CHAPTER 52

9 2 0
                                    

"Sharina!"sigaw ni Yuan ng makalabas na ko sa opisina.

"Ano ba yun?!"inis na sabi ko ng makitang naaagaw na namin ang atensyon ng maraming tao.

"Wait!"sigaw niya.

Mas lalong binilisan ko pa ang paglalakad para di niya ko maabutan pero sadyang mabilis talaga sya dahil naabutan niya ko.

"Lubayan mo nga ko!"inis na sigaw ko.

"Gusto mong maging sunod sunuran ako sayo?Fine!gagawin ko!"sabi niya at pinundot na ang button sa elevator.

Bumukas ang elevator at pinauna nya kong pumasok at sumunod siya.

"San ka kakain?"tanong niya.

"Sa kainan." pamimilosopo ko.

"Yeah, right." pangsasang ayon niya.

Inirapan ko sya at sinimangutan.

"Sure ka bang ayaw mo kainin yung mga luto ko?" pangungulit niya.

"Sino bang may gustong kainin luto mo?" sarkatiskong tanong ko.

"Madami sharina,pero sayo ko lang ipapatikim."nakangiting sbai niya.

Pinalo ko sya at sinimangutan.

"Wag ka ngang ngiti ng ngiti dyan, kala mo kinagwapo mo yan ha?!"inis na sabi ko.

"Gwapo naman talaga ako."bulong niya pero narinig ko

Ang yabang mo pa din!

"Napakayabang mo pa din!Pakibawasan!"inis na sabi ko.

"Masama bang magsabi ng totoo?"inosenteng tanong niya.

"Hindi!Pero masama yung magsinungaling!"sigaw ko sa kanya.

Lumapit siya sakin pero agad din akong lumayo sa kanya.



"Wag kang umasta na okay tayo, Yuan. Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sakin."seryosong sabi ko.

"Let me explain, sha."maluha luhang sabi niya.

"Wala akong panahon para pakinggan yung mga kasinungalingan mo."sabi ko at nauna ng lumabas sa elevator at halos takbuhin ko na ang sasakyan ko wag nya lang ako maabutan.

Sawang sawa na ko sa sakit at lalong lalo na sa mga kasinungalingan.

Kung naging matigas man ako ngayon, mas mabuti na to, kesa naman dati na sobrang rupok ko kaya lagi na lang ako sinsaktan.

Nag drive thru na lang ako sa MCDO dahil wala akong gana mag dine in.

Nakita ko pa din si Yuan na sumusunod sa likod ko pagtapos ko mag drive thru.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakita ko ang text ni Marian.

Marian:

Bar tayo later. Samahan mo ko pls.

To Marian:

Fine.

Umakyat na ko sa opisina at pumasok, salamat naman at hindi na sumunod si Yuan, sasapakin ko na talaga siya, lalo na't binadtrip nya ko ng sobra.

Nang mag 5:30 pm na ang inayos ko ang mga gamit ko.

Lumabas na ko sa opisina at sumakay sa elevator.

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon