Nakarating kami sa parking lot at hawak nya pa rin ang kamay ko, pilit kong binawi yun ngunit hindi ako nagtagumpay, ang higpit ng pagkapit nya.
"Bitawan mo ko."utos yon.
"Tapos ano?aalis ka?no way!"galit na sigaw niya.
"ano bang pake mo?last time I checked wala kang pake sakin!"inis na sabi ko.
"Ano bang nangyayari sayo sharina?!E hinihipuan ka na non!"sigaw niya.
"Wow ha, may pake ka na pala sakin ngayon, di ako nainform."sarkatiskong sabi ko.
Bumuntong hininga sya at nakita ko sa mukha nya ang pagkalma.
"Sharina, I'm sorry okay?umuwi na tayo, ihahatid kita."mahinahong sabi niya.
"Kaya ko umuwi magisa."sabi ko at tinalikuran siya.
Hinawakan nya ang braso ko kaya agad akong napatigil sa paglalakad.
Tinignan ko sya sa mata at nakita ko ang sakit sa mga mata niya.
"Bitawan mo ko!Kung makaasta ka parang tayo e hindi naman na tayo."sabi ko "ay mali, hindi nga pala naging tayo, so pls tumigil ka na!"dagdag ko.
"Walang tayo pero may karapatan ako sayo."mahinahong sabi niya.
"Wala kang karapatan sakin Yuan, simula nung iniwan at sinaktan mo ko!"sigaw ko.
Tinalikuran ko na sya dahil nawawalan na ko ng pasensya sa kanya at baka maisumbat at masabi ko pa lahat ng ginawa niya!
Nagulat ako ng hinigit nya muli ako at niyakap ng mahigpit!Nagpumiglas ako pero sadyang malakas siya dahil di ako makawala.
"Ano pa bang gusto mo?!"galit na sigaw ko at buong lakas ko stang tinulak.
Nakaalis ako mula sa pagyakap nya dahil nararamdaman ko na nanghihina na ang katawan nya at nakita ko sa mga mata nya na tumutulo na ang mga luha niya.
"Please Sha, please come back to me, gagawin ko lahat, maghihintay ako, magtityaga ako, magtitiis ako, bigyan mo lang ulit ako ng pagkakataon."umiiyak na sabi niya
Hindi ko maipaliwanag kung bakit nasasaktan ako ngayon, kung bakit nahihirapan akong tignan si Yuan habang lumuluha at nagmamakaawa sakin, hindi ko maintindihan.
"Uuwi na ko."sabi ko dahil alam kong mali tong nararamdaman ko.
Mali to, hindi dapat ako maawa sa kanya, Hindi dapat na isang sorry niya lang, isang suyo, isang pagmamakaawa, ay patatawarin at tatanggapin ko na ulit siya.
Agad nya kong hinawakan sa kamay pero agad ko ding binawi to.
"Let me explain Sha."pakikiusap nya.
"For what?"tanong ko.
"For everything."lumuluhang sabi niya.
"Di na kailangan, aalis na ko"sabi ko
"Pls Sha."pagmamakaawa niya.
"Okay."sabi ko.
"Puro kapahamakan at sakit ang nadudulot ko sayo Sha. You deserve to be happy kaya kita iniwan."paninimula niya
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...