CHAPTER 38

2 1 0
                                    

Nagising na lang ng biglang sumakit ang leeg ko. Napatingin ako kay Marian na naalimpungatan din, nakatulog din ba sya?

"Nakatulog ka din?"tanong ko

"oo e, di ko namalayan"sabi niya. "Mall na tayo?"tanong niya.

Umiling ako dahil magkano na lang tong pera ko hindi pa nagpapadala sakin si mama at wala na din akong trabaho kaya kailangan ko ng magtipid.

"huh?bakit?"tanong niya.

"Wala na kong pera e, kailangan ko na magtipid, alam mo na hehe"nahihiyang sabi ko.

"Libre kita!"excited na sabi ni Marian.

"Ayoko, Marian"tanggi ko dahil ayaw ko namang abusin ang kabaitan ni Marian, kahapon lang ang nilibre nya ko, sapat na yun.

"Bakit naman?"nagtatampong tanong niya.

"Nahihiya ako, Marian at saka ayaw ko namang abusuhin yung kabaitan na pinapakita mo."sabi ko.

"Ano ka ba!wala yun, gusto lang kita mapasaya, kaya ano?lezgooo naaa?!"excited na sabi niya.

"Sige na nga!"sabi ko.

Pumunta na kami kung saan nakapark ang sasakyan niya at sumakay. Nagsimula na siya magdrive.

"Sha,magmamall tayo para sumaya, pls wag mong isipin si Yuan."naaawang sabi niya.

"Of course!"sabi ko at pinipigilang maluha.

Bakit ko naman iisipin yun diba?Eh ako ba naisip niya?Siguro hindi, busy sya diba?Kasama nya si Jackie diba?Malamang nageenjoy na sila. Ano kayang ginagawa nila?Napapasaya rin ba sya ni Jackie gaya ng ginagawa ko?Pero napasaya ko ba sya?I d'ont know, kasi ako masayang masaya pag sya na yung kasama ko, pero eto at mas pinili niyang sumama kay Jackie kesa sakin.

Bakit ang unfair unfair nyo?!Bakit ako lang yung nasasaktan?!Bakit ako lang yung nagdurusa?!Bakit ako na lang lagi?!Bakit kailangan ako lagi yung kailangang magtiis?

"Sha..."sambit ni Marian.

Napatingin ako sa kanya at bakas sa mukha nya ang pagaalala, kanina pa pala tumutulo yung luha ko.

"Ang sakit no?Kapag ikaw na lang yung nagmamahal sa inyo, ang hirap sabihin na nagseselos ako kasi wala namang kami, wala akong karapatan."umiiyak na sabi ko.

"Ang pagseselos sha, wala yan sa karapatan dahil kapag totoong mahal mo yung tao kusa mong mararamdama yan."sabi niya.

"Sana ol kasi natitiis diba?ako kasi nagkukunwari lang na kayang tiisin siya. Kulang na lang habulin ko sya at sabihin na ako yung piliin niya pero sa kalagayan ko ngayon, sa nararamdaman ko ngayon, sa panghihina na nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya, hindi ko magawa."umiiyak na saad ko.

"Wag na wag mong gagawin yan, sha. Maganda ka wag kang maghabol. Always remember na, masyado tayong maganda para maghabol. Don't chase people to stay, kasi kung gusto nila umalis edi paalisin mo, hayaan mo,madami pang lalaki dyan hindi lang siya nagiisa."sabi niya.

"Kasi dapat ikaw yung hinahabol, hindi ikaw yung naghahabol. Dapat ikaw yung mas minamahal, hindi yung ikaw yung mas nagmamahal. Dapat ikaw yung nananakit, hindi ikaw yung sinasaktan. Dapat ikaw yung hindi naghihintay, hindi yung ikaw yung naghihintay, kasi you deserve better."sabi niya at nginitian ako.

"Pero paano?"umiiyak na sabi ko.

"Hay nako Sha!you're too young to be stressed about love, chase your dreams not people, okay?"sabi niya.

"okay"sabi ko at di ko namalayan na nasa parking lot na kami ng mall.

Bumaba na kami at masayang pumasok sa mall,Pumasok kami sa Chanel na brand, dahil ito daw ang paborito nyang brand.

Namili sya ng mga damit at ako ay nakatunganga lang dahil wala naman ako pera. Isang damit pa lang ay napakamahal na, isang damit lang ay pwede ko ng ipang budget sa isa hanggang dalawang buwan.

Natapos na ata sa pamimili ng damit si Marian kaya pumunta na sya sakin.

"oh?ano ng napili mo?tapos na ko, heler!"sabi niya at kumaway pa sa mukha ko.

"wala nga kong pera Marian,kulit mo"tumatawang sabi ko.

"Sabi ko nga ililibre kita!ang kulit mo din!"sabi niya.

"Ayoko, nakakahiya sayo"sabi ko.

"Ano ka ba, wala yun, saka laging nagpapadala naman sila mommy, wala din naman akong pinaggagastusan kaya dali na pls"pakiusap niya.

"Ayaw ko nga."sabi ko.

"Ah ayaw mo ah."sabi niya at nag evil smile sakin.

Kumuha sya ng isang cart at kumuha ng mga damit na magaganda, halos manlumo at jhalos takbuhin ko palapit sa kanya.

"Myghad Marian!"saway ko.

"it's okay"sabi niya at dumagdag pa ng mga damit kaya pinigilan ko na talaga sya.

"Okay na yan!"saway ko.

"sige, kailangan talaga ako kukuha?ako magaadjust?sa ganda kong to?"biro niya.

"halika na nga!"sabi ko at hinatak na nya ko papuntang counter.

Napakadaming damit na binili neto ni Marian!palibhasa may pera!Halos manlumo ako ng makita ang kabuuang presyo lahat ng damit na binili niya.

"Di ka ba na nanghihinayang?"tanong ko.

Umiling na sya bilang sagot.

Binayaran nya na lahat at pumunta muna kam sa kotse nya para daw ilagay mun alahat ng pinamili namin.

"Tara kain muna tayo tas punta tayo tom's world, kanta kanta lang ganern haha!"sabi niya at hinatak na naman ako papasok sa mall.

Kumain na kami at pagtapos ay pumunta na kami sa tom's world, may mga laman pa ang bawat room ng kantahan kaya inantay na lang namin, habang nagaantay napalingon ako sa isang room at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko sya.

Parang waterfalls na nagsisiunahan tumulo ang luha ko, kala ko okay na ko, hindi pa pala. Kala ko masaya na ko, hindi pa din pala.

Bakit?Bakit ganon?Ano pa ba ng kulang sakin?Ano pa bang mali?Bat kailangan nyang gawin to?Hindi pa ba ko sapat?Bakit hindi nya lang ako diretsuhin?

Umiiyak ako habang pinapanood ko si Yuan na kinakantahan si Jackie at masaya silang nakatingin sa isa't isa.

Dapat ako yan e!Dapat tayo yan!Bakit sya na?Hindi na ba ako?Anong nangyari?

Pero mas napaiyak ako at parang may mga libong palaso na tumama saking dibdib ng maglapat ang labi nilang dalawa.

Sana panaginip lang ang lahat ng ito...

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GODBLESS!


Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon