CHAPTER 20

3 3 0
                                    

Pagdating ko sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto at nagmukmok, Hindi ko kaya yung nangyayari sakin dahil masyadong masakit.

Hindi ko matanggap na eto lang ang kahahantungan ng lahat.

Bakit ganto?
bakit andaya sakin ng tadhana?
bakit hindi na lang ako yung nauna?
bakit nandyan si Jackie?
bakit mayaman si Yuan?
bakit hindi kami pwede?
At bakit ako nasasaktan ng sobra ngayon?did I deserve this?

Deserve ko bang masaktan ng ganito?dapat hindi ako nasasaktan e kasi kailan lang kami nagkakilala ni Yuan pero bat ganto?ang hirap.

Bakit kailangan nya ko paibigin kung may fiancee na pala sya ha?bat sya ganto?bat nya ko sinasaktan ng ganito?kala ko ba mahal nya ko?
tanga sharina,hindi ka nya mahal.

Napapunas agad ako ng luha ko ng may kumatok sa kwarto ko.

"Sino yan?"tanong ko.

"Ako to, anak"sambit ni mama.

Binuksan ko ang pinto at humiga ulit ako sa kama.

Tumabi sakin si mama at hinawakan nya ang buhok ko.

"Anak, humarap ka sakin" sabi ni mama at agad akong humarap sa kanya.

"Umamin ka sakin, kayo na ba ni Yuan?"tanong ni mama.

"Hindi pa po ma"naiiyak na sabi ko.

"hindi pa?"tanong ni mama

"nanliligaw pa lang po siya ma" sabi ko.

Malungkot na ngumiti si mama at tumingin sakin.

"Alam mo anak, masarap magmahal ng mayaman pero mahirap din at the same time,kasi andyan yung mga taong huhusga sayo at magmamaliit sayo,mahirap kapag ang minahal mo ay hindi mo kaestado sa buhay, dahil ang mga mayayaman anak sila lang yung mga dapat pinapangarap natin yung tinitignan lang natin sa malayo dahil mahirap kapag minahal mo sila kasi masasaktan ka lang"malungkot na ni mama.

Sabagay totoo yung sinabi ni mama, dun ko narealize na dapat hindi ko na lang minahal si Yuan dahil masakit nga sobrang sakit.

"Ma, deserve ko po bang masaktan ng ganito?bakit po ako nasasaktan ng ganito?"naiiyak na tanong ko.

"Kasi mahal mo."sabi ni mama "anak, lahat ng taong nagmamahal nasasaktan. Dahil di ka pwedeng magmahal ng di nasasaktan dahil kakambal ng pagmamahal ang sakit pagdating sa pagibig"pangaral ni mama.

"bakit parang hindi ko deserve maging masaya ma?bat puro na lang sakit pag si Yuan na?"tanong ko habang umiiyak.

"Lahat tayo deserve sayo pero nasa tao yan kasi choice yan anak,Kung gusto mong maging masaya o hindi"sabi ni mama.

andami kong tanong at gustong masagot to dahil kailangan ko ng reason kung bakit nangyayari to sakin kasi masakit na!

"bakit ganto mama?bakit kailangan ako ligawan ni Yuan, diba may fiancee na sya?"tanong ko

"Ang alam ko hindi niya fiancee si Jackie ngayon, dati lang. Pero dahil sa sinabi ni Madame kanina hindi na ko sure anak, mas magandang pagusapan nyo yan ni Yuan"sabi ni mama

"Pahinga ka na anak alam kong pagod ka"sabi ni mama at lumabas na sa kwarto ko

Tama.
Kailangan ko kausapin si Yuan,dahil sya lang ang makakasagot ng mga tanong ko.

Pinunasan ko na ang luha ko at natulog.

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon