"Sha,wake up"
"sha"
"Sha,gising na andito na tayo"
"Sha may ipis"sigaw ni Yuan.
"Ha?saan?"natatarantang sabi ko at natatakot na din
"Joke lang."sabi ni Yuan.
"Buset ka talaga Yuan!"sigaw ko sa kanya.
"Eh ayaw mong gumising eh kanina pa kita ginigising pero ayaw mo gumising."sabi niya.
Kinapa ko yung mukha ko at napansin ko na may laway sa gilid ng bibig ko.Dahil sa kahihiyan pinunasan ko agad ang bibig ko at bumaling ako kay Yuan.
Pagtingin ko sa kanya ay humagalpak siya ng tawa habang tinuturo yung bibig ko.
"Fuck Sha!HAHAHAHA kay ganda mong babae pero tulo laway ka pag natutulog"sabi niya habang tumatawa.
"Edi wow Yuan!Hindi kaya ako tulo laway sobrang napagod lang talaga ako."mahinang sabi ko dahil sa kahihiyan.
"Don't worry sha okay lang HAHAHAH maganda ka pa rin naman HHAHAHAHA"sabi niya at tumawa pa ng malakas
Inis kong binalingan siya at tinignan siya ng masama pero hindi siya natinag kaya hinampas at kinurot ko na siya.
"Aray sha!HAHAHHA sorry na HAHHHAA" tatawa tawang sabi niya.
"Buset kang Yuan ka!pagtatawanan mo pa ko ha"sabi ko at patuloy pa din ako sa pagkurot at paghampas sa kanya.
"Yan ka na naman Sha sinasaktan mo na naman future husband mo"sabi niya na mas lalong kinainis ko WAAAHHHH!
"Yuan bubugbugin na talaga kita"sabi ko na namumula na sa inis.
"Bubugbugin ng pagmamahal mo?o sige sha gusto ko yan HAAHAHHA"sabi niya na mas kinainis ko pa.
"Pakihanap nga."sabi ko
"Yung ano Sha?yung puso mo?nasakin ata"sabi niya habang tumatawa.
"Hindi Yuan. Yung pake ko pakihanap dali"sabi ko pero di siya natinag at tumawa pa din nakakinis na ha!"Yuan di ka ba marunong makaramdam ha?naiinis na ko Yuan!"sigaw ko sa kanya.
"Nararamdaman ko Sha, kaya nga okay lang e kasi ang cute mo pag naiinis ka"pangaasar niya sakin.
Hindi ako umimik at pinagpapalo ko na lang siya.
Hinuli niya ang kamay ko at bigla siyang sumeryoso. Tinignan niya ko sa mata gamit ang nakakapang akit niyang mga mata na naging dahilan ng pagbilis ng puso ko.
Di ko alam kung bakit ganto nararamdaman ko ngayon ko lang naramdaman to sa buong buhay ko, ngayon lang.
Palapit ng palapit yung mukha niya sakin kaya mas lalo akong kinabahan.
"Yuan"sabi ko ng di ko na makayanan yung kaba na nararamdaman ko.
Agad siyang lumayo at nagmura ng pabulong.
"Sha andito na tayo"malamig na sabi niya.
Problema netong lalaking to?
"a-ahh, ah o-oo" nauutal na sagot ko.
"s-salamat"sabi ko na agad lumabas sa sasakyan niya.
Pagkalabas ko ng sasakyan niya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Anong ibig sabihin ng pinakita ni Yuan kanina?Hindi ko alam.At mas lalong wala akong balak alamin.
Dumiretso na ko sa bahay at umakyat sa kwarto ko, sa sobrang pagod ko ay di na ko kumain at nakatulog na agad.
*KINABUKASAN*
"Anak!"sigaw ni mama mula sa baba.
"Po?"sagot ko.
"Hinahanap ka ni Yuan nandito sa baba"sabi ni mama.
Nagulat ako sa sinabi ni mama at dali dali akong bumaba at laking gulat ko ng makita ko si Yuan sa sala namin.
"bakit ka nandito ha?!"sigaw ko sa kanya.
"Sharina, di kita pinalaking ganyan ha,pinuntahan ka ng tao tas aasta ka ng ganyan nako sharina!"sabi ni mama
"Eh mama bat mo pa kasi pinapasok yan dito huh?"naiinis na tanong ko kay mama.
"Eh kilala ko naman siya saka sabi niya susunduin ka daw niya,mamaya Sharina maguusap tayo ha" sabi ni mama pero bakas sa mukha niya na may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi kasi andito si Yuan.
"Huh?pano kayo nagkakilala neto ma ha?!"sabi ko kay mama.
"Anak yan ni Maam Yna eh yung amo ko Sha"sabi ni mama na siyang ikinagulat ko."Pagpasensyahan mo na yang anak ko Yuan ah"sabi ni mama at tinuloy ang pagluluto niya ng agahan
"Okay lang po sanay naman na po ako HAHAHA"sabi ni Yuan
Kaya tinignan ko siya ng masama pero ngiti lang ginanti niya sakin.
"Good Morning Miss tulo laway ay este Sharina"nakangiting sabi niya.
"Binubwisit mo na naman ba ko Yuan ha?"inis na sabi ko sa kanya.
"Hindi kaya nag gogodmorning nga ko eh"sabi niya.
"Hindi na good yung morning ko kasi ikaw agad nakita ko"sabi ko at inirapan siya.
"Alam mo sha masanay ka na lalo na pag nasa iisang bahay na tayo tas nasa iisang kwarto ako na talaga laging una mong makikita sa paggising mo at ako din ang huli mong makikita bago ka matulog"sabi niya na parang siguradong sigurado siya sa mga pinagsasabi niya.
Lakas ng tama ng lalaking to nagpaplano na agad huh?kapal talaga!
"Taas ng pangarap di masungkit"sabi ko.
"Mangyayari yun sha,mangyayari yun"nakangiting sabi niya.
"Asa Yuan,asa"sabi ko at tinalukuran na siya.
"Yuan halika na at kumain ka na dito sumabay ka na samin"sabi ni mama.
At etong lalaki namang to mabilis na umupo sa tabi ko.
"Yuan dun ka nga!"sigaw ko sa kanya.
"Tabi tayo sha"sabi niya
"Ano ba Yuan ha?!"sigaw ko
"Bunganga mo Sharina ha!"sabi ni mama
Napahiya ako dun kaya tumahimik na lang ako.
Kumain na kami at pagtapos ko kumain ay naligo na ko at nagbihis.
Sumakay na kami sa kotse ni Yuan at pinaandar nya na yun papunta sa trabaho ko
Ramdam niya na badtrip ako kaya di na siya nakipagasaran.
Hininto niya yung sasakyan niya sa tapat ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko at bumaba siya at pinagbuksan niya ko ng pinto.
Hinatid niya pa ko hanggang sa loob ng restaurant.
"uhm Sha,sunduin ulit kita mamaya ah"sabi niya.
"Okay"sabi ko lang.
"Bye Sha!take care"sabi niya at umalis na.
Dont forget to vote and comment thanks!lovelots!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...