CHAPTER 35

8 3 0
                                    

"Sharina!"sigaw niya.

Agad akong napalingon sa kanya na nasa loob ng sasakyan niya.

"Pumasok ka na dito!basang basa ka na!ako na bahala, ihahatid na kita!"galit na sigaw ni Marian.

"Huwag na Marian,kaya ko pa"pagmamatigas ko.

"myghad!"sabi niya at bumaba sa kotse niya at hinatak ako papasok sa kotse niya.

Pumasok na sya sa kotse nya at binigay sakin ang tuwalya.

"Sha, bat ka naman umalis agad?hindi mo ba ko narinig sabi ko sandali kasi babayaran ko pa kinain natin, nako!"sabi niya. "at saka bat ka nagpaulan ha?!paano kapag nagkasakit ka ha?!paano mo bubugbugin kabit ni yuan?"biro niya.

"Marian naman e!"

"binibiro lang kita"

"di niya yun kabet, ex girlfriend nya nga yon"

"fine!pero bat mo pinakita kay Yuan na apektado ka?"

"yun naman yung totoo"

"myghad sharina!ang hina mo naman!dapat nilapitan mo tas nginitian mo pa tas dapat sinabi mo na YAN NA YON?ANO BA YAN MAS MAGANDA PA DIN AKO, ganon dapat, ang hina mo, ano yan papatalo ka?!ang hina mo talaga, ano yan utak mo may ubo?"sermon niya.

"hayaan mo na lang Marian"

"hindi e!kahit ako naiinis kay Yuan!hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya makipagkita sa ex niya, yari yan sakin bukas!"sabi niya.

"hayaan mo na kasi,tanggap ko naman na mahal niya pa yun"

"mahal?!eh bat ka niya niligawan?bobo ba siya?!ano utak niya may ubo din?"galit na sabi ni Marian.

Napaiyak na lang ako dahil hindi ako kasing tapang ni Marian, dahil ako mas pipiliin ko pang ako ang masaktan kesa ako ang manakit.

"sha..."mahinahon na tawag sakin ni Marian.

"masama ba magselos?"tanong ko.

"No!Ang masama ay yung alam nyang nagseselos ka pero hinahayaan nya lang lamunin ka ng selos mo"

"masama ba masaktan?"

"hindi!kasi nagmamahal ka, pag nagmahal ka asahan mong masasaktan ka, pero kung sobra na yung sakit, kapag ikaw na lang yung lumalaban at napagod na siya, dun ka na tumigil, dun mo hayaan na lang, dahil kapag ganon na ang nangyari, pakawalan mo na, hayaan mo na"payo niya.

"But I can't lose him, I love him so much"madamdaming sabi ko.

"You can't?the question is, what if he can?what if it's okay for him to lose you?diba mas masakit yun?"sabi niya.

"I don't know Marian, sobrang nasasaktan na talaga ako, sabihin na ng iba na ang babaw ko pero Marian ex niya yun e, nauna yun sakin,pag bumalik yung una talo ako"umiiyak na sabi ko.

"hindi rin sya,dahil kung totoong mahal ka ni Yuan, kahit nauna pa yun, ikaw ang pipiliin niya"sabi niya.

"ang hirap noh?when you really love the person pero ang daming humahadlang sa inyo"umiiyak na sabi ko.

"Nasa inyo naman yan kung papaapekto kaya sa sinasabi ng iba e, dahil yung mahalaga lang diyan yung nararamdaman niyong dalawa,dahil kung gusto mo maging kayo talaga sa huli, piliin nyong maging kayo sa huli,wag iasa sa tadhana,kasi in the first place tayo naman ang gumagawa ng tadhana natin,if you really wanna be with someone in the future, always choose that person."advice niya, ang galing magadvice ni Marian.

"kaya kahit masakit Marian,paulit ulit kong pipiliin si Yuan."umiiyak na sabi ko.

"Alam mo sha sa totoo lang ang swerte mo kay Yuan kasi nakikita ko sa mga mata nya na kapag tinititigan ka nya,halatang mahal na mahal ka nya, yung parang turing sayo isa kang prinsesa"sabi niya."ako kasi,kahit kailan di naranasan yan, my ex boyfriend never looked at me like that.I ain't no princess when I look in his eyes, but the way I look at him he's my king and my world, it hurts, promise."malungkot na sabi niya.

Magsasalita na sana ako pero naunahan na nya ko.

"San ba bahay mo?"tanong niya.

"kaliwa lang tas diretso dun nayon"sabi ko. 

Ginawa nga nya ang way na sinabi ko at maya maya pa ay nakarating na kami sa street. Salamat na din at tumigil ang malakas na ulan.

"Salamat Marian."

"Welcome sha, okay ka na ba dito?"

"Yeah, thank you ulit,bye"sabi ko at bumaba na sa sasakyan niya.

Hinintay ko sya makaalis at ng makaalis na sya at pumasok na ko sa street para makauwi at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si Yuan na nagaantay sa labas ng bahay.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANKS FOR YOUR SUPPORT! LOVELOTS! GODBLESS YOU!❤️

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon