Nagising ako ng maaga at bumaba ako sa hagdan.
Napatingin ako sa sala pero wala akong nakitang Yuan na nakangiti na nagaantay sakin naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.
Asan si Yuan?narealize nya na ba na si Jackie talaga yung mahal nya?guni guni ko lang ba yung nangyari kagabi?shit!
Naginit ang sulok ng mga mata ko at ngayon alam ko sa sarili ko at hindi ko Yun maitatanggi na nasasaktan ako.
Naghanda ako magisa ng pagkain ko dahil wala namang Yuan na maghahanda.
Tulala ako habang kumakain at walang gana di ko alam kung anong nangyayari sakin, ganto ba talaga pag nagmamahal?
Or masyado lang akong nagiisip ng kung ano ano.
Baka naman kasi di pa nagigising si Yuan baka napuyat.
Damn.
Isinantabi ko muna ang mga iniisip ko tungkol kay Yuan inisip ko muna kung anong gagawin ko sa nalalapit na pasukan
1 week na lang pasukan na.
Medyo excited ako sa pasukan pero medyo nanlumo ako dahil di ko na masyadong makakasama si Yuan
Paano ba naman sa private ata yun nagaaral samantalang ako sa public lang pero proud ako kahit sa public lang ako nagaaral.
Damn, bat ba kasi kailangan maging mayaman siya.
Medyo makukulangan na kami ng oras sa isat isa.damn, bat ko ba to iniisip e di naman kami.
Napatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pinto at agad akong tumayo para pagbuksan ito.
Mas lalo akong nagulat ng makita ko si Yuan sa harap ko at may bitbit itong isang bouquet ng roses!damn!
Namula agad ang pisngi ko at hindi ko maitatanggi na kinikilig ako pero hindi ko dapat ipahalata.Dapat galit ako sa kanya.
Hindi naman porket mahal ko siya bibigay na agad ako.Dapat maghirap muna siya. Dapat makita ko kung kaya nya bang pagtiisan tong ugali ko.
"Good morning Sha" nakangiting sabi niya.
"Too"malamig kong sabi at tinalikuran siya.
"flowers for you"nakangiting sabi niya at umambang ibibigay sakin pero tinalikuran ko na siya
"Bat ka badtrip?di mo ba nagustuhan?"tanong niya, pero di ko sinagot at nagpatuloy sa pagkain.
May atraso ka pa sakin Yuan at saka ngayon ka lang dumating tss.
"Sha,kausapin mo naman ako"sabi niya.
Tinignan ko siya at nakita ko ang seryosong mga titig niya agad akong nagiwas ng tingin dahil nakakalusaw ang mga titig niya.
At baka mapatawad ko agad siya dahil nakakalusaw ng galit ang paraan ng pagtitig niya.
"bat ka nandito?"walang ganang tanong ko.
"syempre, kung nasan yung taong gusto ko dun ako"nakangiting sabi niya.
Damn,Yuan, kung wala ka lang ginawang kasalanan kagabi baka kinilig na ko.
"Talaga?Wala naman dito si Jackie ah"matabang na sabi ko.
"anong gagawin ko kay Jackie, e si Sharina Jimenez naman yung gusto ko"nakangiting sabi niya.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang mga nagbabadyang ngiti ko.
Nagpatuloy na lang ako kumain at nagpatuloy lang din si Yuan sa pagsasalita kahit wala namang katuturan yung sinasabi niya.
"Sha alam mo ba nalate ako kasi bumili pa ko ng flowers para sayo"pagkukwento niya
"Di ko naman kasi sinabing bilhan mo ko"sabi ko
"Sungit naman,halikan kita dyan ah"nanunuksong sabi niya.
"bat di si Jackie yung halikan mo?"sarkatiskong sabi ko.
"Bat mo ba ko pinagtutulakan sa iba sharina!eh ikaw nga gusto ko!ikaw!ikaw!ikaw!"sigaw niya sakin,galit.
"oh bat nagsasawa ka na?eh di iwan mo ko"malamig na sabi ko.
"No, hindi ako nagsasawa at mas lalong di kita iiwan. Never. ayoko lang na pinagtutulakan mo ko sa iba. Ikaw yung gusto ko sharina"seryosong sabi niya. "Maligo at magbihis ka na sharina, malalate ka na"dagdag niya.
Kaya umakyat na lang ako sa taas at mabilis na naligo at nagbihis.
Napansin niya na pababa na ko kaya tumayo na siya at pinagmasdan ako.
"Let's go Sha"malamig na sambit niya.
"okay"mas malamig na sambit ko.
Akala mo papatalo ako?no way!
Lumabas na kami at tahimik kaming naglalakad hanggang makarating sa sasakyan niya.
Pinagbuksan na niya ko ng pinto at agad akong sumakay.
Pumunta na siya sa driver seat at tahimik na nagdrive.
THANKS SA PAGSUPORTA GUYS!SANA PATULOY NYO PO AKONG SUPORTAHAN!GOD BLESS YOU ALL!LOVELOTS!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...