(patugtugin nyo po ang stay by Daryl Ong while reading this chapter"
Agad akong napabalikwas ng gising ng maramdaman kong may humihimas sa buhok ko.
"Y-yuan"nauutal na sambit ko.
Nakita ko ang pagaalala sa kanyang mukha.
"Sha, magusap tayo"naiiyak na sabi ni Yuan
Shet, eto na ba yun?ano paguuspan namin?iiwan na ba nya ko?sasabihin nya ba na si Jackie pa din yung mahal nya?shet, di ko kaya...
"Yuan, kung tungkol yan sa nalalapit mo pagiwan sakin... Pls wag ngayon"naiiyak na sabi ko.
"Wtf, Sha?!sino nagsabing iiwan kita?no, di kita iiwan, di ko kaya Sha"umiiyak na sabi ni Yuan.
"Eh ano paguusap natin ha?"tanong ko.
"Yung nangyari kahapon"sabi ni Yuan.
"Alam mo yuan, kung trip mo lang ako pls itigil mo na, masakit na e"sabi ko.
"Sha..."
"Alam mo Yuan madaming tanong na gumugulo sa isip ko eh, pero di ko matanong kasi natatakot ako pero sa tingin ko eto na ata yung tamang panahon para malaman ko to"matapang na sabi ko.
Sumeryoso ang mukha nya at binaling nya sakin ang buo niyang atensyon habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
"Gi-ginamit mo lang ba ko p-para makalimutan si j-jackie?" naiiyak na sabi ko.
Damn, ang hina hina ko.
"Of course not, mahal na kita Sha una palang, hindi kita ginamit okay? matagal ko na syang kinalimutan. Past is past, Pls sha, wag ka naman magisip ng ganyan"desperadong sabi niya.
"Paanong hindi ko to maiisip ha?!eh fiancee mo na pala sya dati pa hanggang ngayon pa pala"sabi ko."Yuan, niloloko mo ba ko?option mo lang ba ko?o pampalipas oras lang?"sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha
"Sha, hindi. Hindi ko sya fiancee okay?dati pa yun, simula nung naghiwalay kami wala na yung kasunduang yun, di ko alam kung bakit sinabi ni mommy yun kahapon Sha,nagulat din ako sha at nasasaktan ako para sayo kasi baka kung anong isipin mo" sabi niya. "Pero mas masakit pala yung makita kang naglalakad palayo"sabi ni Yuan at agad niyang pinunasan ang mga luha niya.
"Bakit Yuan anong gusto mong gawin ko dun?manatili?eh, tingin pa lang ng mommy mo sakin halatang hindi na ko tanggap e, ano Yuan sasaktan ko pa lalo sarili ko?"sabi ko.
"Sha..."
"Bat pa kasi natin pinipilit yung mga bagay na hindi naman na pwede?alam ko una pa lang na di tayo pwede eh, pero sumugal pa din ako kahit ako yung masasaktan, kahit walang kasiguraduhan sumugal pa din ako, Yuan"sabi ko. "Alam mo Yuan kung napipilitan ka lang na mahalin ako, itigil mo na lang"sabi ko at tinalikuran siya.
Agad nya ko niyakap galing sa likod at naramdaman ko yung luha nya na pumapatak sa balikat ko
"Sha, pls wag ganito oh, Sha ayusin natin to oh, mahal na mahal kita Sha"umiiyak na sabi ni Yuan
No, dapat di ganto eh, dapat galit ako eh, dapat hindi sya ganto eh.
Gusto kong sumugal ulit pero natatakot ako, sobra, pero dahil mahal ko si Yuan, susugal ulit ako.
Hinarap ko siya at niyakap ng mas mahigpit at sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at dun umiyak ng umiyak.
"Yuan, pano pag hindi pumayag yung mga magulang mo na maging tayo?"tanong ko.
"wala akong pake, hindi kita iiwan, paglalaban kita sa kanila"sabi niya "kahit buong mundo pa ang hahadlang satin, wala akong pake"sabi niya at hinalikan ang noo ko.
Kumalas na ko sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan sya.
"Yuan, I love you"sabi ko
"I love you so much Sha, pangako, hindi kita iiwan"sabi niya at niyakap ulit ako.
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANK YOU GUYS! GOD BLESS! LOVELOTS!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomansaLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...