Umupo ako sa tapat nya at tinignan siya habang kumakain.
Di ko maipagkakailang gwapo ka,mayabang nga lang tsk!
"Eat your food.Wag mo kong tignan alam kong gwapo na talaga ako."sabi nya
ano daw?tinitignan?siya?
"Hoy!Di kita tinitignan,kapal talaga ng mukha mo! At saka hindi mo ba maaalis sa pananalita mo yung salitang gwapo ka huh?" sabi ko.
"Bakit?masama ba magsabi ng totoo?HAHAHAH"tatawa tawang sabi niya.
"Aba't-"sabi ko na agad na pinutol nya.
"Just finish your food."mariing sabi niya.
Di na ko nakipagtalo at agad na inubos ang pagkain na nakalaan sakin dahil sa totoo lang nahihiya ako na sumabay sa kanya dahil sobrang pormal nya kumain at halatang anak mayaman siya.
Natapos na kaming kumain at andaming pagkain na natira.
"Magkano lahat?" tanong niya.
"8,750"kaswal na sabi ko.
Naglabas ng 10,000 tong lalaking to at inabot sakin.Kinuha ko na ang bayad nya at akmang pupunta na kong counter para masuklian siya ngunit hinawakan nya ang braso ko.
"Keep the change."sabi ng lalaking mayabang na to.
"Di pwede babalik ko yung sukli mo teka lang-"sabi ko na agad na pinutol nya.
"Just keep the change Sharina Jiminez" mariing sabi niya.
"okay." simpleng sabi ko.
"Sharina Jimenez... And your mother's name is Sarah Jimenez right?" nakangising tanong nya.
Gulat akong napatingin sa kanya,ngumisi siya ng sobrang laki at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.
"Gulat ka Sharina?"nakangiting sabi niya.
Sa sobrang gulat ko hindi pa rin ako makapagsalita dahil di ko lubos maiisip kung paano nya nalaman ang pangalan ko at ang pangalan ng nanay ko.
"By the way Sharina, Im Yuan Roi Gutierrez." sabi niya at kinindatan ako.
"Nice to meet you again Miss Sharina Jimenez" sabi niya at naglakad na palabas ng restaurant.
Potek?
Paano yun?
Paano nya ko nakilala?
Paano nya nalaman pangalan ng nanay ko?
Paano nya nalaman na dito ako nagtatrabaho?
Jusko mababaliw na ko kakaisip dito!
Yaan na!bala na di ko talaga alam kung paano mababaliw lang ako dito jusko!
Pero kasi paano?
Malalaman ko din yan siguro
So ang pangalan nya pala is Yuan
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...